Chapter 24: Indenial
Nagising ako sa ingay sa paligid ko. Nang imulat ko ang aking mata ay ang mukha ni Jayson ang unang bumungad sa akin. Sa gulat ko ay nasapak ko Sya.
"Aray ko naman Bethany! Bakit mo ko sinapak. Aray ko" Hawak hawak ang matang lumayo ito sakin. Pinag tawanan naman sya ng lahat.
"Waaahhh naku sorry! Ikaw kasi eh nangugulat ka" Kagat ang daliring sabi ko. Kasi naman bakit kelangan nyang ilapit nang ganun ang mukha nya.
"Nag sosorry kaba talaga oh sinisisi mo ako" Naka ngiwing turan nya.
"Both? Kung di kaba naman kasi Praning bakit ka lumapit nang ganun kalapit. Natural lang na ganun ang maging reaction ko"
"pero bakit kelangang sa mata p— Aray! Kuya naman eh dahan dahan" Daing nya nang padiing inilapat ni Neil ang ice bag sa mata ni Jayson.
" Tanga ka kasi" turan nya saka Kinuha ang kamay ni Jayson upang ipahawak ang Ice bag.
Napapailing na lamang ako. Napalingon kaming lahat ng hawiin ni Mr. Nega ang Kurtina na syang pagitan namin.
"Tol? Oh tol? Nandito ka pala! Kaya naman pala hindi ka pumasok. Anong ginagawa mo rito?" Agad na tanong ni Calvin kay Mr. Nega hindi naman ito pinansin ni Kien bagkos ay masama ang tingin nitong nag papalipat lipat sa amin ni Niel.
Problema nito?
"Tol bakit hindi mo sinabing nandito ka pala? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo" Muling tanong ni Calvin.
Ibinato nito ang phone nya kay Calvin mabuti na lang nasambot naman ito kaagad.
"Lowbat" may bahid ng inis na sabi nito. Napa iling - iling na lang si Calvin.
"Total nandito ka narin naman, Sumalo kana samin. Kakain kami dito" Naka ngiting Sabi ni Mia saka inilagay ang pag kain sa Desk na nasa may kanan ko.
Nag kanya kanyang upo naman sila sa may kama ko, Inayos ko ang sarili upang maka upo. Habang ang iba ay naupo sa kama ni Kien.
Palihim ko naman silang pinag mamasdan at pinakikingan.
"Nga pala tol. Anong sakit mo?"
"Head ache" Walang kagatol gatol na sabi ni Kien.
Napansin ko ang pag kunot ng noo ni Calvin at ang pag titig nito ng may pag tataka.
Winalang bahala ko na lamang saka nag tuloy sa pag kain.
" Bethany kelangan mong pumasok bukas. May Long Quiz si Sir Lindon"
"Hay naku alam mo bang Sobrang hirap nang tinuro nya sa amin kanina. Tapos ay may surprise quiz pa, My Ghad anong akala nya naman samin mang huhula"
Reklamo ni Jane, kaagad na sumang ayon si Jayson at Mark.
"Hindi lang kasi talaga kayo nag advance Reading" Turan ni Niel.
"haysss ikaw kasi kuya puro ka libro, Pakasalan mo na kaya yang mga libro mo!" Ibinato pa ni Jayson ang Buto sa kuya nya. Tinamaan ito sa mukha dahilan para muling dumagundong ang halakhak ni Jayson sa loob ng clinic.
"GVG*!" Sigaw ni Niel saka ibinato pabalik ang Buto. Kaso lang ay tumama ito kay Jane. Dahilan para samaan ito ng tingin.
"Aba! Bakit sakin. Tragis kadiri" Binitiwan nya ang kutsara at Tinidor saka kinamay ang kanin at ulam ipinag sama nya ito saka ibinato kay Jayson.
Pffft— Rayot na ahahaha
Kumalat sa buong mukha ni Jayson ang kanin. Nanlilisik ang mga matang Tinanggal nito ang Kanin sa mukha.
Humigop ng hangin saka idinura pabalik kay Jane, Sa kasamaang palad Dumaan si Mia. At napunta ang lahat ng laman ng bibig ni Jayson sa damit ni Mia
" WTH? JAAAAAYYYYYYSSSOOOOOONNN" sigaw ni Mia.
"TUMAKBO KANANG HYP KA PAG NAABUTAN KITA IBIBITIN KITAAAAAAAA" Kaagad namang tumakbo si Jayson. Agad na pinagpagan ni Mia ang damit at hinabol si Jayson.
Hindi ko na nakayanan pang pigilan ang tawa ko nang maka alis ang dalawa. Ganun din naman sina Jane, Mark at Calvin.
Nakita ko naman ang pag ngiwi ni Kien. Samantalang nag pupunas parin ng mukha si Niel.
"Kaloka nakaka diri. Tragis na yun"
"sino ba nag sabing batuhin mo ng isang tumpok na kanin si Jayson" Gagad ni Calvin.
"Aba baliw yang si Niel binato ako ng Buto"
"Si Jayson nauna" Katwiran ni Niel.
Sasagot pa sana si Calvin ng tumayo na si Kien. Agad ding tumayo si Calvin para sundan si Kien.
CALVIN POV!
Kanina pa ko nag tataka kung bakit hindi pumasok si Kien. Ang huling usap namin ay yung niyaya ko syang pumunta sa Clinic.
Wala pa naman sya dun kanina nung umalis kami, And one more thing is hindi yun pupunta ng Clinic dahil lang sa sakit ng ulo. Bugbug at tama nga ng baril hindi mo mapapunta sa hospital or clinic yun pa kayang Sakit lang ng ulo.
"Tol!" Tawag ko nang maka layo layo na kami sa Clinic
"Bakit ka pumunta ng Clinic?" Tanong ko nang lumingon sya.
"Sinagot ko na ang tanong na yan. "
"I don't believe you"
"I don't Care, Wala kana dun" akmang aalis na sya.
"You like her, do you?" Yun lang naman ang nakikita kong dahilan. Hindi naman sya kumibo. Napa ngiti na lamang ako
He likes her, at nag aalala lang sya kay bethany. Kung ganun wala na syang gusto kay Mia.
"You should take a move tol. This time you should. " Pahabol kong sigaw sa kanya.
Kung hindi ay mauunahan na naman sya ng iba.
Pabalik na sana ako nang makita ko sina Mia at Jayson, Patuloy parin sa pag hahabulan.
"Putragis kang lalaki ka! HALIKA DITOOO!"
"HABOL PANDAKKK"
"PANDAK MO MUKHA MO! WAG KANG PAPAHABOL SAKING KUMAG KA"
Mga baliw parehong isip bata. Muli na naman silang nag habulan.
This time ay tumakbo si Mia sa bandang likod ng School.
Nakaramdam ako ng kaba kaya Kaagad ko naman silang sinundan.
Shit! she's a member of the Cheering Squad.
Mabilis na takbo ang ginawa ko.
"MIAAAAAA!"
"MIA NASAN KA??"
"MIAAAA!!!"
Sigaw ko. Muli pa akong nag lakad,
SHIT!
Kaagad kong dinaluhan si Jayson. Wala itong malay.
Puta!nasan si Mia?
"Miaaa!!!"
Sigaw ko.
Pinulsuhan ko si Jayson. Humihinga pa ito.
Tumakbo ako sa abandon Na CR sa gilid nang school.
"M-mia"
Hawak sya ng lalaking naka itim, may takip ang bibig, naka tutok ang baril sa sintido ni Mia.
Naka takip ang kamay nito sa bibig ni Mia.
Hindi magawang mag pumiglas, tahimik na umiiyak
The Fvck! Anong gagawin ko.
Author Note: So yun, mamaya na po ang next Chapter... Mamayang gabi po, Sorry kung ito lang sa ngayon.
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...