CHAPTER 84: SPACE
Samantha POV's
Kaba, tuwa at kilig ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maiwasan ang mapangiti kahit lumalandas pa ang mga luha sa mata ko, hindi ko pa siya nililingon pero kilala ko na ang buong boses niya.
"Tatayo ka nalang ba d'yan?"
Napalunok ako, hindi dahil sa kaba kundi sa pagtataka. Iba ang pananalita niya ngayon na malayo talaga sa kung paano niya ako kausapin noon. Malamig ang boses niya na matatalo pa ata ang yelo.
"C-Carl..." naiusal ko ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinarap sa kanya. Sinalubong ko ang mga mata niya na walang emosyon, ibang iba sa puno ng emosyong mga mata noon.
Bakit ka ganto?
Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko na nagbabadya na namang tumulo. Umiwas siya ng tingin sa akin at hinila na ako pababa ng hagdan, nagpatinaod lang ako sa kanya dahil sa panghihina.
Nasasaktan na naman ako. Nasasaktan ako sa pagtitig niya sa akin na wala ng buhay, hindi naman siya ganto sa akin dati.
"I bought food." Hindi ko namalayan na nakarating kami dito sa garden. Andito kami ngayon sa chair and table na naka-set dito. Tinitigan ko lang siya na inaayos ang pagkaing dala niya.
"Moo," natigilan siya sa ginagawa pero tinuloy rin agad iyon. Hindi niya ako tinapunan man' lang ng tingin. "Galit ka pa ba?"
Look at me please...
"Let's eat." nakagat ko ang ibabang labi ng hindi niya sinagot 'yung tanong ko. Hindi niya din ako tinignan na parang iniiwasan na mag tama ang mata naming dalawa.
Sinenyasan niya akong umupo sa kaharap na upuan pero mas pinili ko na maupo sa tabi niya. Napatingin siya sa akin kaya pilit na ngumiti ako, nawala ang ngiti sa labi ko ng iiwas na naman niya ang mata.
"Sorry..." usal ko habang nakatutok ang mata sa kanya.
Malalim ang buntong hininga niya. "Kainin mo na yan."
"Bakit hindi mo pinapansin ang mga sinasabi ko?" binaba ko ang tingin sa pagkain na nasa harap ko. Pinunasan ko agad ang pisnge ng may luhang pumatak doon.
"Mamaya na tayo mag usap."
Bakit mamaya pa kung pwede namang ngayon na? Gusto ko 'yang isagot pero mas pinili ko nalang na manahimik. Dinampot ko ang kutsara at inumpisahang kumain. Kahit pag imik ay hindi ko na ginawa alam ko kasi na hindi na naman niya papansinin ang sasabihin ko.
Tapos na kaming kumain dalawa pero wala pa din ang nagsasalita. Nakakabinging hangin ang maririnig lang dito sa garden, pinapakiramdaman ang isa't isa kung sino ang unang magsasalita.
Hindi ko na matitiis ang gantong aksyon namin, nakakailang lang kaya ako na ang bumasag sa katahimikan na pumapagitna sa amin.
"Kamusta ang pagsali niyo sa kryptonite society?" tinignan ko siya inaasahan na tignan din pabalik.
"Maayos naman, magagawa ang sunod na plano." dinurog ang puso ko ng hindi niya ako tinignan o kahit nilingon man' lang.
"Anong sunod na plano?"
"Pabagsakin sila." Napapikit ako. Hindi ko na talaga kinakaya.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfictionBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...