CHAPTER 72: CHICKS MANIAX

1.7K 99 13
                                    

CHAPTER 72: CHICKS MANIAX

James POV's

Nakatingin lang kami kay Carl na may kausap sa phone niya.

Katatapos lang namin mag usap usap tungkol sa plano sa kasal nila Dryle at Sam. Tumawag si Timothy kanina para ibalitang yung magiging driver ni Sam ay bodyguard ni Maverick Remias kaya nabago ang plano.

Next week na ang kasal nila kaya inaaayos na namin lahat ng magiging plano. Kami nalang apat ang natira dito sa sala. Umalis na sila Ate, Zed, Aleina at Steven dahil may aasikasuhin pa daw sila. Tapos na din naman ang meeting namin.

Sila Ava at Sab ang naghuhugas ng plato. Yung tatlo naman ay nakikipagkwentuhan kela Vince at Nicole. Nagising na si Nicole, hindi niya naalala yung nangyare kanina siguro kasama na 'yon sa gamot na tinurok sa kanya ni Carl. Nakakabigla pa rin ng malaman namin ang kalagayan nang bata na yonn.

"May problema ata si Carl." bulong ni Dave kaya ibinalik ko ang tingin kay Carl. Tapos natong makipag usap pero napakunot ang noo ko ng makitang napahilamos siya sa muka at naglakad pabalik sa tabi ko.

Sinundan ko ng tingin ang phone niya ng ilapag sa gitna ng lamesa. Bigla akong napangiti ng makita ko ang wallpaper nito. Picture nilang dalawa ni Sam, nakangiti silang pareho doon na halata ang pagiging masaya kapag magkasama.

Bagay sila, sobra.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Carl na mukang problemado nga talaga. Hindi na ako nakapagtiis pa para magtanong. "Problema?" simpleng tanong ko na maiintindihan niya naman siguro.

"May tumawag sa aking babae, hindi ko naman kilala." kunot na kunot ang noong sagot niya, halatang naiinis.

"Baka si Carmella." suhestiyon ni Richard.

"Hindi. Mas malandi ang tono ng boses ng babaeng ito."

"Ano bang sabi sayo, pre?" tanong naman ni Dave.

"Gusto daw nilang Chicks Maniax makipagkita sa ating apat."

Chicks Maniax?

Sa pagkakaalam ko grupo ng mga babae yun pero hindi ko sila kilala. Naririnig ko lang dati sa BCU ang pangalan ng grupo na 'yon pero wala akong interes sa kanila. Ano namang kailangan nila para makipagkita sa amin.

"Teka!" sabay sabay kaming napalingon kay Dave. "Chicks Maniax, grupo 'yon nila Aella Hidalgo, yung kumalaban kay Venice sa pagiging maldita." Tama nga ako, sa BCU ko naririnig ang pangalan na 'yon. Isa sa naging babae ni Carl si Aella Hidalgo.

"Aella?" kunot ang noong tanong ni Carl. Sa dami ng naging babae niya, hindi na niya naalala ang iba.

"Isa sa naging babae mo." salita ko. Napangiwi naman ito, mukang naalala na niya kung sino ang Aella na tinutukoy ni Dave. Napatampal 'to sa noo at sunod sunod ang naging pag iling.

Mapaglaro kasi sa babae, mukang kinakarma na si Carl.

"Chicks Maniax ang pangalan ng gang nila, pero ang sinasabi nila ay squad name lang magkakaibigan 'yon." dagdag naman ni Richard na nakapalumbaba habang nakatingin sa amin.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon