CHAPTER 104: ANOTHER TRAITOR

1.9K 130 162
                                    

CHAPTER 104: ANOTHER TRAITOR

Third Person POV's

Abala ang kabilang panig na grupo sa pag aayos ng plano nila sa darating na party bukas. Tahimik si Maverick na nililinis ang baril niya ng biglang magsalita ang bunsong anak nitong si Carmella.

"Dad, are you sure about our plan? Baka pumalya 'to, alam mo naman na matalino sa paggawa ng plano ang insurgent group."

Tila'y nagpintig ang tenga nito dahil sa sinabi ng anak kaya pabagsak nitong binitawan ang baril na nakagawa ng ingay. Dahil sa ingay na iyon ay napatingin sa gawi nila si Ava.

"Wala ng makakatalo sa akin. Sisiguraduhin ko na mamamatay silang lahat! Lalo na ang pamilyang Villanueva na 'yan." gigil na asik ni Maverick.

"Pati si Carl?"

Hindi ito sumagot sa itinanong ni Carmella tanging pag ngisi lang ang ginawa niya.

"May mamamatay sa kanila, sigurado ako." bulong ni Maverick sa sarili na tanging siya lang ang nakakarinig. Mala demonyo ang ginawa nitong ngisi at sigurado talaga sa sinabi.

Natahimik ang magkapatid at hindi na sumagot pa sa sinabi ng ama. May tiwala sila dito kaya hindi na sila kumontra pa sa napag-usapang mga plano ng kanila grupo.

Nagpatuloy sila sa pag aayos at paglilinis ng mga armas na gagamitin nang may biglang kumatok sa pintuan. Agad dumukot ng baril si Ava saka itinutok iyon sa pinto na hindi pa nabubuksan.

Mabuti ng sigurado. Salita nito sa utak. Siya na ang lumapit sa pinto para buksan iyon habang si Carmella naman ay may hawak din na baril at nakahanda sa pwedeng mangyare. Nasa tago silang lugar na tanging sila lang mag aama ang nakakaalam.

"What are you doing here?!" salita ni Carmella ng tuluyan ng nabuksan ang pinto.

Bumungad sa kanila ang isang tao na kakilala nila. Hindi ito sumagot sa itinanong ni Carmella kundi dire-diretso lang siya pumasok at agad na lumapit kay Maverick.

"Dad, what is the meaning of this?" naguguluhan namang tanong ni Ava. Hindi pa din nito inaalis ang pagkakatutok ng baril.

"Ibaba ninyo yang baril niyo, kakampi natin siya." Nagkatinginan ang magkapatid dahil sa isinagot ng kanilang ama. Nag aalinlangan 'man sumunod pero ginawa parin nila ang utos nito. "Nagagawa mo ba ang utos ko sa'yo? Yung unang inutos ko ay palyado mong nagawa. Baka palpak na naman ginagawa mo, malilintikan kana talaga sa akin."

Kumunot ang noo ng magkapatid dahil sa mahabang sinabi ni Maverick. Wala silang kaalam-alam tungkol dito.

"Chill kalang, Maverick. I came here because you need to know something." sagot ng kausap nito. Nagsindi pa ito ng sigarilyo at presenteng umupo sa sofa kaya halos tusukin na siya ng masamang tingin ni Ava.

"Dad, wait..." pagpuputol ni Ava sa dapa't na sasabihin ng ama. "Don't tell me pinagkakatiwalaan mo 'to? Member siya sa grupo ng Insurgent group!"

"Wala ka bang tiwala sa akin, Ms.Camila Ava?"

Lalong sumama ang tingin sa kanya ni Ava. "Of course, yes! Hindi ba halata?!"

"Pwes' siguro maniniwala kana once na sinabi ko ang tungkol sa..." pambibitin nito.

"About what?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon