CHAPTER 78: FAST TALK

1.5K 96 19
                                    

A/N: Pagbigyan nating mag enjoy muna sila bago ang darating na kasal. (lol!)

----------------

CHAPTER 78: FAST TALK

Carl Phol POV's

Lahat kami ay abala sa pag aayos ng pagkain, maliban lang kay Richard na natutulog pa. Hindi na muna namin siya ginising para makapagpahinga ang puso at utak niya.

Napag usapan naming gumawa ng kasiyahan ngayong gabi kahit may hindi nakakatuwa kaming nalaman kaninang umaga.

Sayang ang punta namin dito sa bulacan kung pati problema ay iisipin parin namin dito. Bukas ay huling araw na namin kaya bago umalis ay mamasyal kami sa lugar dito sa bulacan na may replica ng eiffel tower.

"Okay na ba lahat ng pagkain?" natutuwang tanong ni Zoe na sinilip pa ang laman ng lamesa.

Yung ibang pagkain ay inorder lang namin. Si Alexa na ang nagsagot sa mga bayad dahil hotel naman nila ito at nagkusa siya.

"Ayos na ayos!" energetic na sagot ni Dave. "Gisingin niyo na si Richard para makapag umpisa na tayo."

"Who will wake him up?" pagtatanong ko.

May sumilay na ngiti sa mga labi namin dahil mukang pare-parehas ang mga nasa utak. Nilingon namin si Sabrina na kalalabas lang ng kwarto nila.

"Problema niyo?"

"Wake up Richard, we're still busy here." nakangiting salita ko sa kanya.

Tinuro niy ang sarili. "Bakit ako?"

"You're not doing anything." Inalis ko na ang tingin sa kanya pero tinignan ko parin siya sa peripheral vision ko. Napangiti ako ng kamot ulo itong pumunta sa kwarto namin at pumasok.

Nice!

"Sabrichard is waving!" kinikilig na bulong lang ni Zoe.

Natawa ako dahil pinagsama niya talaga ang pangalan nong dalawa para lang gawing love team. Hindi ko itatanggi na bagay din naman sila Sabrina at Richard pero may bahagi sa utak ko na boto kay Dryle para kay Sabrina.

Ang tadhana nalang siguro ang bahala kung sino ang magiging boyfriend si Sabrina. Basta ako ay gusto ko lang na hindi na siya maging single, yun din naman ang gusto ng kapatid niya.

"Ang tagal naman nila?" wala sa sariling naitanong ko. Ramdam ko na ang gutom, lalo pa na ang sasarap ng nakahain.

"Sisilipin ko." malokong salita ni Dave at dahan dahang naglakad palapit sa pinto. Abot kamay na niya ang doorknob ng bigla iyon bumukas kaya ang loko ay biglang lumiko at hinarap ang pader.

Siraulo ka, ha!

"Anong ginagawa mo d'yan, Dave?" bakas sa tono ni Richard ang bagong gising. Magulo pa ang buhok nito.

"Tinitignan ko kung matibay ba ang pader na ito." sagot niya at nagpanggap pa na sinisipat ang pader. Nilapit pa niya ang tenga doon kaya muka siyang baliw.

"Anong meron?" naglakad palapit sa amin si Richard na tinignan ang madaming pagkaing nakahain. May iilang beer at alak din sa gilid.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon