CHAPTER 74: EXPLOSION

1.4K 96 16
                                    

CHAPTER 74: EXPLOSION

Samantha POV's

Ilang araw ang lumipas ng pumunta sila Carl at Ava dito sa London. Pinaliwanag sa akin ni Carl ang mga ginagawa nila sa pilipinas. Nakakatuwa dahil gumagawa sila ng paraan para mailigtas ako. Nakakalungkot naman dahil namimiss ko na sila lalo na si Carl.

Ganon pa rin ang takbo ng buhay ko dito. Tuloy ang plano ng panlalambing kay Dryle at pinag uusapan yung nalalapit naming kasal.  Bilang na sa daliri ko ang petsa ng kasal namin. Medyo kinakabahan ako sa mga mangyayare, wala akong alam kung ano ba ang gagawin ng mga kagrupo ko.

"Love," napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni Dryle.

Nakangiti ito sa akin kaya kusa din akong napangiti. Nagiging normal na ang pakikitungo ko kay Dryle, hindi ko alam kung bakit. Hindi na ako naiinis sa kanya tulad ng dati.

"Bakit?" Hindi 'to sumagot kundi lumapit lang sa akin at umupo sa tabi ko. Dito na ako sa kwarto niya natutulog, iyon kasi ang napag usapan namin.

Nagulat ako ng bigla niyang ipalibot ang dalawang braso sa bewan ko. Taka ko naman siyang tinignan at tumitig ako sa mata nito. Nakikita ko doon na parang may gusto siyang sabihin sa akin.

"May problema ba?"

"Nothing. I'm just happy because our wedding is near." Tumango nalang ako kahit nag aalinlangan sa naging sagot niya. Tinignan ko ang suot na singsing sa daliri saka yon pinaikot ikot.

Madami akong gustong itanong kay Dryle ngunit kalahati sa utak ko ang nagsasabing wag. May napapansin kasi ako sa kanya na parang kakaiba. May napapansin ako sa nararamdaman ko na hindi ko malaman.

Simula ng umalis sila Carl, balik ulit kami sa pagiging sweet ni Dryle. Naguguluhan ako pero parang may kaunti sa puso ko ang nararamdaman ulit yung dating pagmamahal ni Dryle. Yung dating kami.

Mali ito eh, pero nagkukusa ang puso kong maramdaman. May masasaktan, alam ko yon kaya hangga't hindi lumalala ang maling nararamdaman ko, iiwasan ko na at pipigilan.

"I love you, love..." Napatingin ako sa kanya ng ibulong niya yon. Kusang bumaba ang tingin ko sa labi niya dahilan para bumilis ang naging pagtibok ng puso ko.

Sam, nangako sa lalakeng mahal mo.

Lalayo na sana ako sa kanya ng mahuli na ang lahat. Naramdaman ko ang labi niya na tuluyang dumampi sa labi ko. Naging iba ang pakiramdam ko. Halos makuyom ko ang kamao ng maramdamang tumutugon na ako sa paghalik niya.

Fvck!

Hindi 'to pwede.... Anong ginagawa ko!

"Saman—." Mabilis kong naitulak si Dryle ng marinig kong magsalita si Timothy. Nilingon ko siya at nakita ko ang gulat na reaksyon niya dahil sa nakita.

Shit!

May alam si Timothy sa pinangako ko sa pinsan niya. Sinabi ko iyon ng mag usap kami ng gabi. Nag open kasi kami sa isa't isa ng problema at nag kwento din siya sa samahan nilang tatlo magpipinsan.

"Timothy," naiusal ko na lamang.

"The pizza you ordered has arrived." mabilis siyang umalis ng sabihin yon.

Nangilid ang luha ko dahil sa ginawa ko. Si Dryle ang unang humalik sa akin pero tumugon pa din ako sa ginawa niyang yun.

Walang salitang tumayo ako saka diretsong naglakad palabas ng kwarto. Hindi ko na nagawang lingunin pa si Dryle. Pumunta ako sa sala kung saan nakapatong na nga ang pizza na pinaorder ko.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon