Chapter 34

247 10 1
                                    


Michael Clyd's POV



"Tapos yun si Luffy sinuntok suntok niya si Katakuri ang astig tol! Kaya panoodin mo" Kanina pa kwento ng kwento si Joxan tungkol sa One Piece, ang daldal niya sobra walang katapusan!!


"Nani?! Manonood na nga ako mamayang gabi!!" Pareho sila ni Xanth daldal sila ng daldal hayst, andito kami ngayon sa locker area nag lalakad papuntang classroom dahil malapit na mag time, sa tuwing dadaan kami dito palagi napapahamak si pancit canton, sa totoo lang naawa na ako sakanya eh paano naman kasi gago itong kaibigan ko! Palagi silang nag aaway sa classroom! Hindi sila nag sasawa hayst. Habang nag lalakad parang may napansin akong kulot na buhok, bumagal naman ang pag lakad ko habang ang dalawa patuloy sa pag daldalan.




"Mauna na kayo" tumango naman sila kaya lumapit ako sa kulot na buhok at tama nga si pancit canton basang basa ang buhok niya tsaka ang baho ng amoy niya amoy spaghetti at coke kinalabit ko siya at humarap naman siya saakin, ang ganda niya talaga parang siyang anghel pero demonyo makipalaban hahaha.



"Thank you Lord" narinig ko naman na mahina niyang pasasalamat sa panginoon napataas naman ang isa kong kilay. Anyare dito?



"Bestfriend na tayo" lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya


"What the fuck?! Seryoso ka?" Tumango pa siya


"Himala tangina" narinig ko naman siyang tumawa.



"Ano payag ka bilisan mong sumagot" mabilis naman akong tumango syempre!! Pinaka astig sa classroom namin makikipag kaibigan sayo? Aba! Isang napaka laking himala yon!!!"



"Goods pahiram ng damit mo ngayon na" ngek, tangina kaya pala nakipag kaibigan kasi kailangan ng damit, nakahanda pa yjng isa niyang kamay. Gago to, kinuha ko naman ang extra t-shirt ko sa bag ko at mabilis niya kinuha iyon.




"Dyan ka lang wag kang aalis" sabi niya saakin napagtanto ko na nasa gilid pala ako ng ladies comfort room. Hinintay ko siya ng 15 minutes at buti hindi pa time dahil may 30 minutes pa bago mag time. Sawakas lumabas narin siya parang bago siyang ligo lumapit naman siya saakin at hahaha ang laki ng t-shirt ko sakanya.




"Tangina ang laki ng t-shirt mo"



"Hahaha sorry" bigla naman siya napatulala at ilabg saglit parang may napaisip siya, bigla niya tinali ang t-shirt ko at boom naging crop top ang cute niya shet.




"Tara na" tumango naman ako at sabay kaming nalakad, ang angas na ang sexy niyang maglakad bast hindi ko madiscribe ang cute niya kasi.




"Anyare sayo?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami.



"Wala" maikli niyang sagot saakin.


"Bat asan si Barney? Bakit hindi mo Kasama?" Tanong ko sakanya ulit.



"Hahaha naligaw kasi ako kaya ayun hindi ko na siya nahanap hehe" pati pag salita niya ang angas hahaha. Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa harapan ng classroom, sinalubong agad ni Barney si Pancit canton at pinagsabihan niya ito, bumalik na ako sa upuan ko at bigla naman lumapit saakin sila Xanth at Joxan.




"Bakit kayo mag kasama ni Kulot? Naku baka mahawaan ka niya ng kapangitan" tanong saakin ni Xanth


"Maya sabihin ko" tumango naman sila at umayos na sila sa pag upo, tumingin ako kay pancit canton na nakasubo ng lollipop at nakatameme ito na para bang walang nangyare sakanya ngayon araw na ito. Bigla naman dumating si Ma'am at nag turo muli siya

She's Everything  |Ongoing|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon