Chapter 17: A day with Him part 3
Alas tres na nang maka isip umuwi si Kien. Sulit ang araw ko ngayon at pang i-isturbo nya sakin.
Nasa daan na kami pa uwi ng madaanan namin ang isang pamilyar na food court.
"SANDALEEEEE!!! " sigaw ko. Kaagad naman nyang inihinto ang sasakyan. Pareho pa kaming nauntog sa lakas ng pag kaka tapak nya sa break.
"Ano? May Masakit ba sayo? Masakit ba Tyan mo? Natatae kaba? O baka naman mababanga na tayo? " Nag aalalang tanong nya. Natawa naman ako sa huling sinabi nito. Nega na OA pa ahahaha.
"Hindi. U turn mo ng konte. May nakita akong food Court kain muna tayo please " I blink my eyes many times.
Napapangiwing sumunod naman sya. "Kaka kain lang natin kakain na naman. Ang liit liit mo pero ang lakas mo namang kumain" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Natatakam ako. Don't Worry masarap yun" Naramdaman ko pang nag tubig ang bagang ko. Sheeeteeee Ngayon palang natatakam na ko.
"Charaaannn!!!! " Sabi ko saka pakita ng kwek kwek sa kanya.
Nakataas ang kilay na nag tanong ito "Ano yan? "
"Eh?? Kwek kwek malamang di mo ba nakikita yan? " Inis na tanong ko. Mag tatanong pa kung ano nakita na ngang kwek kwek! "
"Kwek kwek? Ano yun? Chaka malinis ba yan? " Napa hilamos na lang ako sa mukha.
"Kwek kwek lang hindi mo pa alam. Chaka malinis yan ok! Oh try mo" Sabi ko saka tumusok ng Kwek kwek. Hinipan ko muna ito bago ko itinapat sa kanya ang kwek kwek. Nag aalangan naman syang tangapin ang isinusubo ko. Arte Arte eh. Mag papa subo pa.
Pinagmasdan ko naman syang ngumuya.
"SARAP DIBA? " tanong ko nang malunok nya na ito tumango lamang sya.
"Oh ayan sayo na ang akin, bibili na lamang ako ng akin" Sabi ko saka tumayo.
Bumili ako ng kwek kwek at Kikiam pati na rin Kalamares. Those are my favorite. Mukhang marame akong makakain nito ngayon.
Tuwang tuwang bumalik ako sa inuupuan namin ni Kien.
Pag balik ko ay halos nakaka lahati nya na ang kwek kwek. Napa hagikhik ako.
Kien PoV!
I never been this so Happy. Never again simula nung namatay ang nakababata kong kapatid.
"what's that? " Turo ko sa cirle Food with coated.
"Ayy ito? " Tanong nya. Tumusok sya ng isa nun saka sumubo. Tumango naman ako. Di kasi ako makapag salita dahil sumubo akong muli ng kwek kwek. Itlog pala yung kwek kwek na may coated na Flour I think tapos may food color na orange. Masarap naman sya kaya nakaka dalawang balik na bili na ko.
"Ang tawag dito kalamares. " tumusok syang muli nun saka walang sabi sabing isinubo sakin. Muntik pa akong mabilaukan sa ginawa nya.
*Cough Cough*
"Ano ba? May balak ka bang patayin ako" inis na sabi ko pero nginuya parin ang sinubo nya.
"Hindi no! Kung may balak akong patayin ka di sana nung unang kita palang natin diba" Sarcastic na sabi nya.
"Oh heto pa" sinubuan nya akong muli. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Kasi natutuwa ako ngayon. Haha, natutuwa akong sinusibuan nya ako. May konteng tuwa. Konte lang! Basta konte lang.
"How is it? "
"H-ha? "
"Hakdog ka sabi ko kamusta yung lasa" Napangiwing sinamaan ko sya ng tingin. Kababaing tao ang daming alam.
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...