Xanth Vaughn's POV"Xanth!! Kunin mo yung cellphone ko sa kwarto ko!!" Sigaw ni onee-san, ayan nanaman siya nag uutos akala mo naman jusko!!!
"Ayaw ko nga!!" Sigaw ko rin sakanya, andito ako sa sala namin nag nonood ng oggy and cockroaches kasama ko si Xavi
"Isa!! Nag luluto ako dito oh!! Kunin mo lang!" Sigaw niya, bwisit akong tumayo kinuha ang cellphone ni Onee-san sa kwarto niya. Pumunta ako sa kusina para ibigay ito.
"Oh!" Sabay abot ko sa cellphone niya. Aalis na sana ako biglang sumigaw ulit si ate.
"What?" Sigaw ko ulit, sinenysan niya akong lumapit sakanya, lumapit naman ako.
"Tikman mo nga to kung masarap" tinignan ko naman ang niluto niya, adobo ang niluto niya. Humigop naman ako ng kaunti sa sandok at nilasahan.
"Ano masarap?" Tanong niya
"Hmmm Oishi" tuwang tuwa naman ang ate ko, tumalon pa sa tuwa
"Xanth..." tawag saakin ni manang lumingon naman ako sakanya.
"Nakita mo ba si mama mo?"
"Sabi niya manang saakin may pupuntahan daw sila ni Papa" tumango naman si Manang.
"Xanth parang nakita ko si Chesleigh" napatingin naman ako sakanya , nagjojoke ba siya eh nasa canada siya
"She's in Canada ate" sabi ko sakanya at patuloy parin ako sa pagsubo ng pagkain.
"No... parag nakita ko siya.." pamimilit ni ate.
"Diba ate sabi mo parang..." diin ko pa ang last word para maintindihan niya. Nag shrug na lang siya at kumain muli. Nang natapos na kaming kumain dumerestyo agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko tawagan ko kaya siya? At yun nga tinawagan ko siya, ilang ring ang nakalipas sinagot niya, napaupo naman ako sa pagkahigan ko
[Hello Xanth?]
"H-hey... w-what are you d-doing?"
[hahaha bat nauutal ang baby ko? Andito kami sa Mal-]
"Nakita ka daw ni onee-san dito sa pilipinas" mabilis kong sabi sakanya, hindi siya naka sagot.
"B-baby?" Nauutal kong tanong sakanya
[hahahaha! P-paanong n-nangyare yun eh andito ako sa canada] bat parang nauutal din siya? Huminga ako ng malalim at ngumiti na lang.
"Yah got to go Chesleigh may gagawin lang ako saglit"
[ok bye love you] hindi ko na siya sinagot at pinatay ko na ang tawag. Meron sa part ko na baka tama si ate at meron sa part ko na imposibleng mangyare iyon dahil nga nasa Canada siya.
Umaga na at hindi ako nakatulog kasi yan ang iniisip ko kagabi, sumakit nga ang ulo ko eh, argh!!! Si onee-san kasi!! Binigyan ako ng sakit sa ulo. Andito kami ngayon sa canteen at ito ako tulala...
"Hoy Xanth!! Kanina kapa tulala!! Anong nangyayare sayo?" Tanong saakin ni Clyd umayos naman ako ng upo at nag molengs ulit
"Hayaan mo siya Clyd baka nainlove kay pancit canton, pinanood natin kasi siya kahapon eh hahaha" bigla nagising ang diwa ko dahil narinig ko ang pangalan ni pancit canton.
"Ulol ka Joxan!" Sabi ko sakanya tumawa naman silang dalawa, argh! Jusko palagi nila akong tinutukso kay pancit canton!! Bumalik na kami sa classroom namin at ganon parin naman walang ganap oh sadyang wala ako sa mood? Argh!! Chesleigh!!! Bigla naman pumasok ang adviser namin.
BINABASA MO ANG
She's Everything |Ongoing|
Novela Juvenil"She is not your typical anything, but somehow uniquely everything"