Chapter 76

202 15 3
                                    

Chapter 76


Joxan Van's POV


"asan naba si Xanth?" nahihilo kong tanong ko kay Clyd.


"ewan ko ba don kanina pa wala" sagot niya naman saakin, napatingin ako sa relo ko shit mag e-eight na pala. Tumayo muna ako sa kinauupuan ko para umihi muna kaya pumasok ako sa loob at hinanap ko ang CR pero parang may naririnig akong sigaw kaya napatingin ako sa pinto na yon


"ano yon?" lumapit ako doon at naririnig ko ang boses ni Xanth kaya pagkapihit ko sa pinto na iyon hindi ko matulak kaya kumatok na lang ako


"Xanth? Andyan kaba? Asan ba si Zéphyrin? Jusko jusko hindi ko mahanap yung CR iihi na lang ako ditto" ilang sandali biglang bumukas ang pinto at Nakita ko agad si Zéphyrin na pawis na pawis


"uyyyy Zéphyrin long time no see!!!!! Yung may birthday lasing na, asan ba yung CR?"


"kumanan ko lang dyan makikita mo yung pinto dyan" sagot niya saakin kaya tumango na lang ako mag sasalita pa sana ako pero nanlaki ang mata ko dahil Nakita ko si Xanth Vaughn


"hoy! Anong ginawa niyo dyang dalawa ha!? Napaka bastos niyo!!! Kyahh! -aray!" malakas naman akong sinapak sa ulo ni Zéphyrin


"umihi kana baka masapak pa kita lalo, at ikaw Xanth bumalik kana doon" umalis na siya kaya lumapit ako sa gawi ni Xanth


"hoy ano ginawa niyo don? Ikaw ha dumadamoves ka lalo" sabi ko sabay tawa sakanya pero napansin ko hindi siya nairita o tumawa man lang kaya napatingin ako sakanya nagulat ako dahil sa mukha napinapakita ngayon ni Xanth na parang naiiyak


"Xanth? Are you ok? What happened?" tanong ko sakanya, napatingin siya saakin na sobrang lungkot ang mukha napabuntong hininga siya


"nothing Joxan, I'm ok"


"no you're not Xanth I've been observing you lately you are being weird lately"


Tumingin siya saakin at peke siyang ngumiti saakin


"balik na ako doon" sabi niya saakin at umalis na siya


"hay nako Xanth Vaughn" nang natapos na akong umiihi bumalik agad ako sa inuman namin at nagulat na lang ako dahil gising na si Barney at parang hindi lasing!

"oi! Akala ko ba lasing yan ha!?"

"ha!? The fuck do you talking about? D ako lasing!" pabalik niyang sigaw saakin


"gulat nga rin kami eh biglang nagising tas daw hindi siya lasing" sagot saakin ni Rhys kaya natawa naman kami, umupo na ako sa tabi ni Violet at uminom muli


"tignan mo si Xanth akala mo mauubusan ng alak" bulong sakin ni Clyd kaya napatingin ako kay Xanth at oo nga! Panay inom niya!


"uhaw na uhaw sa alak ah Xanth!" pagbibiro ko naman kaya tumawa kami pero hindi niya kami pinansin.

She's Everything  |Ongoing|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon