Chapter 22: Worried Friends
Sasabihin ko na sana na tinalon ko ang balcony at kaya din ako hindi makapag lakad nang biglang bumukas ang Pinto at iniluwa nito si Mia at Jane na kapwa nag aalala ang mga mukha.
"Thank God! " Kaagad na yumakap sa akin si Mia.
"Akala namin kung napano kana" Turan ni mia nang pakawalan ako sa pagkakayakap.
"Anong sinasabi nyo jan? " Naguguluhang tanong ko.
"Nagising kasi akong wala ka. Hinanap kita sa balcony pero wala ka maging sa Pasilyo o kahit saan sa Dorm wala ka" Kaagad na sagot ni Jane.
"At Hayan ka at nakikipag landian lang pala" Malamig na turan ni Mr. Nega nang makarating na sya.
Naiinis na binalingan ko sya. Kainis talaga ang maruming isip ng taong to.
"Tinawagan nila ako at hinahanap ka sakin" Dugtong ni Kien."Mauna na ko" Singit ni Neil saamin saka nag lakad palayo.
"THANK YOU! " sigaw ko sa kanya. Itinaas lamang nito ang kamay bilang sagot.
"Tch! " Rinig kong turan ni Kien. Dahan dahan akong bumaling sa dalawang babae. Kapwa naka tingin ito sakin ng puno nang pag tataka.
"Sorry na injured kasi ako. Hindi ko maigalaw ang mga Paa ko. Masakit ang legs at Tuhod ko" Mangiyak ngiyak na sabi ko. Pero mapanuring tingin ang natanggap ko mula sa kanila. Napa kunot ang noong Tiningnan ko sila.
"Waaaahhhh" Impit na tili ko nang biglaan akong Buhatin ni Kien. In bridal Style.
Saka walang imik na iniakyat ako sa taas at ipinasok ako sa loob ng silid namin.
Pabagsak nya akong binitiwan sa kama ko.
"Aaarraayy naman! Masakit ahh" Inis na turan ko.
"Nung buhat ka nya at ibinaba ni hindi ka manlang umangal tapos sa akin ay ganyan ang inaakto. Ni hindi man lang mag thank you" Sarcastic na sabi nya.
"Walang Anuman" Turan nito saka biglang lumabas. Na syang pag pasok ng dalawa.
"Anong nangyare ? Bakit ganyan ang mga Legs mo? Saan ba kayo nag tungo ni Neil kanina? " Kaagad na bungad tanong ni Jane.
"Pwede bang bukas na lang? Pagod ako at masakit ang mga Binti ko. Gusto ko lamang itong ipahinga. " Sabi ko saka dahan dahang nahiga at pilit na iginalaw ang mga binti. Saka nag talukbong nang kumot.
Narinig ko naman ang pag buntong hininga nang dalawa.
Kien PoV!
Inis na tinadyakan ko ang boteng naka kalat sa daan nang pauwi na ako galing sa Dorm ng mga babae.
Wala naman palang dapat ipag alala, Dahil nakikipag landian lang naman pala sa Iba!
Sa Haba nang oras sa umaga bakit kelangang gabi pa. Buti sana kung hindi nakaka abala.
Wala talagang maidulot na maganda ang babaeng yan. Simula nang dumating sya sunod sunod na kamalasan na ang nararanasan dito. Pati na rin ako.
"Ang dami daming maaaring Landiin bakit ang Neil pang iyon. Akala ko ba'y nag kakaunawaan na sila ni Jayson? Ano na lamang ang sasabihin nang naka babatang Mendegorin" inis na turan ko saka pinag sisipa ang boteng naka harang.
"That Pandang Mushroom na yun"
Imbes na tumungo sa Boys Dormitory ay nag tungo ako sa malapit na Bar.
"Bakit ba kasi lapitin nang gulo ang babaeng yun? Ang liit liit pero kung ano anong pinapasok na gulo. Alam nyang may nangyayaring kidnapping nagawa pang makipag date. "
Muli akong tumunga nang iniinom ko. "Ano nga bang pakialam ko sa babaeng yun? Ano naman ngayon kung mapahamak sya! Wala akong pake. Mas mabuti yun wala nang kabuting susulpot sa kung saan saan at gagawa nang gulo"
Kaagad kong binayaran ang mga nainom ko saka umalis.
Pasakay na sana ako nang kotse ng may lumapit sakin
"Wow! Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ko? " Iritang tanong ko kay Neil.
" They Get Suzanne" Malamyang sabi nya.
"Suzanne who? " Takang tanong ko.
Nag tsk lamang ito saka umalis na. Bagay talaga sila nang Pandang kabuting iyon. Bigla biglang susulpot sa kung saan. Pero sino ba yung tinutukoy nya?
Sumasakit na ang ulo ko, siguro ay dahil ito sa alak at sa sapilitang pag gising ko. Pahamak talaga ang babaeng yun.
May pasok pa bukas kaya kelangan ko nang maka uwi. Muli kong sinulyapan ang Relo. Alas 4 na nang madaling araw. May tatlong oras na lamang ako para matulog.
*/*/*/*
Naidilat ko na lamang ang aking mata nang sinagan iyo nang araw.
"Oh Fvck! Anong oras na" kaagad akong bumangon. Saka kinuha ang towel at nag tungo sa banyo. Kahit Gangster ako at co owner ang family ko sa school na to ay gusto ko paring mag aral nang mabuti at ipakita kay Mommy na kaya kong umangat.
Kaya hindi ako lumiliban sa klase kahit na ang pagka late ay hindi ko parin nagagawa.
Malulutong na mura ang aking pinakakawalan habang naliligo. Ang Halos isang oras na ligo ko ay naging limang minuto na lang. Kaagad akong nag bihis at umalis nang walang kain kain at suklay.
I don't even care kung ano pang itsura ko. Nadaanan ko muling may mga pulis na naman sa paligid.
Bakit nariritong muli ang mga ito? May bago na naman bang namatay o kaya ay nawawala?
Makiki singit na sana ako nang mahagip ng paningin ko si Calvin.
"Hey tol! Anong meron? " Tanong ko nang maka lapit.
Nakipag fist bump muna ito bago sumangot. "Nawawala sa Suzanne" nag aalalang sagot nya.
"Tol malapit na ang Final game natin. At nauubusan na ng member ang cheering squad. " napapa kunot nuong inaalala ko kung saan ko nga ba narinig ang Suzanne na iyon. Para kasing may bumangit nito sa akin bukod kay Calvin.
"Marami pang maaring ipalit jan. Tyak akong mahahanap rin ang mga iyon"
"Anong ipalit? Ngayon rin ang huling laban nila. At Alam mo namang Hindi pa natatalo ang Cheering Squad natin simula pa lamang. Noon" Nag aalalang tugun nya.
Hayss.."Then hanapin na natin sila"
"Hindi ganun kadale tol, Oo nga pala nakita mo ba sina Bethany " Tanong nya dahilan para mawala ako sa mood. Narinig ko na naman ang ngalan ng babaeng yun.
"Saan ka pupunta? " Tanong nya nang birahan ko nang alis ang tanong nya.
"Malelate na tayo mag madali kana" Palusot ko.
"pero kailagan natin silang ihatid sa kanya kanyang room. " sabi nya saka sumabay sa Pag lalakad ko.
"KAYA NA SILA NI BET—" tany... Tsk! Kita mo yun layasan ba daw ako? Inis na nag lakad na lamang akong muli.
"Tol! Si Bethany "
"Wala akong pake sa kanya" Sabi ko saka nag tuloy na sa Classroom . Naupo at nag salampak ng earphone. Nakita ko pa ang pagkairita nya. Saka umiiling na umalis.
Kung ano na namang pinasok nyang gulo o ginawa nyang gulo, labas nako dun.
Author Note: So yun Good Morning guysu as what I said pinag iisipan kong baguhin ang title nito, but so far wala parin akong maisip ahahaha hmmm Need ko rin po pala ng name sino pong willing mag pahiram??? Thanks youuu in advance
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...