Chapter 6: Kiss
Kala ko di na uso yung pa love letter, love letter ngayon, but Mr. Nega prove na may mga lalaki parin ang tradisyonal na panliligaw.
"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo jan? "
"Ayy Jane naman eh! Wala natutuwa lang ako ehehe"
"Halata nga pangiti ngiti ka pa jan, tapos kanina kapa tinatawag sub na daw pero ayan ka at naka tulala padin"
"Ahahaha oo na ito"
"Che!" natatawang turan nya tumingin naman ako sa field kung saan nag lalaro ng baseball
Hayss Wala naman akong hilig jan sa baseball na yan. Pano na ko nito? Hindi ko pa yan nasusubukan.
"Bethany ano ba? Kunin mo na na ang gloves" inis na sabi sakin ng ka klase kong babae.
"Ha? A-ahh oo ehehe" huhuhu ano ba yan, Anong gagawin ko sa gloves na to?
Tumingin pa ko kay Jane para humingi ng tulong pero dalawang thumbs up lang ang binigay nya.
Im doom...
Nanginginig na sinuot ko ang gloves saan ba to? Kaliwa o kanan??? Hala ka balaha na
"Bethany ano ba? Catcher ka kaya pumuwesto kana sa pwesto mo" Muling sigaw nang babae na sa tingin ko ay tumatayong leader namin.
Pumuwesto na ko sa tinuro nya.
"A-ano bang gagawin ko? " Nag aalangang sabi ko.
"Tanga! Nakikinig kaba sa teacher kanina? Ha! Tsk! " Napapayukong nag iwas na lamang ako ng tingin. Grabe naman pwede naman kasing ituro sakin di yung sermon pa sya ng sermon. *pout*
"S-sandale lang pwede bang hindi muna ko? Masakit kasi ang kamay ko" Pag dadahilan ko.
"tsk! Tanga talaga. hoy! ikaw Ashley palitan mo nga to. Walang silbi eh"
Ouch naman nakaka hurt ka naman leader. Mangiyak ngiyak na nag lakad ako patungong bench.
"Walangjuu naman kasi pwede namang i explain kong pano maging catcher. Teka nga kasi catcher nga diba? Malamang taga sambot. Taga sambot naman ng ano? "
"Nang bola"
"Aaayy kabayong palaka" napapahawak sa dibdib na sabi ko. Walangya naman tong lalaking to lagi na lang nasulpot kung saan saan.
"Ang catcher ay taga sambot nang bola! " Naka ngiting sabi nito.
"Kleint ikaw pala"
"Hindi ka marunong mag laro? "
Napapangiwing tinaasan ko sya ng kilay. Malamang aalis ba ko dun kung marunong naman pala ako!
"Ahahaha madale lang ang catcher. Nakikita mo yun? " turo nya sa lalaking may hawak na bola
"yan ang tinatawag na Pitcher. Ihahagis nya ang bola patungo dun" Turo nya naman sa lalaking may hawak na bat
"pag hindi natira o natamaan ng batter nang bat ang bola, kelangan mo yung masalo,tatawaging yung strike. Dun ka naman sa likod pu pwesto ahahaha. Bakit dun ka sa gilid pumuwesto? Ahahahah " tawanan ba naman ako?
"Sana all masaya" Sabi ko na lamang na mas lalo namang ikinatawa.
Tiningnan ko kung saan naka tingin si Kleint at naka ngiti itong naka tingin kay Jane.
Hayss pag ibig nga naman. Bakit ba kasi may mga taong nag mamahalan pero hindi pwede sa isat isa?
"Gusto mo sya! " naka ngiting sabi ko
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...