Kabanata 14

10.7K 402 64
                                    

14 - Visitor

"Si kuya, Atlas?"

Nanatiling nakaupo si Atlas sa isang pulang sofa habang tinitipa ang hawak na gitara. Sa harap niya ay isang malaking T.V na bukas ngunit walang nanonood.

"Still in his room."

Lumipad ang tingin niya saakin at bahagyang ngumiti. I smiled back. Inilibot ko tingin ko sa kabuuan ng silid. This room is grand and luxurious!

"Bumangon na ba para kumain?"

Umiling lamang siya at ibinaling ulit ang atensyon sa gitarang hawak. Iginiya ako ni Ayden na maupo muna sa sofa na kaparehas ng inuupuan ni Atlas. Hawak ko pa rin ang paperbag na kinalalagyan ng kanin at ulam na niluto ko.

"What's that?" kuryosong tanong ni Atlas na nasa harap ko ngayon.

"Uh.. Ulam.."

His lips stretched for a smile. "Nagluto ka ulit?"

Tumango ako. "Tinulungan ako ni tatay."

Ngumuso siya saka inilapag ng maingat ang gitara niya sa lamesa.

"Atlas, why do you always leave the damn T.V. on?! You're not even watching it!" inis na bulyaw ni Ayden sa kapatid saka padarag na inabot ang remote at pinatay iyon.

Nagkibit-balikat lamang siya. "I hate silence."

"And I hate noise!" angil ng nakatatandang kapatid.

Ngumisi lamang si Atlas saka tumayo at dumiretso sa island counter para kumuha ng tubig. Pagkabalik ay inilapag niya ang basong iyon sa harap ko. He looked at me and smiled before going back to his seat.

Unlike Ayden, Atlas feels like the easy going one. His features are soft and he's a little bit lean but muscular. His almond eyes contradicts Ayden's chinky eyes. Ang gwapo niya na ngayon, paano pa kung mag-matured ito? Siguradong maraming babae ang pipila sakaniya.

"Come on, Agape.."

Tiningala ko si Ayden na ngayon ay naglalakad na patungo sa isang itim na pintuan. Hindi agad ako tumayo para sundan siya, sa halip ay iniabot ko ang isang basong tubig na inilapag ni Atlas at ininom iyon. Atlas smiled at me again when I looked at him.

"That's kuya's room.." imporma niya saakin.

Tumango ako saka tumayo at sinundan si Ayden na ngayon ay na sa tapat na ng pinto. Dalawang beses na katok ang ginawa bago marahang binuksan ang pinto. Sumilip siya roon saglit saka niluwangan ang bukas para saakin.

"He's awake."

Kinakabahan akong ngumiti saka huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit malakas na naman ang hataw ng puso ko. I don't know if I'm nervous with the fact that he looked mad when he left that night or I'm just excited to see him.

I don't know. Maybe because I want to see him so bad. I want to know if he's okay. Or maybe, I missed him in just a day without seeing him.

"May bisita ka, kuya.."

Nauna nang pumasok sa silid si Ayden at naiwan ako sa hamba ng pintuan. Sumilip lang ako dahil kinakabahan talaga ako sa magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako rito.

Aziel is laying on his back with a white towel on his forehead. Hanggang dibdib niya ang comforter na nakatakip sa katawan niya at pikit ang mga mata. Kahit na malayo ako ay ramdam ko ang bigat ng paghinga niya.

I am guilty, alright. Kahit na sabihin ni Ayden na masama na ang pakiramdam ni Aziel bago pa ako hanapin nang gabing iyon, ako pa rin ang dahilan kung bakit nagpa-ulan siya.

Every Moment Was You (Valdemar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon