CHAPTER 98: TELL THE TRUTH
Samantha POV's
Ngayong araw ang pagdating ni Adi. Umaga palang ay umalis na sila Laviene at Timothy para sunduin sila sa airport balak ko sanang sumama kanina kaso pinagbawalan naman ako ni Carl. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit hindi pa niya ako pinasama.
Magkakasama kami ngayong mga babae dito sa sala yung mga lalake naman ay nasa room office kasama yung apat na seniors dahil may meeting sila na hindi kami kasama. Nakakainis na nga dahil antagal ko na dito sa insurgent house pero hindi pa ako nasama sa pag uusap ng plano kahit ideya sa mga gagawin ay wala.
Hindi ko alam kung kailan mag uumpisa ang pagpapabagsak namin sa kryptonite society para matapos na lahat ang gulong ito. Wala din akong ideya kung ano na ba ang mga isinasagawa nila. Parang hindi ako kasali sa grupo, umpisa lang nung pumunta akong London ay naging ganto na.
Tss!
"Sam, bukas na ba ang punta natin sa bahay mo?" tila'y excited na pagtatanong ni Zoe.
"Oo." Balak ko sana na ngayon kami pumunta doon kaso naisip ko si Adi na baka ay pagod siya sa byahe kaya pipiliin ko nalang na bukas.
Umayos ako ng pwesto sa kinauupuan kong sofa at pumikit. Buryong buryo na ako kanina pa, mas gugustuhin ko nalang ang mag isip ng plano kesa sa ganto. Malaya naman akong makapag isip ng plano pero paano? Gayong hindi ko alam kung ano na ba ang takbo sa grupo namin laban sa kryptonite society.
"Ang haba na ng buhok mo, Sam, napansin ko lang." Naputol ako sa pag iisip ng madinig ko ang boses ni Zoe.
Idinilat ko ang mata para tunghayan siya. "Balak ko na ngang magpagupit."
"Sakto! Gusto ko ulit magpakulay ng buhok at magpabawas."
"Nabanggit ni Laviene na hairdresser si Adi di 'ba." hindi ako nakasagot sa sinabi ni Sab. Wala akong maalala kung may binanggit ba na ganoon si Laviene sa akin.
"Ay, oo! Sa kanya nalang natin ipaayos ang buhok, Sam!" tanging pagtango nalang ang isinagot ko.
Kahit sino namang mag gupit sa akin ay ayos lang basta mabawasan ang buhok ko. Masyado na talaga kasing mahaba, ako lang ang nahihirapan kapag itinatali ko ang buhok. Siguro ipapabawas ko ang buhok hanggang sa ibaba ng braso ko para hindi mabigla kung masyadong maikli.
Pinag usapan nila ang nangyareng pagsasanay kahapon. Pakikinig lang sa kanila ang ginawa ko at walang balak na sumingit sa usapan. Si Nicole at Zoe ang madalas magsalita dahil sila ang madaldal sa grupo naming mga babae idagdag pa si Laviene.
Masayang kwenekwento ni Nicole ang naging takbo ng pagsasanay niya. Kung paanong nabilib siya sa akin dahil sa pagtuturo ko at kung paanong kasimple lang sa akin ang bawat kilos na ginagawa ko. Pati siya ay nabibilib sa ginawa niya, hindi parin ito makapaniwala hanggang ngayon.
Habang nakikinig sa kanila ay napalingon ako sa pinto ng bumungad ang isang tao doon. Nahinto sa pagkwekwento si Nicole ng mapansin din nila ang presensya nito.
"Hi, Where is Janna?" nakangiting salita niya.
"Nasa itaas pa sila. May mga pinag uusapan." pag sagot ni Alexa.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanficBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...