CHAPTER 62: REVELATION

2K 108 22
                                    

CHAPTER 62: REVELATION

Samantha POV's

Nagising ako ng nasa tabi ko si Dryle, buti napapayag ko na tabi kami matulog at wala namang nangyare na hindi ko nagustuhan.

Kung pwede ko lang tapusin ngayon 'tong plano ko gagawin ko talaga. Hindi ko kaya na si Dryle yung ginagawan ko ng ganto mas gusto ko si Carl. Dapa't galingan ko pa para mahulog na ng tuluyan si Dryle para matapos na din 'tong mga nakakadiring nangyayare.

Napansin kong gising na si Dryle kaya ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. "Goodmorning, love." masayang bati ko.

"Goodmorning too, love." bati niya din habang nakangiti.

Napapansin ko na parang totoong Dryle na yung kaharap ko ngayon hindi yung para siyang demonyong gago. Yung ngiti niya na kapag magkasama kaming nagde-date dati. Nagiging effective na ang plano ko, nababalik ko na ito sa kung ano siya dati.

"This is really real?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

"What do you mean?" balik kong tanong.

Sa tingin ko naman tinatanong nya kung totoo ba 'tong nangyayare sa amin ngayon at kahapon. Yung pagiging sweet ko sa kanya at pagpayag ko sa magiging kasal namin.

Hindi 'to totoo lahat Dryle kasama lang ito sa plano ko. Asa ka pang mababalik yung pagmamahal ko sayo tulad ng dati.

"Kahapon kasi galit na galit ka sa akin tapos biglang naging ganto. Totoo ba talaga 'to o may balak ka lang?" sumeryoso ang muka niya dahil sa sariling tanong na sinabi. Hinawakan ko yung pisnge niya saka ako ngumiti.

"Alam kong imposible 'tong nangyayare dahil nga nagalit ako sayo nung una pero para kasing nauntog ako tapos narealize ko na ikaw pala talaga ang totoong mahal ko. Iniwan mo ako dati kaya nasaktan ako ng sobra."

May tumulong luha sa mata ko. Hindi 'to dahil kay Dryle kundi kay Car, nasasaktan ako sa sariling sinasabi ko parang kapag narinig 'to ni Carl mas masasaktan siya.

Pinunasan ni Dryle ang luha ko gamit ang hinalalaking daliri niya. "Naniniwala na ako. Sorry, love." usal nito at hinalikan ako sa noo. Napangiti naman ako, nagiging effective na nga ang plano ko.

"Dryle, breakfast is ready." rinig kong boses ni Timothy. Kumatok muna siya sa pinto bago binuksan 'yon.

Nagulat siya ng makitang andito ako sa kwarto ni Dryle. Hindi niya alam kagabi na dito ako natulog, paano ba naman kasi biglang nawala mukang nagkita ata sila ni Laviene.

Nakatingin si Timothy sa akin at sinasabi ng mata niya ay what is the meaning of this? binigyan ko lang siya ng ngiti.

"Love, let's go." bumangon ako sa higaan para hilain siya, buti nalang hindi pa nagmatigas kundi babalian ko siya ng buto.

Nauna ng lumabas si Dryle sa kwarto niya at ako naman ay inayos muna ang buhok ko. Lumabas na ako kaya nakita ko si Timothy na nasa gilid pa din pala ng pinto. "Makisakay ka lang sa plano ko. Ipapaliwanag ko din lahat kapag naging okay na." bulong kong salita ng makarating sa harap niya.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon