CHAPTER 91: CHANCE

2.1K 138 52
                                    

CHAPTER 91: CHANCE

Samantha POV's

"Kensley Vash Sanchez, everyone. Nice to meet you all." nakangiting pagpapakilala ni Ken sa lahat. May iilan ang nagpalakpakan habang yung iba naman ay tumango lang kabilang doon si Carl.

Kanina ko pa siya simpleng sinusulyapan buti nalang hindi niya ako nahuhuli dahil ang paningin niya ay na kay Ken. Parang pinagmamasdan ang bawat kilos, porma at pananalita nito. Ako lang ang nakakapansin sa ginagawa niya dahil yung iba ay abala sa sariling mundo.

"You're the guy who give flowers and chocolate to Samantha, right?" hindi mababakasan ng pang aasar ang tono ng boses ni Timothy ng tanungin niya ito.

"Hm, yes." nakangiting nilingon ako ni Ken kaya nginitian ko din siya na hindi lalabas ang ngipin.

"How did you meet her?" si Dryle naman ang nagtanong. Para silang host habang kami naman ni Ken ang guest. Ang mga tanungan nila ay parang nang iimbestiga.

Tumingin ako kay Ken na nasa tabi ko lang, mukang handa niya naman sagutin ang mga itatanong ng mga kasamahan ko. Sinalubong niya ang mata ko saka ngumiti ulit ng pagkatamis tamis.

"Actually..." inalis niya ang tingin sa akin. "We were bestfriend in childhood." halata ang pagkagulat sa reaksyon nila pwera sa mga lalake na normal lang.

"Hindi mo siya na kwento sa akin, Samantha, nung tayo pa." umawang ang labi ko.

"Ex-boyfriend mo?" bulong lang na tanong sa akin ni Ken. Tumango ako sa kanya. "Oh.." reaksyon niya.

"Hindi mo din sinabi sa amin ni Zoe, Sam." kunot ang noo namang sabi ni Alexa.

Madami ang naging problema ko noon nang mamatay si mom, mawala si dad, maghiwalay kami ni Dryle at yung mga kalaban namin noon. Hanggang ngayon ay may problema pa ako unang una ay yung nangyayare sa amin ni Carl. Kaya nakalimutan ko si Ken dahil sa mga problemang dumating sa buhay ko. Natambakan ng mga iyon ang ala ala namin ni Ken ng bata palang. Tulad nga ng sinabi ko walong taon kaming hindi nagkita kaya nawala siya sa utak ko.

"Walong taon kasi ang lumipas ng magkita ulit kami ngayon. Siguro dahil sa tagal no'n ay nakalimutan niya ako, may mga problema kasi siyang dinadala na mas iniisip niya ngayon."

Nagugulat akong nilingon siya ng sagutin ang tanong na dapa't ay ako ang sumagot. Paano niya nalaman ang mga rason na iyon, nakwento din ba ni kuya sa kanya?

"Buti ng magkita kami kanina ay naalala niya ako tapos namukaan rin. Dahil doon, naisip ko na nawala lang ako ng saglit sa utak niya pero hindi ako nawala forever." dagdag pa nito kaya napangiti nalang ako ng kusa.

Tama siya, nawala lang siya saglit sa utak ko pero hindi ko malilimutan ang ala ala naming dalawa noong mga bata pa kami. Sa lahat ng naging kaibigan ko, siya talaga ang nauna, pangalawa naman ay si kuya. Dati kasi ay inaaway ako ni kuya yung batang away lang.

"Masaya ba si Sam ng magkita kayo?"

"Yeah. Sobrang saya niya habang kumakain kami kanina. And, her smile is same when we were kids playing together." muli na namang dumapo ang tingin niya sa akin.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon