Chapter 4: Saving the sibling of a Gangster
Shemey hindi man lang ako hinintay ni Jane huhuhu San na ba ko?
"Yeah Any accept it. Your really bad at the direction" Napapa pout na lamang ako habang kinakausap ang sarili.
"Nasan na ba yung room 13/A na yun? Bakit kasi sa kabilang building pa tapos wala man lang clue kung pang ilang floor"
Konte na lang talaga mag di ditch na ko sa class ko.
Dahan dahan na kong nag lalakad hudyat ng pag suko ko sa pag hanap ng susunod na klase ko. Nang may mahagip na pamilyar na tao ang mga mata ko.
"Si Mr. Nega ba yun? " Kinakabahang lumapit ako sa mga ito.
"One wrong move and your dead" Malamig na sabi nito sa lalaking puro dugo at puno ng bugbug ang katawan.
Nanlalaki ang mata na napa hawak na lamang ako sa bibig ko.
"Now. Speak. Before. I. Lost. My. Mercy."
Nanginginig ang mga kamay na pinag saklop ng lalaki ang mga palad saka patuloy na yumuyuko.
"H-hindi ko a—aaagggghhh" Isang malakas na sipa ang natanggap ng kawawang lalaki mula sa kasamahan ni Mr. Nega
Akmang hahampasin ito ng baseball bat ng isa pang kasama ni Mr. Nega, nang mabilis na kumilos ang katawan ko para tulungan ang lalaking, kaawa-awa na ang lagay.
Mabilis na sinalag ko ang baseball bat saka ito sinuntok sa tagiliran dahilan para indahin nito ang sakit, kinuha ko itong pag kakataon para kunin ang baseball bat.
"S-sino ka namang pake alamera ka? Alam mo ba ang ginagawa mo? Haysss" Sabi nang lalaking sumipa dito sa lalaking bugbug sarado.
"Ikaw! Alam nyo ba yang ginagawa nyo? Mapapatay nyo ang lalaking to" Inis na sabi ko habang naka turo sa lalaking ni hindi magawang tumayo.
"Ikaw na namang babae ka? Wala kang kinalaman dito kaya umalis ka jan kung ayaw mong pati ikaw ay madamay" walang emosyong sabi ni Mr. Nega.
"Hindi! Nakikita nyo ba ang lagay nya? Napaka nyo, pakawalan nyo sya" mahinahong sabi ko.
"May atraso samin ang lalaking yan. "
"Then talk to him in more nice way. Hindi yung binubugbug nyo"
Nakaka pikon ang mga to. Kala mong matatapang nakitang tatlo sila at isa lang tong binubully nila.
"Lulubayan nyo sya o mag susumbong ako sa dean" Pananakot ko sa kanila. Nginisian lamang ako ni Mr. Nega saka naunang nag lakad palayo. Agad namang sumunod sa kanya ang dalawang lalaking kasama nito.Tinulungan kong tumayo ang lalaking nabubug.
"Dadalhin na kita sa Clinic" Sabi ko sa kanya saka sya inalalayang tumayo.
Umiling iling ito.
"H-hindi ako p-wede dun" Nang hihinang sabinya. Gusto ko mang tanungin kung bakit hindi pwede ngunit nawalan na ito ng malay, sinunod ko na lamang ang sinabi nya.
Wala akong maisip na lugar na pwedeng pagdalhan sa kanya kundi sa dorm.
Mabuti na lamang at walang tao ngayon dahil Nasa kanya kanyang klase pa ang mga ito. Ang katiwala naman ay tulog na dahil tanghaling tapat.
Agad ko syang inihiga sa kama ko saka nag tungo sa maliit na kusina dito sa loob upang kumuha ng laligamgam na tubig at towel.
Nang makabalik ako ay mahimbing na itong natutulog, naaawang pinagmasdan ko ito.
Kawawa naman ang lalaking ito. Pinag tulungan ng walang kalaban laban. Ano kaya ang kailangan ng Mr. Nega na iyon dito? Hayss napaka tapang ngunit hindi naman makapag tapat sa minamahal! Kayabangan!
Isa pa yun si Jane hindi man lang ako inantay, siguro ay nasanay lamang ito na walang iniintindi kundi ang sarili lamang nya.
Nang matapos kong punasan ang lalaki ay nagtungo ako sa balkunahe.
Send message: Mama ganda,
-Hi mom, I miss you
Miss kona ang mama ko. Naiiyak na tumingin ako sa picture ni mama at papa, I miss them. Dalawang araw na akong hindi nakaka tanggap ng minsahe o kahit tawag man lang kay mama o kay papa. Nag aalala na ko, pero siguro busy lang sila sa kanya kanyang trabaho. Mukhang nasa labanan na naman sila.
Pumasok na ko sa loob at nadatnang naroon na si Jane, sinisipat ang lalaking mahimbing parin ang tulog sa kama ko.
"ANONG GINAGAWA NG LA hdbdhealabfjfkeksals"
Agad kong tinakpan ang bibig ni Jane napaka ingay mapapagalitan kaming lahat sa ginagawa nya.
"Wag ka namang maingay Jane ano ba? Magigising mo sya."
"Bfhsieosnfkcpwanxnd"
"Ano? "
"Bdjdkfkxksslcnfkvnsns"
"Hindi kita maintindihan Jane" Naiinis na sabi ko.
Bigla ay Kinurot nya ang kamay ko.
"Ayy ehehehe" Natatawang inalis ko ang kamay sa bibig nya.
"Loka kang babae ka pano mo ko maiintindihan kung naka salampak yang kamay mo sa bibig ko" inis na sabi nito saka inayos ang buhok nya.
"Ahaha ikaw kasi ang ingay mo magigising yung tao."
"At yan pa talaga ang inalala mo? " naka taas ang kilay na tanong nito.
"Mas alalahanin mo kapag nahuli tayo na may lalaki sa kwarto! Lagot tayo di lang ikaw ang mapapahamak Bethany. Naisip mo ba yun? " Inis na sabi nya.
"Pano nya maiisip yun eh tanga naman yan" Biglang sabat ni Mia na kaka pasok palang.
Grabe naman kaka pasok pa ngalang nang tatanga na di ba pwedeng nag mamagandang loob lang huhuhuhu.
"Kelangan nya nang maka alis dito bago mag six kakatok ang landlady para pababain tayo at ayusin ang loob. Makikita ang lalaking yan" naka ngiwing sabi ni Jane.
"Oo na gigisingin ko rin maya maya iyan. "
"Teka nga babaeng Tanga! Kilala mo ba yan? " Singit naman ni Mia.
Grabe minsan ko na nga lang sya maka usap, ganyan pa sya."H-hindi" Nahihiyang sabi ko.
"Do you know that your in a trouble?" Nalilitong tumingin ako kay Jane
"That boy" Turo nya sa lalaki
"Kapatid sya ng leader Ng Fox Ring, Anong katangahan ba ang ginawa mo? Bakit ganyan yan? " walang kagatol gatol na sabi ni Mia
"Tinulungan ko lang sya ok? Nakita ko lang syang pinag tutungan ni Mr. Nega at dalawa pa nitong kasama."
"Mr. Nega? Ahahahah sino yun? "
" yung lalaking may gusto sayo" mabilis na sabi ko.
"May gusto sakin? Oh well di naman nakaka gulat yan. Ang dami talagang gagawin ang lahat makuha lang ang attention ko. Ang ganda ganda ko kasi. Right? " Naka ngiting sabi nito.
"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo"
"che! Palibhasa kasi Isa kang tomboy! Walang ka taste taste sa pananamit at hindi ka maganda"
"Mia! Hindi ko kelangang mag paganda kasi maganda na ko, hindi ko kelangang pumorma kasi baka ikamatay na ng mga lalaking makakakita sakin" malamig na sabi ni Jane
My Ghad kelan ba mag kakasundo ang dalawang to? Panay pa ang pagandahan nila pareho naman silang maganda in a different way...
Nasa ganoon silang pagtatalo nang magising ang lalaki.
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...