Kabanata 15

11.5K 392 24
                                    

15 - Lost

Kinakabahan kong pinagmasdan ang malakas na buhos ng ulan mula sa salaming bintana ng kwartong ito ni Aziel. Masyadong malakas ang ulan, kung ngayon ay nakauwi na sina tatay, malamang ay hinahanap na ako no’n.

“Titila rin naman siguro ito mamaya..” mahina kong bulong.

Sunod-sunod na kulog ang bumalot sa pandinig ko na lalo kong ikinakaba. Mukhang hindi agad ito titigil. Tatlong oras na akong narito kay Aziel, malamang ay nakauwi na sina nanay at handa na akong mapagalitan pag-uwi ko. Pero, pagtatakpan naman ako ni tatay, ‘di ba?

“Tulala ka..”

Napukaw ng boses niya ang atensiyon ko kaya luminga agad ako kung nasaan siya. Hawak niya ang remote at kinokontol ang T.V. sa harap. Itinigil niya iyon sa isang news station saka umupo sa sofa.

“Ang lakas ng ulan, sana tumila na.” sagot ko saka bumaling ulit sa bintana.

Kaming dalawa na lamang ni Aziel ang naiwan dito. Matapos ang pag-uusap namin sa kusina ay napansin kong wala na sina Atlas at Ayden dito. Hindi na rin bumalik ng kwarto si Aziel kahit na pinilit ko na siyang magpahinga. Bumalik lang siya nang magpalit siya ng damit at hindi na raw magpapahinga dahil maayos na ang pakiramdam niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya. Tikom ang labi niya at kunot ang noo habang nanonood ng news. Kahit na mukhang malakas siya ay malamlam pa rin ang mga mata niya kaya masasabi kong hindi pa siya gaanong maayos. Kaya lang ata ayaw niyang magpahinga ay dahil nandito ako.

“Magpahinga ka pag-uwi ko..”

Tumingin agad siya saakin at marahang tumango. Ibinalik niya ang tingin niya sa T.V. pero hindi ko inialis ang tingin ko sakaniya. Ang amo ng mukha niya. Siguro ay maraming nagkakagusto sakaniya sa Maynila? Si Deanna, may gusto rin kaya sakaniya?

Makapal na kilay, katamtamang tangos ng ilong, matalas na panga–

“Don’t tell me you’re falling in love with me..”

Isang malakas na kabog ng dibdib ang naramdaman ko at halos magwala ang puso ko. Nakaramdam ako ng panlalamig ngunit walang sakit ng ulo. Napabalik ako sa ulirat at nakita siyang may naglalarong ngiti at taas ang kilay.

His voice echoed in my head. Abo’t abot na kaba ang naramdaman ko. Parang hinahabol ng kung ano ang puso ko.

Rinig na rinig ang kiskisan ng mga sapatos at talbog ng bola sa labas ng gym. Hawak-hawak ko ang naka hard-bound na kopya ng research na gawa namin ng pair ko. Ipapasa na lamang ito kaya naman ibibigay ko na sakaniya para siya na ang magpasa. I’ll be on vacation the next few days so I’ll just leave this to him.

“Iris! Saan ang punta mo?”

Nilingon ko ang pamilyar na boses ng kaibigan ko. She’s wearing an all-black outfit today. Well, she always wear black but today’s just a little bit different ‘cause her lipstick is black, too.

“Ivan. Ibibigay ko ang research namin..”

Tumango siya bago kumaway saakin. “Okay.. Pasalubong, ha?”

“Sure!”

I headed towards the school gym to see him. Ayaw ko man sa lugar na ito dahil maingay at punong-puno ng mga lalaking pawis na pawis at akala mo kung sinong sikat dahil nakapasok ng varsity team, wala akong choice. I really need to give him this.

I awkwardly opened the door to enter. Normal lang naman na may mga babaeng pumupunta rito dahil sa mga crushes nila pero hindi iyon ang dahilan ko!

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon