Chapter 15: A Day With Him part 1
Ang aga agang mang bulabog ng lalaking to. Halos kaka tulog ko palang pero heto at walang tigil kaka poked sakin ang lalaking to.
"Isa pang Sundot mo sa pisnge ko lilipad ka jan" Inis na sabi ko. Ano ba kasing ginagawa nya dito? Hindi nya ba alam na masamang nang gigising ng tulog. Lalo pa sa taong kaka tulog tulog palang.
"Tumayo kana Jan. At maligo"
Tinalikuran ko sya at isinubsob ang mukha sa unan.
"Tumayo kana kasi jan babaeng kabute"
Aarrgghh Inis na bumangon ako paupo.
"ANO BA? HINDI KABA MARUNONG MAKIRAMDAM? INAANTOK PA KO WALANG PASOK NGAYON KAYA WAG MO KONG BWISITIN" sigaw ko sa mukha nya saka muling huminga at itinakip sa mukha ang unan.
"May pupuntahan tayo remember? "
"Bakit pumayag ba ko? Chaka san ba kasi tayo pupunta at bakit ganto pa kaaga? " Unti unting tinanggal ko ang pag kakatakip ng unan sa mukha ko
"Pfff— sabi ko hmmp na I don't accept No diba pffft"
Sinamaan ko sya ng tingin. Gago to alam namang maaga pa.
"Tsk! Itawa mo na yan! Baka mautot kapa dito. Tatalsik ka palabas Mr. Nega"
"Pffftt—ahahahaha Pandang kabute ahahahaha"
Hayss wala na ata akong magagawa pa sa isang to. Bakit ba kasi kelangang maaga alas sais palang ng umaga for the fate sake gosh. Isa pa pano ba naka pasok tong lalaking to dito sa pag kaka alam ko bawal ang lalaki sa Girls Dormitory .
"BILISAN MO LANG" Pahabol na sigaw nya, nang kunin ko ang towel saka nag tungo sa banyo.
Che! Sya na ngatong nang aabala sya pang may ganang mag pa madale. Kala nya nakalimutan ko na yung ginawa nya sakin sa Hospital. Bwiset na yun. Mauupakan ko na talaga yun kung hindi lang ako nag aalala na baka makarating kanila mommy arrgghhh.
Bala sya jan tatagalan ko pa. Ehehehe, pakanta kanta pa ko habang naliligo nang biglang gumalabog ang pinto ng banyo.
"Hoy! Pandang kabute bilisan mo na half hour kana jan di kapa ba tapos" May irritang sabi nya habang patuloy na kinakatok ang pinto.
Che! Bala sya jan. Basta maliligo pa ko. Ang sarap kaya maligo mag antay sya jan. Buti na lang nailock ko ang pinto,
"Bilisan mo na jan! " huling rinig ko saka nawala ang mga katok sa pinto.
Bwahahahaa Bethany Win ahahaha. Bethany 1 Point—kien 1 point.
"Hmmm hmmm hmmm " pag ha humming ko pa pag labas ng banyo, sya naman ay busangot ang mukha. Nangunot na naman ang Noo nya ng mapansing mag bo blower pa ko.
"Seriously? Mag damit kana lang tapos ay aalis na tayo dalian mo naman" napapa pout na humarap na lamang ako sa kanya.
"Ano ba kasing gagawin natin at pinag mamadale mo ko? " Nakaka iyak naman to ohh sabi ko pa naman, this whole Saturday ay matutulog lang ako at mag babasa pero mukhang sisirain ng taong ito ang araw ko.
Ngumiti ito ng malapad na malapad bago sumagot "Sasamahan mo ko sa lahat ng gagawin at pupuntahan ko ngayong araw"
"Ahh sasamahan la— WHAT? ANONG SASAMAHAN KA JAN? MANIGAS KA. HINDI MO KO SLAVE PWEDE BA? " walang emosyong sabi ko sa kanya saka tinigil ang ginagawa ko.
Pusang gala may balak pang gawin akong alalay mag hapon. Sa cute kong to gagawin lang ako alalay No way! Manigas talaga sya jan.
"Ok fine! I'll treat you today pero kelangan mo muna akong samahan"
I rolled my eyes. "And Why you gonna treat me? "
"Basta mamaya ko na lang sasabihin. Mag bihis kana" Out of Curiosity kung ano ba talagang pupuntahan namin ay nag bihis na lang din ako, I wear blue Blouse,shorts and sneakers. Nag blower sandale saka kinuha ang shoulder bag at nilagay ang phone at Wallet.
Kien PoV!
Hindi ko din alam bakit ko to ginagawa, Hindi ako maka tulog simula pa kagabi. Iniisip kong bakit ko nga ba sya niyaya kahapon na sumama sa akin.
Tiningnan ko sya, mahimbing ang tulog nya habang naka upo sa tabi ko. Balak kong dumalaw sa ampunan ngayon. At hindi ko alam bakit sya pa ang isasama ko ngayon. Maybe because I'm guilty kaya gusto kong bumawe but I dont know in what way.
She's annoying, nakaka inis ang bunganga nya oras na mag salita na. Ang ingay ingay kala mong laging sasabak sa debate. Ang hilig pang maki alam kahit hindi nya gulo, pano na lang kung napahamak sya? Ang liit liit na tao pero daig pa kung sino kung sumuong sa gulo. Buti sana kung sya lang kaso may nadadamay pang iba.
I wake her up ng maka rating kami. She yown and rise her Arms. Kinusot kusot ang mata bago dumilat. "Nasan ba tayo? " she asked innocently. Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman she gestured zipping her mouth. Marunong din naman palang matakot.
Lihim akong napa ngiti. Naka pout na lumabas sya ng kotse. "Wag ka ngang Pout ng Pout jan. Hindi bagay para kang Patong hindi maka Ire"
"Grabe ka naman sakin. Sa cute kong to patong di maka ire! Baka ikaw yun. Isa kang tigreng di maka tae he! Jan kana nga" Mabilis syang nag lakad papasok sa loob ng Charity.
"Hoy! Anong sabi mo. Bumalik ka ritoo" Mabilis ko syang hinabol. Ngunit agad ding napa hinto ng makitang kausap nya ang batang pinaka tahimik sa lahat. Si Jade.
Pinag masdam ko lamang sila. Kinakausap nya si Jade habang tango naman ng tango ang bata maya maya ay tatawa silang pareho. Napapangiting pinag masdan ko sila. Ano kayang pinag uusapan nila?
It's been a while nung huli kong nakitang ngumiti si Jade at makipag usap sa tao. Nabaling ang paningin ko kay Bethany, she's really different.
Napa ngiti ako sa isiping iyon. Hindi na din ako naka tiis at lumapit na rin ako. "How are you Jade" Masayang bati ko ngunit tumigil ito sa pakikipag usap kay Bethany saka tumingin lamang sakin. Balik na naman ang Pagiging poker Face nya.
Nag tatakang tiningnan ko ang bata. Bakit si Bethany kinausap nya tapos ako Hindi...
"Mr. Poada. Good morning mabuti at napadalaw kang muli. Miss na miss kana ng mga bata" Nabaling ang paningin ko kay Sister daisy. Ngumiti ako saka bumati pabalik.
"Good Morning too sister Daisy" saka nagmano. Sumunod naman sa ginawa kong pagmano at pagbati si Bethany.
"Good Morning po sister" Pagbati nya.
"Good Morning Iha! Aba Ikaw Anak Kien kelan kapa nag kagirlfriend. Ang gandang bata" Sabi ni sister Daisy saka hinaplos haplos ang buhok ni Bethany.
"Ah Sister Hindi po ak—" Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Bethany.
"Ahh sister paki kuha na lamang po ang iba pang pagkain at laruang dala namin para sa mga bata.
Kaagad namang tumalima ang Madre.
"Pwe! Ano ba? Bakit mo tinakpan ang bibig ko! Tsk! May saltik ka talaga""Ang ingay mo kasi" walang emosyong sabi ko saka namulsa.
"tinatama ko lang si Sister akala nya ata Gf mo ko. That's a big No!" hindi ko na sya pinansin pa. Nag lakad na akong muli. Nakita ko naman ang tumatakbong mga bata.
"Kuya Patrick!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata. I bend my knee at naupo ng bahagya para salubungin ang mga bata.
Basay sabay na yumakap ang mga ito.
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...