LMHMMB #55

2.7K 108 5
                                    

Shino pov

Hinding hindi ako papayag na may gawin silang hindi maganda para sa fiance ko.
Kailangan kong makatakas dito dahil walang mangyayari kung tutunganga lang ako rito.

Mas mainam na may gawin ako kaysa sa wala.
Hindi ako papayag na mapunta ako sa manyakis na matandang iyon.

Hindi ko pinangarap mapunta sa demongyong manyakis na matanda na iyon.
Hindi ako magpapakabakla kung sa kamay lang naman ako nito mapupunta,Kay Mr.W lang ako at sa kanya lang ako, Siya lang ang may karapatang mag may ari sa akin dahil kanya lang niya ako wala ng iba.

Kaya hahanap ako ng paraan.

Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Diane.

"Ikaw!? Demonyita ka talaga Anu?"

Tumawa Ito dahil sa aking sinabi.

"Hahaha! Matagal na Shino matagal na" at pumantay ito ng tingin sakin.

"Hindi ako papayag na may gawin kayong masama Kay Mr.W!" Biglang naging seryoso ang kanyang tingin at bigla ako nitong hinawakan sa aking kanang braso, napapikit ako sa sakit dahil sa bumaon ang kanyang kuko sa aking kamay.

"Huwag mong mabanggit banggit ang walang hiyang lalaking iyon dito! Naiintidihan Mo!? Wala Siya dito Pero Siya pa rin ang inaalala Mo!?"

Napangisi ako sa kanyang sinabi.

"Natural! Fiance ko lang naman Siya! Mahalaga Siya sakin! Eh kayo?" Tinignan ko ito mata sa mata.
"Saka ikaw? Sino ka ba? Isa ka lang naman desperadang babae eh? Bitch!" Sinampal niya ako dahil sa aking sinabi.

"Oo! Desperada na kung desperada! Una pa lang kitang Makita akin ka na! Pero hindi mo ko mapansin pansin tapos sa lalaking iyon ka lang mapupunta!? Ginawa ko na lahat! Inakit ko pa yun Mr.W na yun Pero ikaw pa rin Yun Mahal niya! Naiinis at nagagalit ako doon sa lalaking iyon bakit Siya pa!? Bakit hindi na lang ako? Babae ako? A real woman tapos sa lalaki ka lang mapupunta? Talaga namang ang unfair ng mundo anuh?" Napatawa ako ng pagak sa kanyang sinabi .

"Hindi unfair ang mundo sadyang dito lang tayo napunta, hindi hadlang kung sino ka at kung anung kasarian mo saka makakahanap ka rin naman Pero hindi ngayon Malay mo pagdating ng Tamang panahon baka hindi pa sayo nakalaan ang taong gusto mo, gusto kita Pero hindi bilang kabiyak kundi kaibigan, mabait ka at saka may pag asa ka pa please alam kung may puwang pa jan sa puso mo please" napailing Ito at pinunasan ang kanyang luha.

"H-hindi hindi ako papayag wala ng natitirang bait sakin magmula pa noon Bata pa ako kaya hindi ko gagawin kung Anu mang pakiusap mo, ngayon lang ako nagmahal pero bakit ganun? Bakit ganun hindi naman ako Mahal ng taong iyon at ikaw iyon? Bakit? Bakit huh? Bakit di mo ko kayang mahalin?"

Napatahimik ako sa kanyang sinabi.

Narinig kung bumukas ang pintuan at umalis na Ito Alam kung masakit para sa kanya iyon at ramdam ko iyon.
Pero hindi naman natuturuan ang puso hindi ba? Kase kusa itong titibok sa kung sino ang gusto niya hindi sagabal ang kasarian para sa pag ibig kundi ang mahalaga nag mamahalan kayo, at Yun kami ngayon Ni Mr.W kusang tumibok ang aking puso para sa kanya at ito Yung matagal kong hiling at hinintay na dumating sa may kapal at ibinigay na niya ito sa akin wala akong pakialam kung parehas man kaming lalaki, wala naman imposible sa pag ibig di ba?

Ang kailangan ko na lang gawin ay mag isip kung paano na makakatakas rito.







Mr.W pov

Andito kami ngayon sa hospital kung saan dinala Sina Micu dahil sa aksidenteng naganap sa HeadQuarters.

"Mr.W I'm sorry dahil napabayaan namin ang nangyari sa HQ hindi namin alam na mapapasok kami ng mga kalaban at makukuha Nila ang mga importanteng nakatago roon" paumanhin Nila sakin.

"Naintindihan ko iyon, hindi na mahalaga ang nangyari at ang importante ngayon buhay kayo Kaya magpagaling kayo dahil gaganti Tayo babawiin ko kung Anu man ang kinuha nila sa atin" napatango silang lahat dahil sa aking sinabi.

Matapos ang aming usapan ay umuwi na ako at si Axcel na lang muna ang nagbantay sa mga iyon dahil may mahalaga pa akong gagawin.

"Hindi ako mapapakali rito hanggat na sa kamay Nila si Shino" diin kong Sabi kaya

Kailangan kung maligtas Siya sa lalong madaling panahon.

Pumunta ako sa aking opisina at may hinanap roon ng mahanap ko agad ko itong kinonect sa aking cellphone.

"Sana gumana ka" Sabi ko rito.

"Yes!" Nasabi ko ng gumana nga hinanap ko na agad ang lokasyon ng aking fiance.
Mabuti na lang at hindi niya Ito natanggal Ito lang ang tanging paraan upang mahanap Siya.

Sinend ko na sa mga ka trabaho ko ang lokasyon nito dahil hindi ko kakayanin kapag mag isa ako kailangan ko ng back up at sila ang naisip ko dahil Alam kung matutulungan Nila ako.

Nagbihis na ako at inihanda ang aking gagamitin para sa pakikipaglaban sa gagong Kholyan na Yun humanda Siya.





Kholyan pov

"Anu ba talagang balak mo sa Mr.W na Yun? At sa fiance niya" Sabi ng magaling kung patner.

Tumingin ako sa kanya at tumawa ng tumawa.

"Papahirapan ko at papatayin siya at pagkatapos nun kukunin ko ang kanyang fiance at ako ang magiging kabiyak niya"

"Hindi ka ba natatakot?"

"Bat Naman ako matatakot?"

"Look Kholyan, hindi basta basta magpapatalo yang si Mr.W at isipin mo mas lalo siyang gaganahang patayin ka dahil kinuha Mo SA kanya ang fiance niya?" Napatingin ako ulit sa kanya.

"And? Wala akong pakialam , saka nasa akin siya wala ng magagawa yung Mr.W na yun"

"Meron ninong!" Sabi Ni Diane sakin.

Nagtaka ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi.

"Anung ibig mong sabihin Diane?"

"Meron ninong hindi mo ba na halata?"

"Ang alin?"

"Na buntis si Shino hindi Mo ba napansin na ang laki ng tiyan niya? At kahit anung gawin mo si Mr.W pa rin ang pipiliin niya at SA tingin Mo hindi na kumikilos ngayon si Mr.W para kunin ngayon si Shino?"

"A-anu!? No! Hindi ako papayag!? Imposible Ito imposible!?"

"Aminin mo man o hindi ninong si Mr.W parin ang panalo rito" nagwala ako dahil sa sinabi ng aking inaanak bakit hindi ko Yun napansin?

Argghh!! Hindi pa rin ako papayag kung gusto ko may paraan at wala akong pakialam kung buntis man ito ang mahalaga ay na sa akin Siya gagawa ako ng paraan upang mapasakin Siya at ang tanging gagawin ko ay ang patayin ang anak nito gagawin Ko! Hahaha !!

"Ninong saan kayo pupunta!" Nilingon ko Ito at ngumiti sa aking inaanak.

"Eh Anu pa ba? Eh kay Shino may gagawin lang ako upang wala ng balikan ang gagong iyon!?"

"What do you mean ninong!? Papatayin mo ang Bata? Papatayin mo ba ang pinagbubuntis niya!?"

"Oo! At kapag nangyari na Yun ako na ang may karapatang mang angkin SA kanya at ako ang magbibigay ng anak sa kanya hindi sa lalaking iyon!"

"Ninong bumalik ka rito! Ninong!" Pero di Ko na Ito pinakinggan pa at pumunta sa kwarto Ni Shino.
























TBC...

Haysst nakaupdate ulit

Please vote comment and share and pafollow na rin .
Salamat!!!

Love Me Harder My Mafia Boss (ManxBoy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon