CHAPTER 90: CHILDHOOD FRIEND

2.1K 149 56
                                    

CHAPTER 90: CHILDHOOD FRIEND

Samantha POV's

Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni kuya para magpaalam sa pag alis ko. Baka kasi pagalitan na naman ako kapag nalamang umaalis ng hindi nag papaalam sa kanya, ako lang naman mag isa ang aalis.

Siguro ay mahihirapan akong mapapayag siya gayong ang higpit na ng bantay niya sa akin dahil sa nangyareng pag kidnap sa amin ng Chicks Maniax. Kung hindi siya papayag e ‘di pipilitin ko, nakakahiya naman kasi doon sa secret admirer kuno ko daw saka gusto ko siyang makilala.

"Why?" salubong niya agad ng makapasok ako sa kwarto niya. Tutok siya sa computer na mukang tina-trabaho niya ngayon.

"Aalis ako, kuya." diretsa ko agad na itinaas ng kanang kilay niya.

"Where are you going?" naningkit ang matang nakatingin sa akin. "Sino ang kasama mo?" sunod niya agad na tanong kahit hindi ko pa nasasagot ang una.

Sumandal ako sa gilid ng pader at pinagkrus ang braso, bumubwelo na masabi ng maayos ang pagpapaalam ko.

"Ako lang mag isa pupunta sa Deco cafe," umalis ako sa pagkakasandal at lumapit sa kanya ng bahagya. "May kikitain ako doon."

Kumunot ang noo niya na matalas pa rin ang tingin sa akin. "Who?"

"Yung nagpapadala ng bulaklak at tsokolate sa akin." nawala ang pagkunot ng noo niya at tumango tango. Nabigla ako sa reaksyon niyang iyon na nakita.

Pumapayag ba siya?

"Okay. Take care, then." agad akong lumapit sa kanya. "Ano ba!" asik niya ng kapain ko ng paulit ulit ang noo at leeg niya para alamin kung may sakit lang ba siya.

"Sure ka, payag ka?" kailangan sigurado.

"Muka bang hindi?" masungit niyang pagbabalik tanong sa akin.

"Pangako walang mangyayare sa akin, kung magkaroon 'man e ‘di goodbye world." biglang tumalim ang tingin niya kaya mahinang natawa ako. "Joke!" humalik ako sa pisnge niya at nagpaalam na.

Nag stay ako ng ilang segundo sa labas ng pinto baka kasi ay nagbibiro lang siya pero natapos na ang pagbibilang ko ng hindi siya lumabas sa kwarto para bawiin ang pagpayag. Payag nga talaga siya na umalis ako mag isa at makipagkita sa misteryosong lalake.

Napapaisip parin ako habang naglalakad pababa, hindi pa din kasi ako makapaniwala na papayag ng ganon si kuya lalo pa na humigpit ang pagbabantay niya sa akin. Akala ko pa naman ay matatagalan ako sa pagpapaalam pero hindi ganon ang nangyare.

Ano kaya ang nakain no'n?

Nakapamulsa akong tinignan si Zoe na nakangiti sa agad sa akin. Siya lang mag isa dito sa sala, mukang nasa kusina o sariling kwarto ang iba habang yung mga lalake naman na kasapi sa kryptonite society ay umalis dahil pinatawag sila ni Yce.

Ganon pa rin tulad ng nakaraang araw ang nangyayare sa amin ni Carl. Pero kagabi ay panay ang pag tingin niya sa akin habang sabay sabay kaming kumakain sa hapagkainan, iniiwasan ko ang tingin niya at hindi sinasalubong ang mga mata. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa ang mga iyon kagabi habang malapit siya sa akin.

Panay ang pagnunukso sa akin nila Dave tungkol sa secret admirer ko nga daw saka si Timothy ay kinarer ang pagtawag sa akin ng my queen kaya pulos tawanan ang nangyare. Si Carl lang ang hindi natutuwa sa usapan na 'yon, masama ang awra niya ng gabing iyon na ikinakatuwa ko naman.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon