Chapter 1: MY ROOMMATES
"WAAAHHHH NAKAKAPAGOD ANG BYAHE" malakas na sabi ko habang inuunat ang mga baso.
Hmmm sino kaya ang mga roommates ko? Sabi nang landlady eh dalawa daw ang nariritong umuo-kupa at pawang mga babae.
Naupo ako sa gilid nang kama saka nagsimulang ilabas ang mga gamit ko.
Ngayon palang namimiss ko na si mama at papa. *sight* bakit kasi kaligan pang mag dorm ako, pwede namang sa bahay na lang at sa dati kong school... Kahit wala akong kaibigan dun masaya naman ako.
Nang matapos mag ayos ng gamit, pabagsak kong inihiga ang katawan sa kama.
Nang tumagilid ay napansin ko ang isang picture frame kung saan may babaeng blond ang buhok na may kasamang lalaki na payapang natutulog sa balikat nito. Naka ngiti ang babae at ramdam mo ang saya sa ngiti nya.
Dahil dakilang chismosa ako ay lumapit ako para tingnan to.
"Waaahhh ang pogi naman this boy" Wala sa sariling sabi ko.
Ang nasasadlakan ng mesang to ay puno nang kulay yellow na gamit. Kahit ang kama ay yello samantalang Pink naman ang kulay nang sa kabilang kama at mga gamit. Mukhang dito ko malalaman kung kanino ang mga gamit
Hihihih
Napansin ko ang mga librong naka patong sa mesa ng kulay pink na mga gamit.
Mahilig ako sa libro kaya naman agad ko itong tinungo.
"WAAAHHH HARRY POTTER??? Ooohhh Mmmm Gggg!!!!! I LOVE THIS MOVIE" maingat na binuksan ko ang libro.
This would be my dream come true... Haysss I hope maging kaibigan ko ang may ari nito. So that I can barrow this bookSa pagbuklat ko ay may nakita akong Larawan.
Isang larawan ng lalaki. Matamis ang ngiti at naka peace sign pa... Ay shala ka shemeeey ang cutiieee naman.
"Ang pogi na—
"WHO THE HELL ARE YOU? BAKIT MO PINAKIKIALAMAN ANG GAMIT KO? "
pasigaw na sabi nito, nakakatakot naman sya pagkausap ko sa sarili ko. Sa pag kataranta ko ay nabitawan ko ang libro pati na rin ang larawan.
"Sinong nag bigay sayo ng authority para makialam sa gamit ko? "
"I was just... Uhmmm anoo kasi tinitingnan ko lang"
"Ng walang paalam" Malamig na sabi nito. Saka dinampot ang libro at picture.
"YOU BITCH! " sigaw nang babaeng kakapasok pa lang at isinalampak ang pag sara ng pinto.
"YOU BROKE MY HEELS. YOU SABOTAGE MEEEE!!!!" sigaw nito habang dinuturo ang babaeng may ari ng libro.
"The hell I care to you Mia! Wala! akong! alam! sa binibintang mo!." padiin na sabi nito
"Yan! Jan ka magaling Janalene! Sa pag kakaila at pag papa innocente. But not me! Not to me."
"Pwede ba Mia? Tumigil kana. Where's your evidence?? Wala diba? Kaya wag mo kong akusahan. Kasalanan ko bang tatanga tanga ka? Kasalanan ko bang marupok pala yang heels na yan tulad ng may-ari!!. Malay mo nag mana sayo yan" Sarcastic na sabi ni Janalene??
Uh-oh What should I do?
"Oh really? If I know gumagante ka parin hanggang ngayon. Dahil hindi ikaw ang pinili nya! Oh well nanalo ka man ngayon. Panalo parin ako sa kanya! "
Sabi nito at muling umalis. Nahiga naman ang babaeng tinawag na Janalene na Mia.
Maya maya ay pumikit.
"Here " Sabi nya sabay bato ng librong hawak nya. Mabuti na lamang at nasambot ko ito.
"Balik mo na lang pag tapos munang basahin"
Tahimik na napa upo na lamang ako sa kama.
Yun na yun? Ano ba yan kakarating ko lang away agad ang nasilayan ko. Haysss
"Ahh nga pala ikaw ang bagong roommates namin?"
"Ahh oo"
"Kumain kana ba? Gusto mo bang sumabay sakin? Kakain ako sa cafeteria "
"Tamang tama na gugutom na ko" Masiglang sabi ko saka tumayo. Hindi ko din alam ang pasikot sikot dito kaya mabuti nang sumama sa may alam.
"By the way call me Jane. And you are? "
"Bethany" Naka ngiting inabot ko ang kamay ko. Kaya lang ay tinitigan lamang nya ito. Napapangiwing ibinaba ko ang kamay ko. Shemey napahiya ako dun ah.
Nag tungo kami sa Cafeteria tulad nga ng sabi nya. Nakakailang lang dahil panay ang tingin ng lahat sa gawi namin. Sikat ba tong si Jane? Sana naman hindi dahil ayokong magkaroon ng kahit na anong attention dito sa Campus... Gusto ko pa namang maging kaibigan to si Jane.
"CR lang ako Bethany. Wait me here at wag kang gagawa ng gulo kuha mo? Wag kang aalis ng wala ako" Nanlalaki ang matang napa tango tango na lamang ako.
Grabe naman mag bilin to si Jane aakalain mong may mangyayaring gul—
Napatigil ako sa pag iisip nang may kumalabog sa bandang pinto.
"Nasan Si Janalene Montelvan? " Maangas na tanong nang babae. Kaya naman tumingin sakin ang mga nasa Cafeteria.
Te-teka? Bakit sakin?
"Ikaw nasan si Janalene? " Tanong nito saka dinakma ang damit ko.
Hinanap ng mga mata ko si Janalene at nakita ko ito sa may madilim na parte ng cafeteria. Umiling iling ito. Waring nag sasabing wag kong sasabihin. Naipag lapat ko na lamang ang labi ko. Muling tumingin sa babae
"H-hindi ko alam" Napapalunok na sabi ko.
"Hindi mo alam?"
Muli akong umiling.
"Katabi nya kanina si Jane" Sabi nang babaeng pinaka malapit samin.
"O-oo nga pero kita nyo nang umalis na Diba"
Tinarayan pa muna ako nito bago ako pakawalan.
"Sabihin mo kay Janalene. Sa oras na kantiin nyang muli si Mia, Hindi na kami magiging mabait pa sa kanya" Bulong nito saka umalis.
Natatawang lumapit sakin si Jane.
"Ayos ka lang? " tanong nya. Kinuha nya ang baso kong may lamang juice saka humarap sa babaeng nag salita sa gilid namin.Nanlalaki ang matang napa singhap na lamang ako.
"Para yan sa panglalaglag mo sakin kanina" Walang emosyong sabi ni Jane saka hinila ako palayo.
I wonder kung anong nangyare kay Mia at Jane... Buti kahit na mag ka roommates sila ay di sa nag papatayan.
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...