Zéphyrin Kade's POV"Alam niyo ba?" Tanong ni ma'am Kris
"Hindi ma'am!" Sigaw ni Joxan at nag tawanan naman sila. Habang ako ito nakikinig lang syempre mabait ako hahaha charot
"Alam niyo ba na kapag isang minuto kayo nag hahalikan ng jowa mo..."
Bigla naman tumahimik ang mga kaklase ko habang ako nakatingin sa bintana na nakikinig.
"Kapag nag halikan kayo, 26 calories will burn.." bigla namang tumayo si Joxan napatingin kaming lahat kami sakanya.
"Hoy Barney Violet tara na mag halikan na tayo!"
"Ayyyyiiiieeee!!!" Kantsyawan naman ng mga lalaki habang ang babae ayun inggit na inggit. Bigla naman sumigaw din si Violet
"Ulol as if naman magiging jowa kita!" Hahahaha ang arte ng tagalog niya! Hahaha!!! Suss d mag tatagal mag kakagusto si Violet kay Joxan hahahaha.
Makalipas ng 30 minutes tapos na ang klase namin. At as usual andito kami kumakain sa canteen, nahagip ng aking mata sila Olaf sa tambayan nila at ayun nga parang pinagtatawanan nila yung picture ko kagabi, tsk sabi ko na nga ba eh badtrip talaga. Naririnig ko pa ang tawa nila at tumingin sila sa gawi namin tapos tatawa sila argh!!! Badtrip!!! Habang nabwibwisit ako biglang may sumulpot sa harapan namin. Inangat ko ang ulo ko para makita ko kung sino to.
"Hi" tsk si Ress? Rin? Sino ulit to? Ah oo si Russ ito sobrang lawak ng ngiti niya at nakatingin lang saakin.
"Hi" tipid na ngiti ang binigay ko sakanya.
"Ahm pwede makishare ng table?" Tanong niya Tumingin ako kay Violet na para bang sinasabi ko sakanya na wag
"Ah-h oo pwede" ay tanga... napabuntong hininga na lang ako at umusog ng konti.
"Zéphyrin bat dka pumunta ng practice? First practice natin yon at wala ka" napatingin ako sakanya ha? May sinabi ba siyang ganon?.... ahh oo yun yung time na nag away kami ni Olaf at pumunta kami kay Dean.
"Edi mamaya practice tayo" Sabi ko dahilan para mas lalo lumawak ang ngiti niya.
"Ok, sunduin na lang kita mamaya baka makalimutan mo... makakalimutin ka pa lang tao hehehe" tumango na lang ako tumawa pa ang kupal pero totoo medyo makakalimutin akong tao pati birthday ko nga nakakalimutan ko rin. Ito namang si Violet palipat lipat lang ng tingin saamin, tumingin naman si Russ kay Violet.
"Your Violet right?" Napansin ko namang namula ang pisnge ni Violet. Susss
"I'm Russ nice to meet you" nag shake hands pa sila, ito naman si bakla parang kinikilig
"N-nice to meet you"
Bigla naman tumayo na si Russ.
"Alis na ako, Zéphyrin wag mong kakalimutan ah" tumango na lang ako at umalis na siya,
1 2 3....
"Kyyyaahhh!!!" Napatakip naman ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng tili ni Violet Sabi na eh
"Ano ba?! Ang lakas mong tumili!" Sigaw ko sakanya, akala mo naman talaga
"Ang gwapo kasi ni Russ!!!" Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ng shawarma ko habang nag kwewentuhan kami ni Violet biglang may malakas na humampas na kamay sa table namin na siyang napatigil kami sa kwentuhan namin, tumingin naman kami kung sino iyon, tumaas naman ang isa kong kilay
"Hi pancit canton" tsk bat andito yan
"Tsk" tumingin muli ako sa pagkain ko at malakas na tumawa sila, Nakakainis yung tawa nila
BINABASA MO ANG
She's Everything |Ongoing|
Teen Fiction"She is not your typical anything, but somehow uniquely everything"