CHAPTER 89: SECRET ADMIRER
Samantha POV's
Napapatitig nalang ako sa bulaklak na dumating na naman para sa akin. Tulad kahapon ay may notes na naman ito na tinatawag akong My queen at pangatlong bouquet na ng bulaklak itong natatanggap ko.
Bawa't isa sa amin ay walang ideya kung sino ang nagpapadala. Malaki ang question mark sa utak nila kung sino ang nagpapadala nito sa akin. Kahit si kuya ay panay ang tanong sa akin na baka ay may manliligaw ako, ayaw niya namang maniwala kapag sinasagot kong wala.
Ako mag papaligaw? Eh, si Carl nga lang ang laman ng utak ko.
Pero aaminin ko ay simula ng makatanggap ako ng mga gantong bagay ay medyo nawawala sa utak ko si Carl at napapalitan ng tao na nasa likod na nagbibigay nito sa akin. Wala namang kakaiba sa mga tsokolate, tulad ng kung may lason o makakaapekto sa kalusugan namin. Lahat sila ay malinis.
Sa bulaklak naman ay normal lang ang kulay at ang sobrang bangong amoy nito. Naadik nga akong singhutin, kaya tinatabi ko sila sa kwarto ko kung saan ay magiging maayos ang lagay nilang mga bulaklak.
"Sam!" napalingon ako kay Vince ng tawagin ako nito sa pangalan ko. Nangungunot ang noo kong tinitigan sya hanggang sa makatabi sa akin. "Why?" ngiwi niya.
"Nasaan na ang pagtatawag mo ng ate sa akin?" pagsusungit ko, napapansin ko na pangalan ko nalang ang tinatawag niya sa akin nitong mga dumaan na araw.
"Hindi naman ganon kalayo ang edad natin."
"Matanda parin ako sayo, Vince."
"Whatever."
Wow, ha?
Napailing akong inalis ang tingin sa kanya, tinuloy ko ang pagsisipat sa bulaklak na hawak ko parin hanggang ngayon. Gustong gusto ko talaga ang amoy nito, hindi nakakasawang amuyin araw araw katulad ng pabango ni Carl.
"May manliligaw ka 'no?" napaiktad ako ng tusukin niya ang tagiliran ko, nang aasar pa ang tono ng boses.
"Wala." simpleng sagot ko. "Hindi ako magpapaligaw dahil si Carl lang ang mahal ko."
Wala na akong ibang mamahalin kundi siya lang talaga. Ayos lang kung mag muka na akong tanga dahil wala ng pag asa, may girlfriend na siya habang ako ito, inaantay parin kung babalik pa ba siya sa akin.
Ganon naman talaga ata siguro, kung mahal mo talaga ay siya lang ang hihilingin mo kahit masaktan kana ng sobra.
"Pero may girlfriend na siya,"
Pilit akong ngumiti, pinapakitang hindi nasasaktan. "Kung kami naman ang nakatadhana talaga e ‘di maghihintay ako."
"Paano kung hindi dumating ang hinihintay mo?" Saglit akong natigilan at napaisip. Hindi ko inaasahan ang tanong niya na 'yon, hindi din pumasok sa utak ko kaya wala akong makapang isasagot sa kanya.
"Susuko na ako." nakagat ko ang ibabang labi ng maramdaman ang pag iinit sa sulok ng mata ko. Nagbabadya na naman ang luha kong pumatak.
"Kaya mo?"
"Hindi," umiiling na sagot ko at malalim na bumuntong hininga. "Pero kung wala na talagang pag asa. Kakayanin kong sumuko kahit masakit." sumabay ang pagpatak ng luha ko ng yumuko ako.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfictionBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...