CHAPTER 59: LONDON

3.4K 117 6
                                    

CHAPTER 59: LONDON

Samantha POV's

"How's your flight, ma'am?" tanong sa akin ng driver ni Dryle pagkasakay ko ng sasakyan. Tinignan ko lang siya at hindi sinagot yung tanong niya. Umiwas naman siya ng tingin sa pagkapahiya.

Hindi porke't amo niya si Dryle mag f-feeling close na siya sa akin. Andito na ako sa london kaya ang sama ng loob ko pagkababa ko palang ng eroplano. Yung ibang turista tuwang tuwa ng makarating dito pero ako hindi. Wala akong pake kung maganda yung lugar.

Gusto ko lang bugbugin si Dryle pag nagkita kami.

Napansin ko ang paghinto ng sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay kaya tinignan ko ang katabi ko. "Ito na ba yung bahay ng amo mong gago?"

"What, ma'am?" napasinghap nalang ako ng maalala kong ingleserong kumag pala itong kasama ko. Nagtataka parin ang muka niya habang inaantay ang sasabihin ko.

"Is this your boss' house?"

"Ah, yes." mabilis niyang naging sagot ng maintindihan ang tanong ko. Bumaba na ako at siya naman ang kumuha ng maleta ko sa likod ng sasakyan. Inantay ko lang siya na makuha iyon.

Pag 'tripan ko kaya 'to?

"Hey, what's your name?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa akin. Mukang kasing edad niya si Vince pero magkasingtangkad sila ni Carl.

I miss my Carl.

"I'm Timothy Grayson, ma'am."

"You're name is look nice. But the way, Timothy, you look gago." nakangiti kong sabi pero kumunot lang ang noo niya.

Nag iisip siya na parang iniisip kung ano yung gago. Tumingin ulit siya sa akin tsaka nagkamot sa ulo niya. Gusto kong matawa pero pipigilan ko na muna.

"Ga...go?" ngumiti ako.

Sige lang, Sam, sulitin mo na pang aasar mo.

"Gago means handsome."

"Oh, really?" kumikinang ang mga mata niya kaya tumango tango ako. "Thank you. So, it means my boss look gago too? Kasi yun din ang sinabi mo kanina." muntikan pa akong matawa pero buti napigilan ko. Tumango ako kaya nag thumbs up siya sa akin.

Gago talaga 'yon sobra.

Sinenyasan niya akong pumasok sa loob kaya sumunod ako sa kanya. Diretso lang ang tingin ko ng buksan niya ang pinto. Pagkapasok ko sa loob nakaabang na nga ang gago. Ngiting ngiti siya sa akin, sarap tanggaling ng ipin niya sa bugbog.

"Love!" tawag niya sa endearment namin dati nung kami pa.

Naikuyom ko ang kamao ko na nakapasok sa bulsa ng jacket na suot ko. Diretso ang tingin ko sa mata niya pero wala akong pinapakitang emosyon.

"Miss me?" ibinuka niya ang dalawang braso na parang gustong yakapin ko siya.

Naglakad naman ako palapit sa kanya at tipid na ngumiti. "I miss you." walang buhay na salita ko pero mas napangiti siya.

Yayakapin na sana niya ako ng bigla akong lumayo. Mukang nainis siya kaya napangiti na ako. Mas maiinis ka talaga pag may ginawa pa ako sayo.

"I wan't kiss, love."  napawi ang inis niya dahil sa sinabi ko. Ngumiti ako ng nakakaloko nang maglakad siya palapit sa akin, ngumuso siya ng magkalapit na kami.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon