CHAPTER 25

27 2 0
                                    

Chapter 25: Danger

"Kien si Mia" humahangos na sigaw ni Calvin.

Agad naman tumayo si Kien.

"Anong nangyare tol?" Tanong nito na nag mamadaling lumabas. Maging si Jane ay sumama palabas gustuhin ko mang sumama at lumabas upang alamin kung anong nangyare ay hindi ko magawa dahil sa tuhod ko.

"Dito ka lang" Malamig na turan ni Niel bago tuluyang umalis.

Naiwan na lamang si Mark. Nasaan si Jayson? Hindi bat magkasama sila kanina ni Mia?

"Mark, Anong nangyayare?"

Bumuntong hininga ito bago sumagot. "Hindi ko din alam pero mas makabubuti sayo kung mag papahinga ka"

"paano ako makakapagpahinga kung alam kong may hindi magandang nangyayare"

"Kaya na nila yun. Hindi mo kelangang alalahanin pa yun "

"Per—

Sasagot pa sana ako nang biglang pumasok si Niel.

"Wag nang matigas ang ulo Grace. Sumunod kana lang"  parang amang turan nito.

"Dumito ka lang at kami nang bahalang mag hanap kay Mia. Mas makakatulong ka kung didito ka lang at makikinig ka"  bumaling ito kay Nurse tricia

"Nurse tricia, Can you watch  her for a while. Until we comeback don't let her go or lost Even at your sight" Mautoridad na turan nito.

Agad namang tumango tango ng mag kakasunod si Nurse tricia

Natahimik na lamang ako. Lumingon pa sa akin si Niel, Waring natatakot na lumisan. Bumuntong hininga ito saka muling nag lakad patungo sakin. Tumigil ito sa tapat ko

At nabigla sa sunod nyang ginawa.

Bigla ay niyakap at hinagkan nya ang aking Noo. Saka dali daling umalis.

Tila naging isang bato naman ang aking katawan. Naguguluhang sinundan sya ng tingin palayo.

Wth did he do?

Did he... Did he just kiss my forehead a while ago.  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari kung bakit. Kung kinakabahan lang ba ko o natakot ba ako sa ginawa nya o dahil sa nagulat lang ako sa ginawa nya.

Hindi maka paniwalamg tanong ko sa sarili ko.

Narinig ko naman ang pag hagikhik ni nurse tricia. Tiningnan ko sya ng pag tataka habang sya naman ay malapad ang ngiti na naka tingin sa akin. She Tap my shoulder saka umalis.

Wth????

Sinong nag bigay sa kanya ng permission to kiss me. Hah! Bumalik ka lang dito at pupulbusin kita.

Inis na nag talukbong na lamang ako ng kumot.

But everytime I close my eyes, I remember how warm his hug and kiss my forehead.

Kaya agad ay muli akong babangon.

"Oh come on Grace it's just a kiss and Hug. A kiss on your for head" pag kumbinsi ko pa sa sarili ko.

"But only dad can do that. And he's not my dad. " kontra ko sa sariling naisip.

"Calm down self. " Then I inhale Exhale.

"that's good. Calm down" Pag papa kalma ko sa sarili at sa puso kong mabilis parin ang pag tibok.

Kien PoV!

"BAKIT MO HINAYAANG MAKUHA NILA SI MIA?" sigaw ko kay Calvin.

"Look! Once I do a single move no doubt he will kill Mia! I have no choice Tol."

Sakay kami ngayon ng kotse ni Calvin. Hinahabol namin ang sasakyang kumuha kay Mia.

"Fvck it" Malutong na mura ko. 

I can't forgive myself if something bad happen to her.

Hindi mawala sa isip ko ang mga possibleng mangyare, o kung ano ang pwede nilang gawin kay Mia. O alin man sa mga babae na kinukuha nila.

don't they dare touch My girl, kung sino ka man. Oras na may hindi magandang mangyare kay Mia ako mismo ang uubos sa inyo.

Huminto ang sasakyan kaya agad ko syang tiningnan."Tol! Bigla silang nawala" 

"Damn it! Hindi pwede" Lumabas ako sa sasakyan saka inalam kung saan maaaring dumaan ang sinusundang Van.

May dalawang daan, at sa bilis ng sinusundan naming Van ay hindi na namin nalaman kung alin sa dalawang daan ang tinahak nila.

Maya maya pay may humintong sasakyan.  Lumabas doon si Niel.

"Nasan sila?" Bungad na tanong nito.

"Masyado silang mabilis hindi na namin nasundan kung aling daan ang tinahak nila. "  Kalmadong sagot ni Calvin.

"Then mag hiwalay tayo. We're going in this way" Sabi nya saka tinuro ang kanang bahagi.  Agad naman kaming sumakay  at tinungo ang kaliwang daan.

"Tingin ko hindi sila dadaan dito" Sabi ni Calvin. Na agad kong sinang-ayunan.  Pasikip na ng pasikip ang daan. Masukal narin patungo rito kaya  malamang ay mahirapan silang pasukin o ipasok ang sasakyan dito.

"Babalik na ba tayo?" Muling tanong ni Calvin

"Tol hindi tayo pwedeng bumalik ng hindi natin nahahanap si Mia"  Naiinis na turan ko.

"Tol pero tingin ko hindi sila gagawi rito. Ipag dasal na lang natin na sana ay naabutan nila Niel."  Sabi nya saka inihinto ang sasakyan.

Kunot noong tumingin ako sa kanya.

"Tol hindi na tayo makaka daan pa jan. Kung gusto mo ay lakarin na lamang natin" Sagot nya.

Tsk!

Inis na bumaba ako. Saka pinag sisipa ang mga batong nakikita ko.

"Hindi pwedeng makuha nila si Mia. Kelangan kong iligtas si Mia"

"Maging ako tol. Pero sa ngayon kelangan natin, mong huminahon. O kaya ay bumalik na muna tayo at mag isip kung pano ililigtas si Mia"

Gustohin ko mang sumalungat pero mukhang wala rin akong pag pipilian. Kung nauna kaming sumunod sa kanila tiyak na hindi na aabutan nila Niel, dahil sa bilis ng pag papa takbo sa sasakyan.

Nang maka balik kami ay agad kong hinahanap sila niel. Wala pa raw ang mga ito sagot ni Jayson.

Siguro ay nag hahanap parin sila.

"Saan ka pupunta?"

"Babalikan ko lang si Bethany, baka hindi pa sya kumakain"

Natahimik akong bigla, dahil sa kakaisip ko kay Mia nakalimutan ko na si Bethany.

"Hindi kaba sasama tol?" Tanong nya. Umiling na lang ako.

"Kelangan kong mag isip kung pano natin mababalik si Mia at ang iba pa"  hindi ko alam pero pakiramdam ko ang laki ng kasalanang nagawa ko kay Bethany to  feel na hindi ko kayang humarap sa kanya ngayon.

Pakiramdam ko kasalanan yung biglaan syang makalimutan.

Napapasabunot na lamang ako sa sarili.

MY Nega BoyfriendWhere stories live. Discover now