CHAPTER 87: BABY
Samantha POV's
Pagkatapos mangyare sa pagitan namin ni Carl ng gabing birthday niya ay hindi ko na siya nakikita dito sa insurgent house mahigit tatlong araw na. Lagi kong tinatanong ang mga kasamahan ko dito pero ang sinasagot lang nila ay...
"Busy siguro, Sam."
"Dinaanan niya si Nicole dito para kamustahin kaso umalis din agad siya."
"Magkasama sila ni Sopphia."
Hindi ko kinalimutan lahat ng sinabi niya sa akin ng gabing iyon. Hanggang matapos ang party ay ang mga salita lang na 'yon ang iniisip ng utak ko. Inaamin ko na naging masaya ako ng sabihin ni Carl ang mga yonn, pero sa mga nangyayare ng mga nakaraang araw at ngayon ay nanunumbalik na naman ang lungkot ko.
Ayokong isipin na baka nga ay lasing lang talaga siya ng gabing yun nang magkaharap kami. Ngunit, paano nga kung talagang lasing lang siya no'n at nakalimutan ang mga binitawan niyang salita sa harap ko?
Sana ay hindi... sana, hindi siya lasing ng gabing 'yon.
Ngayon ay andito ako sa weapon's lab para linisin ang baril ko na matagal ko ng hindi naitutok at naiputok sa kalaban. May bago akong baril na ibinigay sa akin ni kuya, may nakaukit iyon ng pangalan ko na talagang nagpadagdag sa ganda.
Sabi ni kuya ay sari-sarili naming baril ito na may nakaukit na pangalan o kaya ay initials sa iba. Gusto ko tuloy makita ang baril ni Carl. Minsan ko lang gagamitin ang bagong baril ko na ito, mas maganda kasi siya gamitin kapag malaki ang labanan saka nasanay na ako sa dati kong baril na ginagamit.
*Knock! knock!
Liningon ko ang pinto ng bumukas yun at iniluwa si Nicole. Gulat ko siyang tinignan dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami nagkakausap sa nangyare nung nakaraan. Iniiwasan niya din kasi ako kapag lalapit ako sa kanya kaya hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.
"Pwede po ba tayong mag usap?" mababakasan ang paggalang sa boses niya.
Hindi ako sumagot kundi sinenyasan ko siyang lumapit at umupo sa tabing pwesto ng inuupuan ko. Sumunod naman siya, napatingin siya sa baril na nakalatag sa lamesa at napansin ko ang pagtitig niya sa pangalan ko na nasa baril.
"Tungkol ba 'tong pag uusapan natin sa nangyare nung nakaraan?" salita ko. Pinagpatuloy ko ang paglilinis sa baril.
"Opo... Sorry, Ate Sam,"
Nahinto ako sa ginagawa at kunot noo ko siyang nilingon. "Saan?" napanguso siya ng ibaba ang tingin sa kamay.
"Sa inasal ko. Naghalo kasi ang lungkot at inis na naramdaman ko ng malaman ang tungkol sa inyo ni kuya." Binitawan ko ang hawak na basahan at hinawakan ang baba niya para iangat ang ulo at iharap sa akin.
"Wag kang mag sorry, wala ka namang ginawang masama. Naiintindihan ko kung bakit ka naging ganon. Kahit ako ay naiinis sa sarili ko dahil sa katangahan na ginawa." ngumiti ako sa kanya. "Galit ka pa ba sa akin?" binitawan ko ang baba niya at ang kamay na niya ang hinawakan.
BINABASA MO ANG
Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOING
FanfikceBehind her Eyeglasses (Part One) *Carl Phol Montermoso The man who is waiting for the return of the only woman she loves. Will he still wait? Kapag... nalaman niya na ikakasal na sa iba ang babaeng mahal na mahal niya. Ilalaban niya pa ba ang narara...