CHAPTER 68: RICHARD GIRLFRIEND
Carl Phol POV's
Andito na kaming apat sa chinese restaurant para ibigay ang hinihinging one million ni Mr.Andler, sinobrahan pa namin iyon ng fifty million. Sila dad ang nag asikaso sa pera na hinihingi kaya maiibigay namin kaagad.
Hindi naman nagdalawang isip ang bawat pamilya namin dahil alam na talaga nila na pera ang unang iuutos sa amin. Muka daw kasing pera ang mga kryptonite society. Pwera lang sa amin na sasali, hindi pera ang kailangan namin kundi ang paggawa ng plano nila at pabagsakin sila.
Ako na ang nag bayad na dapa't ay kay Richard. Hindi alam ng parents niya ang tungkol sa ginagawa dahil for sure magagalit ang mga 'yon kaya ako na ang nagpaubaya na babayaran. Ako naman kasi ang nag plano na isali siya bilang leader ng kryptonite society.
Noong una ayaw pumayag ni Richard dahil may pera naman daw siya. S'yempre ako ang nasunod kaya wala na siyang nagawa. Sinabi ko nalang na itabi ang pera niya para gamitin yun sa mas kakailanganin.
Ang mga babae naman ay wala pa 'ding alam at sinunod nila ang inutos ko kahapon na ipasyal ang kapatid kong si Nicole. Sumama na rin si Vince sa kanila. Nabanggit 'yon sa akin ni Nicole ng makauwi ako kahapon.
Si Timothy alam na niya ang tungkol dito dahil nabanggit ko yun kahapon ng kausapin ko siya para kamustahin si Sam. Sinabi niya na may plano si Sam kasi naging clingy at sweet siya ng kinagabihan na kumain sila. Panay daw ang lambingan ng dalawa.
Naiinggit ako. Dapa't sa akin siya ganon, yung pagiging sweet niya gusto ko din pero wala naman ako sa tabi niya para gawin ang bagay na na gusto ko.
Makakatulong naman yung ginagawa niyang plano para mapaniwala si Dryle, kahit alam ko naman ang totoo sa ginagawa nito. Walang alam si Sam kaya ganon nalang ata ang naisip niyang plano na ibalik ang pagtrato sa kung ano sila dati.
Natatakot ako sa totoo lang na baka sa planong yun ni Sam siya din ang mahulog sa bihag niya. Baka bumalik ang nararamdaman niya kay Dryle ng hindi nito namamalayan. Iyon ang ayokong mangyare kaya natatakot ako.
Kahit saan tignan, nakikita kong okay naman ang plano niya. Sad'yang tamang hinala lang ata talaga ako. Sinabi niya na ako ang mahal niya kaya pagkakatiwalaan ko 'yon. Siya si Samantha Villanueva na may isang salita, kailangan kong magtiwala sa ginagawa niya.
"Wow, this is real? Ang bilis naman." nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Mr.Andler.
Masyado ata akong madaming naiisip kaya hindi ko namalayan ang pagdating niya. Tumayo ako para makipagkamay at bumati, ganon din ang ginawa ng mga kasamahan ko. Kinuha ko ang briefcase na hawak ni James at maayos kong inilapit sa kanya.
"We've added that fifty million." walang halong yabang na salita ko. Muka namang nagulat siya, hindi ata makapaniwala.
Isa sa mga body guard niya ang nagbukas ng case saka nila sinilip iyon. Nakangiting tumatango si Mr.Andler ng maisara na ulit ang case. Tumingin siya sa aming apat na iniintay ang sasabihin niya.
"Ngayon lang ako nakatanggap na sumobra sa hiningi ko. Thank you." tumango kami. "Aantayin ko ang sunod kong inutos."
"Sure, Mr.Andler. Don't worry it won't take long." nakangiting salita ko na ikinatango niya.
"I'll wait for that, Mr.Montermoso. I need to go, bye." Nag bow kami sa harap niya at naglakad na siya paalis. Bumalik kaming apat sa pagkakaupo sa sofa na inupuan din namin kahapon.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
Fiksi PenggemarBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...