CHAPTER 65: BACK TO HELL
Samantha POV's
Hindi ba pwedeng wag nalang siya umalis pa sa tabi ko, dito nalang siya hanggang maging okay na lahat. Pero imposible hindi niya magagawa ang mga plano niya kapag nag stay siya dito.
Ayoko na siyang malis kasi mamimiss ko na naman siya ulit. Hahanapin na naman siya ng puso ko. Gusto makita ng mga mata ko at gusto mayakap ng katawan ko.
"Hindi ba pwedeng bukas nalang kayo umalis?" malungkot na tanong ko. Tumingin siya sa akin habang sinisintas ang sapatos na suot. Nang matapos siya sa ginagawa lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.
Mabilis ko siyang niyakap at isinubsob ang muka sa dibdib niya. Hindi ko na napigilan ang umiyak. "Hey, don't cry," hinawakan niya ang pisnge ko at hinarap ang muka sa kanya.
Hindi ganon kalinaw ang nakikita ko dahil sa luhang bumabalot sa mata ko. Pinunasan niya 'yon na hindi nauubos sa pagtulo.
"Ayoko ng umalis ka sa tabi ko." umiiyak kong salita.
"I also don't want to but I have to leave because I still have plans to make." napayuko ako dahil sa sagot niya. Tama siya kailangan nila magawa ang plano para makaalis na ako sa impyernong lugar na ito. "Wag ka ng umiyak ang panget mo." pang aasar niya para pagaanin ang loob ko pero hindi nakatulong iyon dahil mas bumigat lang.
Mang aasar nalang yung hindi pa ako matatawa. "Moo?" tawag ko sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.
"Why?"
"Ang baho mo, naligo ka ba?" mabilis siyang napalayo sa akin at inamoy ang sarili. Natawa naman ako dahil sa naging reaksyon niya. Mas natawa pa ako sa sarili kong biro.
"Seryoso ka, babe?"
"Hindi." babatukan na sana niya ako ng samaan ko siya ng tingin kaya ibinaba nito ang kamay. Loko 'to sasaktan pa talaga ako.
"Kanina umiiyak tapos ngayon tumatawa. Baliw ata— Aray naman!" inda niya ng malakas ko siyang sinuntok sa braso.
"Naririnig ko yang binubulong mo!"
"Tsk!"maktol nito at humalukipkip sa sofa na inuupuan namin.
Kanina pa namin inaantay yung tatlo pero wala pa sila. Hindi namin alam kung anong pinag gagawa sa taas.
Ipinatong ko ang baba ko sa balikat ni Carl kaya nakatunghay ako sa gilid ng muka niya.Bumaba ang tingin ko sa adam's apple niya na panay ang paggalaw.
Tinignan ko yung cellphone nito na pinaglalaruan sa kamay kaya kinuha ko 'yon at binuksan yung camera. Wala pa kaming picture magkasama.
"Picture tayo, moo." aya ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Ang lapit ng muka namin sa isa't isa dahil hindi ko parin inaalis yung pagkakapatong ng muka ko sa balikat niya.
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi at ngumiti. Napaiwas siya ng tingin, sinilip ko yung muka niya na nakangiti. Kinuhanan ko siya ng litrato sa ganoong anggulo na ikinagulat niya. Aagawin na sana niya yung cellphone ng mabilis ko iyon nilayo sa kanya.
"Wag mo 'to buburahin. Hindi talaga kita papansinin kapag magkasama na ulit tayo." banta ko sa kanya dahilan para mapangiwi siya.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfictionBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...