CHAPTER 83: PAIN
Samantha POV's
Nakapalumbaba ako habang hinihintay ang pagdating ni Carl. Magdidilim na pero wala parin siya, kanina ko pa din siya inaantay dahil sinabi nila Alexa na dadating naman daw ito. Kaso, wala pa siya hanggang ngayon.
Limang oras na ang lumipas ng makadating sila dito sa insurgent house matapos ang misyon na ginawa nilang lahat. Nagtagumpay sila dahil nakuha na nila ako.
Nakapag usap na kami ni Dryle, inamin niya na sa akin lahat. Yung mga utos lang sa kanya ng mag ama at sinabi niya sa akin na hindi talaga masama ang intensyon niya amin lalo na sa akin sadyang inutusan lang talaga siya. Madami pa siyang sinabi sa akin na hindi ko alam, binalik niya na ang phone ko na matagal niyang tinago.
Ngayon ay nagpapahinga sila sa guest room ni Timothy, hindi muna sila pinapauwi ni kuya dahil may mga pag uusapan pa kaming lahat. Inaantay lang talaga namin ang pag dating ni Carl.
Nasaan na ba siya?
"Inaantay mo siyang dumating?" lumingon ako sa likod ko para tignan kung sino iyon, si kuya.
"Ang tagal niya." pagtutukoy ko kay Carl.
Umupo siya sa tabi ko saka umakbay sa akin. Bumuntong hininga ako dahil namumuo na naman ang lungkot sa puso ko. Ayokong mag isip ng kung ano pero pumapasok pa rin talaga sa utak ko yung binitawang salita ni Carl pati yung lungkot at sakit sa mga mata noya ay hindi ko makalimutan.
Hindi ko matanggap ang sarili dahil sa ginagawa ko sa kanya. Sinasaktan ko siya na alam ko naman ay hindi niya deserve na maramdaman ang ganon. Minamahal niya ako pero ako, ito sinasaktan ang lalakeng minamahal ako ng buong puso.
"Did something happen between you?"
Napabuntong hininga ako. "Nasaktan ko siya, hindi ko naman sinasadya."
"Tell me, what happened. I will listen."
Walang pag aalinlangan na kwenento ko lahat kay kuya ang mga nangyare kanina ng magkita kami ni Carl. Pati ang mga nangyare sa amin ni Dryle sa London ay kwenento ko na rin. Nakinig lang siya sa mahabang kwento ko.
Napapailing si kuya ng matapos ako sa pag kwento. Kumuha siya ng sigarilyo at sinindihan yon. Inalokan pa niya ako, akala naman ay nagsisigarilyo ako.
Tss!
"Carl or Dryle?" hindi ko inaasahan ang naging tanong niya kaya gulat akong tumagilid para tunghayan siya.
"Anong tanong 'yan?"
"Just answer my question."
"Si Carl s'yempre!" mabilis kong sagot. Natigilan ako ng tumitig ng seryoso sa akin si kuya.
"Kung si Carl naman pala, bakit iniisip mo si Dryle? Bakit nag aalala ka sa kanya? Bakit naging iba ang trato mo sa kanya? at bakit mo siya hinalikan pabalik?" inalis niya ang tingin sa akin. "Brain and heart are different, Samantha. Your brain choose, Carl, but in your heart you wonder who to choose between the two. As I heard your story, It seemed like you were returning your feelings for Dryle."
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfictionBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...