Chapter 8: Make Friends with Mia
Pag daw mahal mo yung tao gagawin mo lahat para lang mapasayo yung taong mahal mo. Ipag lalaban mo kahit anong mangyare. But I think magagawa mo lang yun kung pareho kayo ng nararamdaman, kung Mahal nyo ang isat isa. Kaya naman dapat alam mo kung hanggang saan ka lang pwedeng lumaban. what if mahal mo sya pero iba mahal nya? Lalaban ka parin ba? Yun ang unang itanong mo sa sarili mo kung may ipag lalaban kang tao.
Yung handa kang makipag patayan para sa kanya pero sya handang mamatay para sa iba.
Alam mo kung bakit ko nasabi to? Kasi heto na naman po si Mr. Nega, Naka tunghay kay Mia at Calvin. Naawa ako sa kanya kasi hindi nya magawang mag tapat kay Mia.
"Alam mo kung yelo lang yan si Mia at araw ka tunaw na yan kaka titig mo, Tapos Ang lagkit pa ng tingin mo. Puntahan mo na kaya"
"Ikaw na naman babaeng kabute" poker face na sabi nito.
"Hayss ikaw naman kasi bakit hindi mo subukan"
"Hindi nya ako gusto, at hinding hindi sya mag kakagusto sakin" napapailing na lamang ako.
Aha! Bwahahahaha let see
"CALVIN! MIA! " sigaw ko saka kumaway sa gawi nila,
"Hoy! Ano bang ginagawa mo? Tumahimik ka nga makikita nila tayo" hindi ko sya pinansin.
Muli kong tinawag ang dalawa "MIA! CALVIN YUUUHHOOOO" halos dambahan na ako ni Mr. Nega. Pero wala na syang magagawa dahil naagaw kona ang attention ng dalawa.
"Tara dun" Sabi ko saka hinila si Mr. Nega
"Hayss pahamak ka talaga kahit kelan"
Nagwackie lang ako saka tumawa. Bahala sya jan ahahaha.
"Uyy Bethany! And Kien? Ahaha mag ka kilala kayo? " tanong ni Mia nang maka lapit kami. Saka naupo
"Oo naman ahahaha pwede bang maki Table"
"May magagawa pa ba kami eh naka upo kana nga eh" Mataray na sabi ni Mia. Ang mood swing naman.
"love! Watch your mouth " May tono ng pag babantang sabi ni Calvin.
Nay? love call sign nila? Nakaw sabi ko nga maling pumunta kami dito ni Mr. Nega maririnig nya ang lambingan ng dalawa.
Sakit sa ears nun, parang tino torture yung puso mo sa sakit. Tanga mo self di mo muna inisip ang mararamdaman nitong taong nega na to. Nega pa naman to.
"Ahm so love where are we? " Malambing na sabi ni Mia saka mas lalong lumapit kay Calvin.
"Dito sa cafeteria" bulong ko naman. Nakita kong inismiran ako ni Mia.
"Na sasali ka sa cheering squad"
"Ahh yes Love. So payag kaba? "
"Ahh Sasali ka? It's nice to here that Mia" masayang sabi ni Kien. Ano kayang nasa isip ng taong to ngayon? I Wonder
Tumingin sya sakin. "Diba Babaeng kabute? "
"Luh? Sinong babaeng kabute? " Naka taas ang isang kilay na tanong ko. Aba! Tong taong to sya na ngang ginagawan mo nang favor kung ano ano pang tatawagin sakin.
"Ikaw sino pa ba? " nang uuyam na turan nya.
"Purket maliit ako ganun"
" pwede rin. Pero dahil bigla bigla kana lang nasulpot sa tabi ko" sarcastic na sabi nya.
"Wow! You look good together " Papuri naman ni Calvin na sabay na ikina singhal namin sa kanya.
"No way/never in his dream" Nag katinginan pa kami saka nag palakihan ng mata.
Kala nya aatrasan ko sya! Hah! Sundalo ata ang daddy ko walang inaatrasan kaya dapat ako din.
Mas nilakihan ko ang mata ko, kasama na ang butas ng ilong ko. Dapat full force ng mukha ko para expression palang kaatras atras na.
"Hayss para kang ungoy" singhal nya saka humalakhak ng tawa. Naki sabay na rin si Calvin. Sa tawa.
"Papansin" rinig kong bulong ni Mia.
" Unggoy ka jan mas mukha ka namang unggoy sakin. Sa cute kong to" sabi ko saka muling nilakihan ang mata at butas ng ilong ko. Pero imbes na tumigil at matakot ang mga ito. Ay lalo pang tumawa ang dalawang lalaki. Naka hawak pa sa tyan si Calvin habang panay ang hampas ni Kien sa Mesa.
"Tumigil na nga kayo! Para kayong tanga alam nyo ba yun? " galit na turan ni Mia saka umalis.
Sabay na nahinto sa pag tawa ang dalawa.
Saka nag tinginan. Ako naman ay habol ang tingin sa pag lalakad palabas ni Mia.
"Hindi nyo ba hahabulin? " maang na tanong ko. Tiningnan ko si Calvin pero umiling lamang ito. Si Kien naman ay bumalik sa dating poker face ang mukha.
"Seryoso kayo jan? " Medyo inis nang boses na tanong ko. What the f? Like hello parang ako ata ang boyfriend ni Mia at nag kaka gusto sa kanya. Eh tong dalawang to parang walang balak sundan si Mia.
"tol!. Sundan mo na" Usal ni Calvin.
"Ikaw ang boyfriend tol kaya ikaw ang sumunod sa kanya" Sabi ni Mr. Nega.
Ang hina talaga nang isang to, pag kakataon nya na to para sabihin kay Mia ang nararamdaman nya.
"Cge na tol! Isa pa may pupuntahan pa kami nitong babaeng kabute na to" Sabi ni kien saka ako tinuro.
Tinaasan kong muli sya ng kilay. Aba! Nasasanay na sa kabute eh may pangalan naman ako.
"It's Bethany pwede ba? "
"Kung ganun ay ako na ang susunod. Sige maiwan kona kayo. Bye Bethany. Take Care ok? " i just nood. He pat my head before he followed Mia.
Nang dikona matanaw si Calvin ay agad kong binatukan si Mr. Nega.
"ARAY NAMAN! BAKIT NA NAMAN? " Sigaw nito.
Tumayo ako saka namewang. "Anong bakit na naman? Chance mona sana yun para maka usap si Mia. Pinalagpas mo pa! "
"Look gagawa ako ng sarili kong moves, wag mo kong diktahan pwede ba? " he said. Tumayo ito, pero bago umalis ay sinipa nito ang chair na inupuan ni Calvin kanina.
Saka umalis. Sya na ngang ginagawan ng favor sya pa tong galit. Chaka gagawa ng moves bakit kelan paba sya nagka gusto may Mia? Eh aba eh wala paring Yung move nyang tinatawag. Tapos minamasama pa tutulong lang namn ako.
Sa inis ko ay nag tungo na lamang ako sa Mall na malapit lang sa paaralan. Cancel pala ang class ngayon Dahil sa biglaan meeting ng mga teacher.
Bibili lang naman ako ng book may bagong release ang inaabangan kong publisher. Pag katapos bumili ng tatlong book. I decided to have a game since may ilang oras pa ko bago umiwi.
Dito na lang din ako kumain para mag lilinis at matutulog na lamang ako pag uwi ko.
"Ayy naku bakit walang nadaan dito? " kakainis kanina pa ko dito halos 20 minutes na kong nag aantay dito pero wala pading nadaan..
Nag pasya na kong umalis para mag tanong. Nakita ko ang guard kaya I asked him na lang.
"Kuya bakit wala pong nadaan na taxi? "
"naku ne wala talagang dadaan dito. Kelangan mo pang lakarin yun" turo nya sa isang medyo madilim na skinita.
"Sa dulo nyan may highway na kung saan pwede kang sumakay. Kung ayaw mo naman kasi medyo madilim na eh mag tricycle kana lamang kaso ay matatagalan kapa dahil kelangan mo pang mag antay. " Paliwanang nito. Tumango na lamang ako, saka nag pasalamat.
Mas gugustuhin ko nang lakarin ang kaka pirasong daan kesa mag antay nang tricycle.
I was passing by nang maka rinig ako nang ingay.
"Please po pakawalan nyo na po ako. "
"Miss ikaw nga ang tanghalian namin ngayon"
Napa kunot ang noong lumapet ako sa may isa pang skinita.
Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ko Ang babae.
"M-MIA"
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...