CHAPTER 99: ASSEMBLE THE PLAN
Samantha POV's
"I understand... At first I knew he was still the one you would love." napatitig ako sa kanya ng malungkot niya yung sinabi. "Pero umasa parin ako sayo." mas gumuhit ang lungkot sa mata nito ng magtama ang mata namin pareho.
Hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nararamdaman niya ngayon pero alam kong nasaktan ko siya. Totoong minahal niya ako na hindi ko naibalik sa kanya.
"I'm sorry..." tanging iyon nalang ang naitugon ko ng wala na akong masabi. Sakto na yung sakit na nararamdaman niya ayoko ng dagdagan pa sa bawat salitang sasabihin ko.
Pinunasan ko ang luha sa pisnge at malalim na bumuntong hininga. Iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko pero may kalahati na sa akin ang masaya dahil sinabi ko na sa kanya ang totoo. Ang plano nalang ang mas iisipin ko at hindi na magiging problemado sa ganitong sitwasyon ng pag ibig na nangyare sa akin.
"Can I hug you as my childhood bestfriend?" bumalik ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya iyon. Nakangiti na ang labi nito pero may bakas pa 'din ng lungkot ang mata.
Tumayo ako para lumapit sa kanya. Ganon din siya kaya ibinuka ko ang braso para maibigay ang pabor na sinabi niya. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap nito sa akin.
"Thank you for giving me a chance to courting you. I was hurt but thank you for being true to how you really feel." napangiti ako sa sinabi niya.
"Makakatagpo ka din ng babaeng mas hihigitan ang pagmamahal na ibinibigay mo."
Humiwalay siya sa akin at masungit na tumingin sa akin. Ikinangiwi ko ito dahil sa reaksyon ng muka niya. "Pagkatapos mo akong saktan hinahanapan mo kaagad ako ng babae."
"Tss! Sinabi ko lang naman." natawa kami pareho na parang walang nangyare. Nakakaginhawa sa pakiramdam na maayos parin ang samahan naming dalawa kahit binusted ko siya sa panliligaw niya.
Isa 'to sa ugaling nagustuhan ko noon pa 'man kay Kensley. Nagagawa niyang magalit sa akin nung mga bata pa kami pero hindi niya ito pinapatagal. Siya pa ang humihingi ng tawad kahit ako ang may mali. Iniintindi niya ang ugali ko noon pa 'man kaya tumagal ang pagkakaibigan namin ng mahigit na taon.
"Naging kontrabida ba ako sa pagmamahalan ninyo ni Carl?" biglang tanong nito ng maglakad na kami pabalik sa loob.
Nagtatakang nilingon ko siya dahil sa tanong niya na iyon. "Bakit mo naman naitanong ang ganyan?" parang natatawa ko pang tanong.
Hindi pumasok sa utak ko na naging kontrabida siya. Sa totoo pa nga ay siya ang naging dahilan kung paanong nakapag isip ako ng maayos at magising sa lahat ng katotohanan. Kaya paanong naging kontrabida siya?
"Naisip ko lang na baka ako ang naging dahilan kaya mas gumulo ang pagitan ninyo." kamot sa ulong tugon nito.
"Wag 'mong isipin yan. Ikaw pa nga ang tumulong sa akin na makapag isip kung sino ba talaga ang totoong mahal ko. Saka biglang naging sweet si Carl sa akin, nagseselos sayo."
Naalala ko na naman yung mga araw na halatang nagseselos siya pero hindi niya lang masabi. Nung una hindi ko naisip iyon dahil baka palabas niya lang 'yon at girlfriend na niya no'n si Sopphia kaya hindi pumasok sa utak ko na magseselos siya.
"Halata ko naman na nung unang araw palang na magkita kami." natatawang salita din nito. Mukang naalala rin ang naging sagutan nila nung unang magkita.
Pagkarating sa sala wala kaming naabutan kahit isa. Napatingin ako sa taas ng maalala na may meeting kaming gagawin para mapagtagpi ang planong hindi nila mabuo.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfictionBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...