CHAPTER 61: ENGAGEMENT RING

1.9K 113 15
                                    

CHAPTER 61: ENGAGEMENT RING

Samantha POV's

"Love?" napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang nakakasukang salita. Hindi ko binuksan yung pinto dahil baka masapak ko pa siya. "Love, c'mon!"

Muka mo.

Manigas ka diyan sa labas. Napakaaga pa para bwesiti ako nito ni Dryle. Ay hindi, dahil araw araw niya pala ako bwinebweset. Nababanas ako sa muka niya.

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. Nakangiti ng nakakaloko ang gago, pinakita pa niya ang susi na hawak. "Bakit ba ayaw mo kong pagbuksan?" nagtatampong salita niya at ngumuso.

Hindi bagay sa kanya muka siyang hippopotamus. Hindi ko sinagot ang tanong nito at  pinagpatuloy ko lang ang pag aayos ng mga damit ko. Inayos ko kasi ulit ang arrangement nila. Magulo ang nagawa ko nung nakaraan.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin lang siya sa ginagawa ko. Bumuntong hininga siya na parang problemado.

"Sam, gaganyan ka nalang ba talaga sa akin?" may halong inis na tanong niya. Tinignan ko naman siya saka ngumiti. Yung ngiti na nang aasar.

"Oo, papalag?" Napasinghal soya dahil sa sagot ko parang hindi pa inaasahan na ganon ang isasagot ko sa kanya.

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa. Tumayo ako at nilalagay ng maayos ang mga damit ko sa cabinet. Hiniwalay ko mga pastel color, white pati ang black. Para hindi ako mahirapan pumili ng susuotin. Kukunin ko na sana ang iilan pang natirang damit ko sa kama ng bigla akong hilain ni Dryle at...

Hinalikan.

Tinulak ko siya pero bigla niya akong hiniga sa kama. Marahas niya akong hinahalikan kaya panay ang tulak ko sa kanya para malayo sa akin. Hindi 'to pwede. Madiin kong kinagat ang labi niya saka buong pwersa na itinulak. Napaatras siya kaya agad akong bumangon at sinapak ito.

Kwenelyuhan ko siya habang matatalim ang tingin na binigay. "Ano bang problema mo?!" puno ng galit na asik ko.

Tumingin siya sa akin na nakangisi, dumudugo ang labi niya dahil sa pagkagat ko, namumula naman ang gilid dahil sa suntok na natamo. Ngumiti siya ng nakakaloko kaya mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya. Bakit niya ba ginagawa 'to sa akin?!

"A-Ang sarap... pala ng labi mo." Mas malakas ang suntok na pinakawalan ko sa kanya. Tumilapon siya kaya tumama ang ulo niya sa pader dahilan para dumugo iyon.

Pumatak ang mga luha ko dahil sa galit na nararamdaman.

"Ang lakas mo..." tinitigan ko si Dryle na sapo-sapo ang ulo dahil sa pagdudugo nito. "Kaya m-mahal kita, eh." Joke ba 'yon?

Pinunasan ko ang luha ko at tumawa. Naglakad ako palapit sa kanya habang siya nakatingala sa akin. "Mahal mo ko?" seryosong tanong ko.

Ngumiti naman siya. "I do." sagot nito. Mas natawa ako kaya nawala ang ngiti niya, napalitan yon ng pagtataka.

"Sorry pero yung pinsan mo ang mahal ko." mabilis siyang tumayo sa pagkakasalampak sa sahig at mabilis na kinuha ang leeg ko. Sinandal niya ako sa pader habang mas dinidiin ang pagkakahawak sa leeg ko.

"Bawiin mo yung sinabi mo!" asik niya. Galit na galit ang mata niya habang nakatingin sa akin parang tutuluyan niya na talaga ako pero hindi yun pwede dahil ako dapa't ang manalo sa aming dalawa.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon