Chapter 26: Strange Feeling
Kanina pa ko paikot ikot dito, bukod kasi sa hindi ako mapakali sa pag kawala ni Mia, ay hindi parin ako maka get over kay Niel.
"Aarrgghh Dalawang araw na, pero Ang lakas parin ng epekto"
"Anong malakas ang epekto?"
"AYY KALABAW KANG BABAI— ano ba naman Jane ohh wag ka ngang mangugulat" napapahawak sa dibdib na turan ko.
"Bakit? Ano ba yang malakas ang epekto sayo? Or Sino?" may ngiti itong maka hulugan. Itinataas baba pa ang kilay nya.
"Hayss wala yung ice cream yun. Ang lakas ng effect sakin. Nung isang araw pa ko kumain pero heto at natatakam parin ako" Pag sisinungaling ko. Ewan ko ba kung bakit yun ang sinabi ko at ice cream pa talaga! My Ghad Ayos lang kaya ako?
"Sus yun lang pala eh di bumili ka? " Lihim akong napahinga ng malalim ng kahit papano ay naniwala naman sya.
"Kaso lang wala akong gana."
"May balita na ba kay Mia?" tanong ko, Biglang gumuhit ang malungkot na mukha ni Jane, Dahilan para masagot ang tanong ko.
Inantay ko pa ang sagot nya ngunit nanatili lamang itong tahimik.
"Kamusta na ang tuhod mo? Mukhang ok na ok kana ahh? Palakad lakad kana nga eh" pag iiba nya sa usapan at pilit na pinasisigla ang boses.
"Ayos naman na ito pwede na ulit tumalon jan sa balcony" Pag bibiro ko
Isang masamang tingin lang ang natanggap ko mula sa kanya. Itinaas ko ang aking palad hanggang dibdib, pangangahulugang nag bibiro lamang ako.
"Umayos ka nga! Ipapa tangal ko yang balcony oras na tumalon ka ulit jan" Matalim na sabi nito.
"Ahahaha just kidding ano kaba naman ohh! N-nadala na ko ano kaba" hindi na mabiro.
"Hindi ito ang oras para mag biro Bethany. Hays Oh sya hindi kaba papasok?"
"Papasok pero mamaya pa ang classe ko. "
"Kung ganun mauuna na ko? Text mo lang ako kapag sumakit ulit yan ok? Oh sige na" Sabi nya saka umalis Napaupo na lamang ako.
Maya maya pa ay may kumatok sa pinto.
"Pasok" Sigaw ko baka iyong land lady lamang
Ngunit nagulat ako nang hindi ang land lady ang bumungad sa akin.
"A-anong ginagawa mo rito?" muli ay nakaramdam na naman ako ng mabilis na pag tibok ng puso ko.
Sa halip na sagutin ako ay inabot lang nito ang bag na hawak ko. Saka isinukbit sa balikat nya.
Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Ngunit hindi naman ito naka tingin sakin. Akmang mag sasalita ako ng bigla nya na lang hawakam ang aking kamay saka hinila palabas.
"N-Niel ano bang ginagawa m-mo?" Pilit kong inaagaw ang kamay kong hawak nya.
"Grace" Napasinghap na lamang ako ng tawagin nya ang second name ko. Bakit ba kaso iyon ang tawag nya sakin? At bakit din ba everytime na tatawagin nya ang second name ko, parang nag kakabuhol buhol ang tyan ko.
"Ang K-kamay mo" Sheteeee naman ohh bakit ako nabubulol. Kanina pa to ahh
"don't Worry. Ihahatid lang kita." malamig na turan nya. Wala na kong nagawa kaya sumunod na lamang ako. Habang nag lalakad ay di ko maiwasang mailang sa kamay naming magkahawak.
Kaya naka tungo na lamang ako, Hindi ko rin kasi gusto ang tingin nilang mapang husga.
"ouch" Daing ko nang may mabunggo ang ulo ko na matigas na bagay. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at sumalubong sakin ang mukha ng dalawang tao.
Ang blankong mukha ni Niel at nag tatakang mukha ni Kien. Nauntog pala ako sa dibdib ni Niel.
Dahan dahang napa kunot ang noo ni kien at nag sasalubong ang kilay, tapos ay titingin sa akin at sa kamay namin ni Niel.
Gustohin ko mang mag salita ay hindi ko magawa. Walang lumalabas sa bibig ko at hindi ko rin alam kung anong dapat sabihin.
Saglit pa syang tumitig sa akin saka dumaan sa pagitan nang mag kahawak naming mga kamay, Pilit na pinag hiwalay saka nag tuloy tuloy sa pag lalakad.
Akmang kukunin muli ni Niel ang kamay ko kaya mabilis ko itong itinago.
"S-salamat. " yun lang ang nasabi ko bago ko kunin ang bag ko. Narito na kami sa tapat ng Classroom namin.
Tahimik na naupo ako. Ramdam ko ang tingin nila,
Haysss ano ba naman tooo!!! Hindi ko alam kung napapano na ba ko. Bakit ganto ang naging reaction ko. Nakaka inis. Ano bang nangyayare sakin.
" Uyy Bethany kayo ba ni Niel?" tanong ni Janiel. Isa sa mga ka klase at katabi ko. Sya rin ang Secretary sa Klase
"H-ha?"
"Hmm kung kayo na ba ni Niel?" Pag ulit nya.
"H-hindi no" Sabi ko saka nag panggap na busy sa pag babasa.
"Grabe no? Ang talino mo talaga " natatawang turan nya .
Nag tatakang tumingin ako sa kanya "Bakit?"
"Eh kasi kaya mong mag basa kahit naka baliktad na yang libro mo" Naka ngiting sabi nya. Saka umiiling iling na umayos ng upo.
Dahil na rin sa pag dating ng teacher kasabay nun si Kien.
Napapahiyang itinago ko naman ang libro.
"Sana may naintindihan ka sa binasa mo" impit na sabi nya.
"Haysss" tanging nasabi ko na lang.
"Nga pala Bethany since wala ka nung last three days, may activity tayo sa Chem at dahil wala din ako nun. Tayo ang partner, punta ka sa Unit namin ahh" sabi nya ng pabulong.
"Nga pala kanina kapa tinitingnan ni kien " Ewan ko ba pero nasanay na lang ako sa kadaldalan nyan ni Janiel, Nung una medyo nakaka distract pero habang tumatagal ay nakaka tuwa rin naman lalo pa pag wala nang guro.
"MISS LEE" Tawag sa kanya ng guro.
"Sir?" Kaagad na tumayo sya. "Bakit po?"
"Nag sasalita ako hindi ba? Bakit para kang bubuyog jan! Bulong ng bulong"
"Sorry Sir" saka naupo.
Kapwa kami nag katingin saka sabay na natawa sa isat isa. Ngayon pareho na kami.
"Ingay mo kasi" Natatawang bulong ko.
She just Wink, and Continue Writing on her pad.
Author Note: Sorry kung ngayon lang po ulit ako nakapag updated. Medyo naging busy ako. So yun sana po magustuhan nyo. Nasan na kaya talaga si Mia? Ok lang ba kaya sila? Hayss kahit ako hindi ko alam ahahahaha
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...