CHAPTER 86: GIRLFRIEND

2.1K 130 39
                                    

CHAPTER 86: GIRLFRIEND

Dryle POV's

Si Sopphia Andler, girlfriend niya? What the hell. Anong palabas itong ginagawa ng pinsan ko.

"What the heck is your doing, bro?" irita kong tanong.

"Why?" Mas sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinagot niya. Panay lang ang pagtungga niya sa alak na iniinom namin.

"Tss! Anong girlfriend mo si Sopphia? Goddess sake, anong palabas 'to?!"

"Wala akong dalang tv para sabihing palabas ito."

Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa sobrang pagkainis. Hindi niya ba alam na nasaktan si Samantha sa nalaman? Ano bang nangyayare dito kay Carl.

"Look, nasasaktan mo si Samantha, bro!"

"So, what now?" Hindi ako makapaniwala sa sinagot niya. Alam kong hindi pa siya lasing dahil kakaumpisa palang namin uminom. Nauubos na talaga ang pasensya ko.

"Kung ano man' itong ginagawa mo. Tigilan mo na, bro. Mahal ka ni Samantha, ikaw ang pinili niya." huling salita ko tsaka tumayo.

"Where are you going?"

Nilingon ko siya. "Kela Sabrina. Mag sweet moments na muna kayo ng girlfriend mo." saka ako naglakad paalis.

Badtrip!

Samantha POV's

Tuloy ang party kahit may hindi inaasahan na nangyare kanina. Sayang ang pinagod namin kung hindi itutuloy, yun ang sabi ni kuya kaya sumunod sila pati na ako. Gusto ko na nga lang sana magkulong sa kwarto dahil hindi ko kayang makita na kasama ni Carl ang pinakilala niyang girlfriend sa amin.

Andito ako ngayon sa sulok, tinitignan silang nagsasaya. Napatingin ako kay Sopphia na kausap si Richard, hinanap ko si Carl at ayon. Nakita kong nag uusap silang dalawa ni Dryle, mukang seryoso ang pinag uusapan nila.

Ano naman yung pinag uusapan nila?

Mabilis akong umiwas ng tingin dahil tumingin si Carl sa pwesto ko ng umalis si Dryle. Hindi ko na kaya masalubong ang tingin niya dahil nasasaktan lang ako. Nailabas ko na lahat ng luha ko kanina kaya ngayon kahit gusto kong umiyak ay wala ng lumalabas na luha sa mga mata.

Napagod na ang mata ko sa kakaiyak dahil lang sa isang lalake. At, iyon ay si Carl.

"You want to drink?" napatingin ako sa baso ng alak na inabot ni Timothy sa harap ko.

Tinanggap ko yon ng walang pag aalinlangan, mukang kailangan ko naman ngayon nito lalo pa na basag ang puso ko. Baka sakaling makalimutan ko muna ang sakit ngayong gabi.

"Sopphia Andler... Do you know her, hm?"

Tinungga ko alak sa baso. Napapikit ako ng gumuhit ang pinaghalong init at pait sa lalamunan ko. Matagal akong hindi nakainom ng alak kaya ganto nalang ang reaksyon ng katawan ko.

"Hindi. Pero, alam ko na anak siya ni Yce Andler."

"Yung pinakamataas na pinuno sa kryptonite society, right?" Simpleng tango ang sinagot ko saka tumungga ulit.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon