Jasmine's POV
"Ang lamig ng kamay mo. Tch. Don't be nervous. I'm with you." Sabi ni Ivan. Eh kasi naman! Nakakakaba kaya kahit parents lang namin yun.
"Hindi kasi ikaw ang buntis diba?" Pagtataray ko. Eh kasi kinakabahan talaga ako.
Pinaikot nya sa bewang ko yung braso nya. "Be calm, 'Ma." Tumango na lang ako. Whoo. Kaya ko naman diba?
Pagpasok namin sa mansyon nila, nagulat ako. Nandito na rin si Papa.. Nasan si Mama? Napalunok ako, patay.
"Pa.." Sobrang hina ng boses ko, hindi ko nga alam kung narinig ni Papa. Yumuko ako.
"Princess." Napatingin ako kay Papa ng tawagin nya ako. Jusko po!
"Come here." Naglakad ako ng nakayuko. Para akong bata. Nakakainis!
"Totoo ba, anak? Buntis ka?" I nodded three times. Papa kissed my head.
"Hindi ako galit, anak. Sinabi ko na diba? I'm happy for you." Napatingin ako kay Papa. Why so kind, father?
"Don't cry." Hala? Umiiyak na pala ako. Aish.
"Ganyan din ang Mama mo nang ipagbuntis ka nya. Napakaiyakin." Tumawa si Papa.
"Si mama po, Pa?" I asked.
"Nasa kusina. Alam mo naman 'yon, kahit hindi naten bahay,nangingialam ng ibang kusina." Tumawa ulit si Papa. Oo nga, hobby kasi ni Mama talaga ang magluto. Kaya nga natuto rin ako.
"Nandito na pala ang future parents." Tumawa naman si Tita. Mommy ni Ivan.
"Mom." Tawag ni Ivan saka hinalikan si Tita sa noo, he's taller than her mother saka kay Tito. Matangkad talaga si Ivan.
"Where's dad?" Tanong ni Ivan sa ina.
"Company. Nothing's new." Sagot ni Tita na parang nagtatampo.
"He's the one who invited us, hindi pwedeng mawawala siya." Sabi ni Ivan.
Napatingin kaming lahat sa pinto nila nang bumukas, nandito na si Tito.
"I'm sorry people. Nagkameeting lang. Let's eat?" Sabi ni Tito, naunang maglakad si Tita. Cute. Parang teenager na nagtatampo.
Inakbayan ni Ivan ang Daddy nya.
"Yung Mommy mo na naman." Natawa na lang sila pareho.
Hinawakan ni Ivan ang kamay ko.
"Let's go, 'Ma." I nodded. Bakit parang napipi ako sa chapter na 'to? Ha ha ha funneh.
Nagsimula na kaming kumain hanggang sa nagsalita si Tito.
"So, what's your plan, children?" Tito asked.
"We're getting married." Napatingin ako sa sinabi ni Ivan. Baliw ba 'to?!
"Really?" Tanong ni Mama.
"Hindi pa siya nagpo-propose, Ma." I pout. Aish. Hindi naman 'yon sasabihin ko e!
"I-I mean, h—" Pinutol ni Ivan ang sasabihin ko.
"Well, then, will you marry me?" Seriously?! Biglaan?
Paano ako makakatanggi kung nandito parents namin?!
"I think, mas sweet 'to, na sa harap ng parent napo-propose hindi sa harap ng maraming tao, diba mare?" Tita chuckled like a kid. She's so adorable.
"I think so, too, mare." Jusko,pati si Mama?
-___________________-
"So, what's your answer, princess?" Papa ask while smiling. Hindi naman ito yung ine-expect ko. Iniimagine ko na sasapakin ni Papa si Ivan. Ganon. Huhu.
"Pwede po bang hindi muna sumagot? Bukas na lang, o kaya sa makalawa.Hehe." Palusot ko.
"Anong pagkakaiba ng bukas sa ngayon? Sagot mo lang naman ang kailangan." Eto na naman si Ivan,nag-i-straight tagalog na naman. Creepy.
Lahat sila nakatingin sakin, hinihintay talaga sagot ko. Hindi kaya ganito gusto kong proposal. Gusto ko yung, luluhod, may ring, hahalikan kamay ko, mga ganon.
"Yes.." Alanganin kong sagot. Nakita kong napangiti si Ivan so napangiti din ako. Kasi nga e! Nakakahawa yung ngiti nya.Aish.
"Is it real? Baka pag nasa bahay tayo, bigla mong babawiin." Ivan shrugged. Baliw.
"I won't. Seryoso na. Promise." I smiled.
"Can I have a request?" I asked.
"Anything, 'Ma." Ivan smiled at me.
"Pwede bang kung ikakasal tayo, nakakalakad na ang first baby naten?" Takte. Nahihiya ako. Wala na akong maisip e! Eh sa ayaw ko pa talagang makasal. Ba't ba?!
"First baby? May balak pa kayong sundan? Hahaha." Mama talaga!Aish!
"MAMA!" Sigaw ko. At nagtawanan naman silang lahat. Bwesit naman e!
——————————————————————————————————————
Hindi ako makatiis :'( namimiss ko agad si Jasmine pati si Ivan hahahaha. Hope you like it!! :"> Vote and comment please?! ^____^
-SEXY.
BINABASA MO ANG
Just Sex
DragosteWAG PO MUNANG BASAHIN. NASA ILALIM PO ITO NG PAGREREVISE. MARAMING SALAMAT