CHAPTER 95: A HAPPY SURPRISE
Alexa POV's
"Nakausap ko na si dad para papuntahin sila mamaya dito." bungad na salita ni Sam ng makasalubong ko siya pagkababa ng hagdan.
"Salamant, Sam." masayang tugon ko sa kanya.
Ayaw ng mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa effort nila para mag ayos sa gagawing maliit na party mamaya pero engrande ang magiging tema dahil iyon ang gusto nila. Sinabi ko na kahit salo-salo lang ang mangyare para ianunsyo ang magandang balita sa mga kagrupo at pamilya ko kaso mapilit sila na gawing engrande.
Kaming pitong babae lang ang nakakaalam sa preperasyon na ito na gagawin malapit sa pool area. Kahit wala yung limang lalake dito nahihirapan parin kami kumilos ng maayos dahil nandito sila Timothy at Vince kaya ang hirap gumalaw na hindi nila nahahalata.
Buti nalang nandoon sila sa sariling kwarto para tumambay kaya kahit papaano ay napapabilis ang kilos namin para matapos ang pag aayos. Magdidilim na din kasi ang langit kaya kailangan na namin matapos ang ginagawa.
"Alexa, doon ka na lang sa sala kami na bahala dito." nanaway na salita ni Zoe sa akin. Tumutulong ako sa kanila sa pag dedekorasyon pero sinasabi nila na sa sala nalang ako para magpahinga.
"Ayoko, mabuburyo lang ako sa loob." iyon naman kasi talaga ang totoo. Mas gusto ko ang kumilos dahil makakatulog lang ako kapag walang ginagawa.
Ganon ata talaga kapag buntis. Palagi akong nakakatulog kapag nanatili lang ako sa pwesto ko minsan naman ay nagugutom ako at hinahanap ng mata ko ang magustuhang kainin. Nung una akala ko ay normal lang ang ganoong kinikilos ko pero nang magsuka ako ay doon ko napagtanto na mga sign na pala ang nararamdaman ko na nagdadalang tao ako.
Ilang beses ng may nangyayare sa amin ni Dave kaya hindi na ako nagtaka na mabubuntis ako. Masaya sa pakiramdam dahil magkakaanak na kami at alam kong mas magiging masaya si Dave dahil isa sa lagi niyang sinasabi sa akin na gusto na niyang magkaanak. Sigurado akong matutuwa iyon mamaya kapag sinabi ko na sa kanya.
"Kailan ang kasal?" napatingin ako kay Sab ng magsalita siya.
"Hindi ko alam kay Dave kung kailan niya balak mag propose." natatawang tugon ko.
"Nauna ang bata kesa sa kasal." pati si Laviene ay nakikinig sa usapan namin.
"Pinutok sa loob, kasalanan ko ba?" napahawak ako sa tiyan ko at sila naman ay nagtawanan.
"Naunahan mo pa ang pinuno natin."
"Bakit niyo na naman ako dinamay?" tumingin ako kay Sam na masama ang tingin kay Laviene.
Hindi ko alam dito kay Sam kung ano na bang mangyayare sa buhay pag ibig niya. Tinanggap niyang manligaw si Kensley sa kanya pero halata naman na tinitibok parin ng puso niya ay si Carl.
Saksi na ako sa lahat ng nangyayare sa kanila at kung ako ang ilalagay sa pwesto ni Sam ay mahihirapan din ako. Nung una ay tungkol kay Dryle na ngayon ay naayos na at naplantsa na ang gusot sa mga pagitan nila pero may bago namang dumating at iyon si Kensley.
I think, ngayon ang mas mahirap dahil nakikita ko rin kay Kensley na talagang gusto niya ang kaibigan ko. Hindi ko masasabi agad ang mangyayare pero nakikita ko na mukang si Carl pa din ang pipiliin ni Sam kapag natapos na ang lahat ng gulong ito.
"Magkakaanak na si Alexa pero ikaw problemado pa din 'yang puso mo." prankang salita ni Zoe kaya natahimik ito.
Sa aming magkakasama dito napapansin ko na si Samantha at Sabrina ang nagiging problemado sa pag ibig. Si Sab, kahit hindi niya sabihin sa amin halata ko na nahihirapan siya kela Richard at Dryle. Pansin ko na sila nung una palang kaya hindi na ako magtataka kung may love triangle na nangyayare. Kay Sam naman ay ganon din kaso ang pagkakaiba lang ay nanatili padin ang puso niya kay Carl kaso ayaw niya naman masaktan si Kensley kaya nahihirapan siya sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfictionBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...