14. Five minutes kiss

4.4K 67 0
                                    

Dalawang linggo? Dalawang linggong wala si Ivan? Sino na lang bibili ng mga paglilihian ko? Sino na lang maglalambing sakin kapag naiinis ako? Sino? Takte. Eto na nga ba sinasabi ko e, masyado akong dumipende kay Ivan.

"Jasmine, don't make me do this hard. Please. Nahihirapan din naman ako." Bumuntong hininga siya. Nahihirapan. Sus. Baka mga mag-liwaliw lang siya dun sa US e. Tumalikod na ako sa kanya at umakyat sa kwarto. Naiiyak ako e!

Aalis daddy mo, baby. Wala ng mag-aalaga sa 'tin.

Dapat ba sanayin ko sarili ko na wala siya? Yung bang, kakayanin ko yung pagbubuntis ko nang wala siya. I sighed. Mukhang mahihirapan ako neto.

Nagpikit-pikitan ako nang maramdman kong bubukas ang pintuan. Naramdaman ko na lumubog ang ibang parte ng kama, umupo siya.

"I know you're awake. This is so fvcking hard to do! Bullshit!" Huminto siya, ako, nanatiling nakapikit. Ayoko siyang makita, baka pigilan ko pa siyang umalis e. "I called my cousin, Aaron, I asked him if he's free for two weeks, he said, yes." Narinig kong nagmumura siya, mahihina lang naman. "Aaron will take care of you while I'm not here. I don't have a choice, 'ma. Kahit ayokong paalagaan ka sa iba, mamatay naman ako sa States sa pag-aalala."

Hindi na ako nakatiis kaya dumilat na ako at umupo. "Who's Aaron? Nakita ko na ba siya?" I asked. Marahan siyang tumango. "Sa birthday ni Mom." Sagot nya. Hindi ko matandaan na may nakilala akong Aaron nang araw na 'yon.

Hindi na ako nagsalita kaya't nagpatuloy siya. "Darating siya mamaya." Bumuntong hininga na naman siya. "I trust you, Jasmine." Ha? Bakit nya naman sinabi 'yon? "Anong ibig mong sabihin?" He shake his head, saying.. "Nothing. Just remember this, I'll go there for work, not for a vacation. Okay?" Sobrang bossy ng boses neto kaya napatango na lang ako. Napapikit ako nang halikan nya ako sa noo.

"I'll miss you, 'ma. Two weeks without you and my son, is like living in hell! Damn it!" I chuckled. Son? Pinapandigan nya talagang lalaki ang magiging anak namin. Crazy Ivan. "OA." I said to him. He smirked. "Look who's talking." At nagtawanan na kaming dalawa.

Just two weeks, right? Two weeks lang. Mabilis lang 'yon. Sana..

"One hour before I leave. What do you want to do?" Tanong nya. Umiling-iling ako. "Just lay here, with you." Bago ko pa mabawi ang sinabi ko, he hug me. Tight. "H-hey.. I c-can't breathe!" Reklamo ko. "Shit! I'm sorry, 'ma." I nodded. Natahimik ako sandali nang magsalita siya ulit. "'Ma.." Tawag niya sakin.. "Hmm?"

"Tell me, what do you feel?" Tumingala ako para mapatingin sa kanya. "Sa pag-alis mo? Malulu—" Pinutol nya ang sasabihin ko. "No. Not that. What do you feel.. f-feel about me?" Nakatingala pa rin ako sa kanya, he's not looking at me. I saw him blushing. Sobrang pula nya. Too cute. "A-ah, nevermind what I've said." Oh? Sasagot na nga ako e. Binawa pa. Okay, siguro, kapag tinanong nya ulit yan, sobrang sigurado ko na sa sagot ko.

Nanatili lang kaming nakahiga, magkayakap. He's kissing and kissing and kissing my hair. At ang sarap no'n sa pakiramdam. Knowing Ivan's kissing, feels like heaven. "Ivan.." Tawag ko sa kanya pero wala siyang sagot, I look at the clock, 20 minutes na lang, aalis na siya. I sighed. Tumingala ako para tignan kung tulog siya. Hindi naman. Eh bakit hindi 'to sumasagot? "Ivan." I called him once again, pero ayaw talaga akong tignan. "'Pa." At tumingin na siya. Pilyo.

"Yes 'ma?" I rolled my eyes. "I'll be missing you." Nasabi ko bigla, he smiled. Yung smile na nakapagpalabas ng dimple nya sa kaliwang pisngi at umabot sa mata nya. "I'm waiting for you to say that. Now, may panghahawakan na 'ko." I chuckled. Mas lalo siyang gumagwapo kapag napakalalim ng tagalog na sinasabi nya. "Panghahawakan? Too deep." I said. "I read from english-filipino dictionary." Sagot naman siya.


"You're reading that?! Why?!" Nakakagulat naman 'to. Ganon ba siya kahina sa tagalog para mag dictionary? Grabe. "Kasi sabi mo na mag-ensayo akong mag-tagalog." Gaaaahd! Why is he so handsome?! Napahalakhak ako. I can't believe this!

"You're laughing at me!" He pout. Mas lalo akong napahalakhak. Goodness gracious! "It's just—you're so cute." Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang pagtawa. "Let me do that, Jasmine." Sabi nya. Ano 'yon? Magtatanong pa lang sana ako nang bigla nya akong halikan at marahang kinagat ang ibabang parte ng labi ko. I flushed. Nakakagulat 'yon ah!

"Am I the first man that bit you lower lip?" Nagsasalita siya habang magkadikit pa rin ang labi namin. Tumango ako. "Good to know that." He smirked. Tinignan nya ang orasan nya. "10 miutes, 'ma." Bumuntong hininga siya. Ako naman, nalungkot. Bakit ang bilis? Parang limang minuto pa lang kaming nakahiga dito ah! Ugh!


"Quickie?" He chuckled. Napakunot naman ako. Ano 'yon? "Ow, I forgot." Tumawa ulit siya. Seriously?! Ano ba 'yon? Tsk.

"Hahatid mo ba ako sa airport?" He asked. I smiled, sinasanay nya talaga ang sarili nya sa pagtatagalog. "Ayoko. Baka hilahin lang kita pabalik dito sa bahay." Sumimangot ako siya naman ngumisi. Haaay. "On the second thought, wag mo na rin pala akong ihatid. Baka kasi itakbo kita pauwi dito sa bahay." Natawa naman kaming pareho. I'm proud of him, kahit slang pa siyang magtagalog, tinatry nya pa rin para sakin. Hihi.


"Five minutes kiss?" He smiled. I nodded. Eh mamimiss ko siya e!

He gently kiss me. Nakakalunod. Nakakadik. Nakakabaliw. Parang droga 'tong halik ni Ivan! Once na hinalikan ka nya, hahanap-hanapin mo na. "Hmm.." Lumayo ako ng konti para makahinga.. "Wala pang one minute, hindi ka na nakahinga.." He laughed. Sumimangot naman ako. "Breath." Utos nya kaya ginawa ko, after that, hinalikan nya na naman ako.

"Ivan.." Tawag ko sa kanya. Five minutes is over. Kahit ayokong putulin ang halikan namin, dapat. Kasi, malelate siya sa flight nya.

"Use your cellphone to text and call me. Oh, pasensya." I laughed, kahit ano talagang try nyang magtagalog, hindi nya mapigilang mag-ingles. "Nagdownload ako ng skype dyan sa cellphone mo, tatawagan kita everyday, kung hindi man, itetext kita. Magkaiba ang oras sa state at dito sa Pinas, 'Ma." Bumuntong hininga siya. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya. "Naiintindihan ko, Ivan. Two weeks? Mabilis lang 'yon. Magfocus ka don. Itetext at tatawagan din kita. Okay?" I kissed him on his lips."Hindi na ako sasama sayo sa pagbaba. Ayokong makita yung maleta mo. Magpapahinga na lang ako dito. See you after two weeks, 'pa. Mamimiss ka namin ni baby." Lumuhod ako sa kama para maabot ang noo nya at hinalikan ko 'yon. Pumikit siya ng mariin.

"This is bullshit! Mas lalo mo 'kong pinahirapan sa pag-alis, Jasmine! Damn it!"


——————————————————— ———————————————————

Votes and Comments are highly appreciatied.:)


-Ms.Sexy

Just SexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon