Chapter 2

969 186 6
                                    

David POV

"Yes! Andito ka lang pala myloves! Flowers for you," sabi ko,sabay kindat at upo sa tabi ni caseline.

My name is David Witsel, 18 years old at nag aaral din dito sa Yokanie Academy Senior Highschool student kumukuha ng Pag ka abogasiya. Para nga pala sakin ako ang pinaka gwapong nilalang dito sa school. Madami din chixx ang nag hahabol sa akin . Astig ako pumorma at basketball player ako smpre matangkad at gwapo din ako.

Yes gusto ko si caseline 1st semester palang, ako kasi yung tipo ng lalaki na hindi ako torpe kaya ito ako nililigawan ko siya kahit hindi niya pa gusto hahahaha!

"Ano ba david please tigilan mo na ako sa mga kalokohang to," sabi ni Caseline.

"Mylovesss naman! Alam mong hindi ako titigil hanggat hindi ka napapa sakin." Huhug ko dapat kaso biglang siyang umiwas.

"David grabe ka boto ako sayo para sa kaibigan kong ito hahaha," malokong sabi ni Ensley.

"Ensley baliw hindi nakakatuwa," sabi ni Caseline kay Ensley.

"Haysss sayang naman case! Nag eeffort si david oh!" Nagugunsensyang sabi ni Ensley.

"Oo nga naman mylovesss! Hihintayin kita hanggang sa dulo ng walang hanggan," nag papacute kong sabi kay Caseline.

"Tara na ensley." Sabay tayo ni Caseline, at pag ka tayo ay may nabunggo siya.

"Sorrry sorrry!" sabi niya sa nabunggo niya.

"Myloveeeesss! Mag ingat ka naman," nag aalalang sabi ko sa kanya.

"Pre tingnan mo dinadaanan mo may babae ka ng natamaan oh," medyo naiinis na sabi ko.

"Sorry! Siya kasi biglang tumayo eh," sagot ni Jaden na naka bunggo kay Caseline.

"Aba pre! Sumasabat kapa ah!," Akmang susuntukin ko na sana kaso pinigilan ako ni Caseline.

"David! Ano ba huwag kang ganyan!," pag pigil na sabi sa akin ni Caseline.

"Ito kasi eh binangga ka mylovess!," pag tatanggol kong sabi.

"Ito na nga sorry na," medyo malambot ang pag kakasabi ni Jade.

"Ah Jaden sorry ah sorry talaga!," sabi ni Caseline sabay alis.

"okay lang," sabi ni Jaden sabay alis na din.

"My loves nasaktan kabaaaa?" tanong ko.

"David okay lang ako. Salamat nalang. Ensley tara na," sabi ni Caseline sanay akay kay Ensley.

Nag byebye wave sakin si Ensley.

Hanggang sa naka alis na si Caseline at Ensley. Umupo ako sa isang sulok ng canteen napansin ko na maya maya ay may lumapit sakin at umupo ito sa harap ko.
Si Jaden pala.

"Ahm, sorry kanina," sabi ni Jaden.

"Wala yun pre." Sabay tapik sa balikat niya
"Ayaw ko lang masaktan yung my loves ko." dagdag ko pang sabi.

"Ahh ganon ba. GF mo ba siya?" tanong niya.


What the? Type niya din ba si Caseline bakit niya naman tinatanong kung GF ko ba si Caseline. Aba,aba ayoko ng kakumpetensya ah. Ayan ang mga iniisip ko sa tanong niya.

"Ahh hindi pa pre pero malapit ng mapasakin hahahaha," sagot ko.

"Ah mabuti," sabi niya.

Anong mabuti siguro aagawin nga netong mokong nato si Caseline mukhang type niya den si Caseline ah. Mga salitang nasa isip ko lamang.



"Ano nga pala pangalan mo?" tanong niya.

"Ah ako? David pre," confident kong sagot.

"Ahh ako si Jaden bago lang ako dito sa school," pakilala niya ng sarili niya.

"Ah ganon ba,bakit ka pala lumipat dito ng 2nd semester?" tanong ko.

"Ah kasi ano sa dati kong school kalat na akong isannggg------" sabi niya pero naputol yung sasabihin niya.


BELL RINGS!

Naputol ang pag uusap namin ni Jaden ng mag ring ang bell. Time na para sa next subject.

"Ah pre next time nalang ah," sabi ko.

"Sige salamat sa time," sagot niya.

Sabay kaming tumayo at nag lakad

Bakit naka sunod to sakin?
Ay oo nga pala same room pala kami kaklase ko pala sya. Mag kakaklase pala kami. Mga salitang nasa isip ko.

Umupo nako at ayun tingin muna kay caseline ang cute niya kasi, habang kakatitig ko kay caseline bigla akong napatingin sa kanang banda at naka tingin din sakin si Jaden??? Whatttt the?? Nakita nya kaya akong naka tingin kay Caseline?? Baka nga type nya din si caseline hindi maganda tooo! Mag kakaroon talaga ako ka kompetensya.

Maya maya pa ay pumasok na si Sir Argoncillo

"Class PE tayo ngayon labas lahat ah huwag maiiwan sa room nako! Pag may nakita ako sa room nanaman at nakita kong nag chukchakan. Nako principal office tayo agad," medyo pabirong sabi ni Sir.

Nakaraang linggo kasi PE time may mag jowa sa room na ito na ayun alam niyo na ginagawa ng mga mag jojowa medyo konting spg. Ayun nakita ni Sir at ayun wala na ngayon napatalsik na ng school kasi bawal yun.

Pumunta na nga ako ng locker para mag palit ng damit na pang PE.
Nakita ko din si Jaden sa kabilang banda nag palit kami sabay ng damit tutal lalaki naman kami hindi namin sinisirado pinto at nga pala may salamin sa harap namin.

Habang nag papalit ako damit tinitingnan niya repleksyon ko sa salamin.

Huh inggit ka sa abs ko noh? Pang laban ko to para ako magustuhan ni caseline. Mga salitang iniisip ko.

Ng natapos ako mag bihis ay patapos na din siya

"Sabay na tayo palabas," alok ni Jaden sakin.

"Sige pre," sagot ko.

Pumunta na kami sa court kung saan mag lalaro basketball ang labanan eto na yung time para makapag pasikat lalo ako kay my loves Caseline hahahaha.

"Anong laro?" tanong ni Jaden.

"Ah basketball," sagot ko.

"Ah hindi ako marunong niyan," sabi niya.

What the? Sa tangkad nyang yan hindi siya marunong?? Sayang tangkad man!. Pero ayus lang atleast hindi siya makakapag pasikat kay caseline.

"Paturo naman para sabay tayo," dagdag niya pang sabi.

Aba, aba sa totoong lng ayoko. Pero smpre nakakahiya baka isipin niya hindi ako friendly at wala akong manners pag inayawan ko siya. Sige na nga.

"Ah sige Jaden nood kana muna ngayon pag may time turuan kita ah," sabi ko.

"Salamat," sagot niya na medyo kinilig pero hindi pinahalata.

START NG GAME!

TEAM BOKNOYAN VS TEAM MAKISLAPKISLAP

Halatang hindi nag seseryoso ang mga tao smpre isa na'ko don!




To be continue......

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon