LMHMMB #10

4.2K 106 4
                                    

Nadala na si Shino sa Clinic at gulat na gulat ang lahat ng studyante doon dahil sa nakita nila.

"What happen to him!?" Ang Sabi ng Nurse na sumalubong sa kanila.

"I don't know and do all you can to make sure that he's safe I'll be back" ang malamig na Sabi Ni Axcel bago inihiga ang walang Malay na si Shino sa kama at tinignan ito saka nagpasyang umalis.

Natakot Naman ang nurse Kay Axcel dahil sa sinabi nito at ganun din ang naramdaman ng mga studyanteng nakikisosyo sa nangyari.

Lumapit Naman ang grupo Ni Francis at tinignan ang nurse na tulala lang at takot kaya napakunot noo si Micu sa nurse at sinabing asikasuhin ang kanilang kaibigan.

Itinuring na nilang kaibigan si Shino matapos ang nangyari ng isang araw at Alam nilang mabait ito kaya nung nakita nila ang naging sitwasyon niya kanina sa Cr ay grabeng pag alala takot at Galit ang naramdaman niya dahil sa itsura kanina Ni Shino parang gusto niyang bugbugin ang mga taong gumawa sa kanya nito.

"Huy nurse, wag Kang tumunganga Diyan nakita mo kalagayan ng kaibigan namin Anu ba!" Ang Galit na Turan Ni Francis.

Kaya napatingin siya sa kanila

"O-opo ser sorry" ang paumanhin ng nurse saka agad nito inasikaso si Shino.

Matapos malinis ang pasa at sugat ng kaibigan nila ay nagbilin ang nurse na bantayan muna Nila ito at may kukunin lang at agad ding babalik ok naman na si Shino kaya napahinga sila ng maluwag Pero kita parin ang natamo niya dahil maputi at makinis Siya.

"Grabe anyari dito sa gunggong ito bat hinayaan siyang mabugbug kung sino Naman ang mga gagong yun! Humanda sila sakin babalatan ko sila ng Buhay!" Ang Galit na Sabi Ni Francis Dito.

"Ewan ko din kung bat niya hinayaan na bugbugin Siya ng ganito ang mahalaga ok na siya Pero Yung mga natamo niya grabe oh tignan mo" ang Sabi Naman Ni Charlie Dito.

Napailing na lang silang lahat saka nanahimik sila pinagmamasdan lang nilang matulog ang kaibigan

Naghintay pa sila ng tatlong minuto at nagpasya munang pumasok sa kanilang mga klase ang tanging natira lang upang magbantay kay Shino ay Sina Francis Micu at Charlie.

Nagkwekwentuhan sila tungkol sa nangyari SA kanya ng magmulat ng mata si Shino at napatingin sa paligid at nakita ang tatlong magkakaibigan na nagkwekwentuhan.

Nang makita nilang gising na Shino ay dinaluhan nila Ito at kinamusta ang kalagayan.

"Oh Shino, kamusta ang pakiramdam mo ok ka lang?" Ang tanong agad Ni Charlie binatukan naman nito Ni Francis.
"Tanga ka ba!? Kita mong maraming pasa galos at sugat yan tas sasabihin mong ok lang!?" Napasimangot naman si Charlie at hinawakan ang binatukan ng kaibigan napailing na lamang si Micu sa ugali ng dalawa at tinanung si Shino.

"Gutom ka ba? What do you want?" Ang mahinahon niyang sabi.
"T-tubig" ang nahihirapang Sabi at namamaos pa niyang sabi dito agad namang binigay nito ang hiling niya.

Nang maibigay nito ang tubig inalalayan niya itong bumangon at tulungan sa pag inom nito.
Agad agad ding uminom si Shino dahil din sa pagkahuhaw niyang nararamdaman at ramdam niyang masakit ang lahat ng kanyang katawan saka mahina Siya.

"Huy Shino, easy men hinay hinay sa pag inom baka mabilaukan ka saka marami pang tubig don't worry sayo lahat ng yan" ang singit ulit Ni Charlie tinignan naman ng Dalawa ng masama Ito.
"Why?" Ang nagtataka niyang tanong waring hindi alam ang sinabi akmang babatukan ulit ni Francis ito Pero nakailag agad.
"Ok, fine ! Itong mga to oh di na mabiro tsk".

Natawa na lang si Shino dahil sa kakulitan Ni Charlie.

Pero naging seryoso na sila ng tanungin Ni Micu ito sa nangyari sa kanya.

"Tapatin mo kami Shino sino ang mga bumugbug sayo kanina at bakit nila sayo ito ginawa?"

Natahimik Naman si Shino sa sinabi Ni Micu at tinignan nito ang tatlo.
Naghihintay sa sasabihin niya kung bakit Siya nabugbug.

"S-sa katunayan niyan hindi ko kase sila k-kilala saka Ewan ko kung bakit Nila ako binugbug baka nagkamali lang sila." Ang Sabi niya naman Dito.

"Nagkamali sila?saan? " Ang kuryos na Sabi Ni Francis.

"Tinanong Nila ako kung ako ba si Shino at sagot ko Naman syempre Oo tas sinabi Nila sakin na ako daw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng Gf niya eh wala naman akong nakarelasyon at wala akong balak mang agaw o dahilan man lang ng away ng magkasintahan."

Nagkatinginan ang tatlo at sabay na tumango.

"Sina Joem at ang grupo niya ang may gawa nito sayo mainit ang dugo Nila sayo Gaya ng Sabi ko kanina habang Tayo ay nasa Cafeteria at linibre Mo kami Yung Sabi kong Kaya maraming Galit sayo lalo na ang lalaki sayo ay dahil ikaw ang dahilan o rason Kaya huwag kana magtaka Pero kahit man lang Sana pinagtanggol Mo yang sarili mo at wag Mo silang hinayaan gulpihin ka Nila" ang mahabang lintaya Ni Francis.

Napayuko na lang si Shino.
"Pero bakit ako? Wala naman akong ginagawa sa kanila bakit ako ang pinag iinitan Nila?saka Oo Kaya kung ipagtanggol ang sarili ko Pero nangako na kong magbabago ako dahil puro problema na lang Yung dulot ko kina itay Kaya hindi niyo ko masisi ayaw Ko lang bigyan pa ng sakit sa ulo ang pamilya ko dahil sa pakikipagbasag ulo ko dito sa school.

Natahimik sila dahil sa sinabi Ni Shino at wala ng may gustong magsalita.

"Don't worry I'm the one who protect you no one can hurt you and they will pay all of this to you promise"

Napatingin sila kay Axcel na nasa pinto.

"Axcel,kanina kapa ba Diyan?" Ang tanong ni Shino.

"Yes" ang sabi niya naman.

"Ah" ang tanging nasabi na lang Ni Shino.
Saka Ito lumapit sa kinahihigahan niya at tumabi Dito sabay niya hinawakan ang ulo nito at ginulo ang buhok.

"Just rest, at paggising mo magiging ok na ang lahat" Sabi niya tas ngumiti Ito Dito.

Tumango at humiga na si Shino dahil inaantok na siya at nakatulog na.

Matapos makatulog Ni Shino  binalingan Naman ni Axcel ang tatlo.
Saka Ito tumingin sa kanila.

"Tara sa labas may pag uusapan Tayo gusto niyong makaganti sa ginawa Nila sa kanya di ba Gaya ko pwes Ito ang plano"
Saka sila nagplano at nagsitanguhan mukhang makakaganti na sila sa ginawa Nila Kay Shino.










TBC....

Please vote and Share

Love Me Harder My Mafia Boss (ManxBoy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon