CHAPTER 19

17 1 0
                                    

Chapter 19: New Victim

May usapan kami nila Jane na mag Mo-Mall kaya lang mukhang kelangang i-cancel yun.  Walang pinalalabas na students  ngayon.  Dahil na rin sa nangyare kahapon,  At kani-kanina isang babae na naman ang nawawala samantalang ang nobyo ng babae ay patay na nang matagpuan. 

Ano bang nangyayare? Bakit kelangang may mamatay? Bakit ba sila pumapatay. Kung nandito lang si Daddy baka nahule na kaagad kung sino man ang may kagagawan nito. 

"Sa tingin mo anong ginagawa ng criminal sa mga babae? " tanong ni Jane. 

"Hindi ko alam. Alangan namang binibigyan nila ng Pang shopping  o kaya naman dinadala nila sa isang island  kung saan pwedeng mag pahinga" pamemelosopong sagot ni Mia. 

"Tsk! Seryoso ako Mia pwede ba!"

"Anong gusto mong sabihin ko? Na baka pinapatay din nila yung mga babae?  Na baka ni re rape nila?  Or worst  tinutorture nila! " Medyo na iiyak na sagot ni Mia. 

Kaagad ko naman itong nilapitan.  "Mia, tahan na" Siguro ay may trauma parin sya sa nangyare sa kanya. Lumapit din naman si Jane saka yumakap kay Mia. 

"Sorry Mia. " Pag papatahan nya rin kaY Mia.

"Anong nangyare kay Mia " malamig na turan ng boses na galing sa likuran ko. 

Bumitaw sa pag kaka yakap si Mia.  Kaya naman umayos na kami ng Tayo. 

Si Mr.  Nega lang pala.  Matalim itong naka tingin sakin. Hala sya?  Bakit sakin?  Anong ginawa ko?  Tsk! Kahit kelan talaga ang taong to!

"kien, Wala to." Sumisinghot singhot pang sabi ni Mia.  Saka pinunasan ang luha gamit ang mga palad nya. 

Bumuntong hininga si Kien saka may dinukot sa bulsa. Dahan dahang lumapit kay Mia at pinunasan gamit ang panyo ang luhang nag uunahang tumulo.

Lalong naiyak si Mia  sa ginawa ni Kien. Nayakap na lamang ni Kien si Mia at pinapatahan ito. 

"Tahan na Mia! Malalaman din natin kung sino ang gumagawa nyan.  " pag papakalma nya kay Mia. 

"Pano kung May makuha sya satin? Yung taong importante sakin or worst  pano kung ako yung makuha" Pag he-hysterical na sabi ni Mia. 

"Ssshhh tahan na,  Hindi ko hahayaang mangyare sayo yun.  Hindi ko hahayaang makuha ka nila" Sagot naman ni Kien.  Naka masid lamang kami ni Jane sa Kanila.

Kung para siguro sa ibang makaka kita sa kanila sa ganyang lagay iisiping mag kasintahan ang dalawa. Na sana nga ay mag kasintahan na nga lang para walang nangyaring gamitan at taguan ng feelings.

Naisip ko lang nasaan nga pala si Calvin gayong naririto si Kien maging si Mia?  Hindi ba magagalit si Calvin kung makikita nya sa ganitong lagay ang dalawa?

Aalis na sana ko ng may yumakap sakin mula sa likod.  Sa gulat ko.  Hinawakan ko ang kamay nya, lumiyad ako ng konte at saka sya hinila at ubod lakas na inihagis sa harap ko.  Hindi pa ko nakontento ay pinilipit ko ang kamay nya padapa at ipinatong ang isang tuhod ko.  Dahilan para makuha ko ang attention  ng ilan kasama na sina mia at Kien

"Aaaaahhhh-Rayyy Bethany"  Nanlalaki ang matang binitiwan ko ang pag kaka pilipit sa kamay nya. 

"OH MY GHAD! Im so sorry Jayson. Akala ko kung sino "  patuloy akong huminge ng sorry.  Yumuko pa ko at pinag saklob ang dalawang kamay. 

"Pasensya na talaga" Naman kasi bakit kasi kelangang yakapin nya pa ko. 

"Ayan kasi! " Humahagikhik na sabi ni Jane.  Napansin kong kasama nya rin pala sina Mark at Neil. Na ngayon ay nakikipag titigan kay Kien. 

"Bakit ka kasi yumakap? " hindi ko malaman kung saan ba sya hahawakan.  Bakit kasi nya ko niyakap. 

"Sorry Bethany, Hayaan mo na kasalanan ko rin naman to" Sabi nya saka dahan dahang tumayo.  Inalalayan ko naman sya sa pag tayo nya. 

"Salamat" wika nyang muli. 

Napatahimik na lamang ako, nang mapansing lahat sila ay naka tingin. Gusto kong depensahan ang sarili ko pero alam ko namang nakita nilang dumepensa lang ako.  Chaka yung katawan ko na mismo ang kusang gumalaw.  Instinct  ko na yun. 

I felt sorry for him.  Nag aalalang  tiningnan ko sya. Na sya rin palang naka tingin sa akin. Agad syang gumiti. 

"Let's Take a meal na muna kaya?  Kumain na ba kayo? " Tanong ni Jane.  Kaagad namang sumangayon si Mia at si Jayson.  Sumunod na lamang ako sa pag lalakad patungong cafeteria. 

Jane PoV! 

This isn't Good.  Ang mga nangyayare sa paligid ay hindi kanais-nais.  Maging ako ay napapa isip na. But ang pinag tatakahan ko lang ay bakit kelangang patayin pa ang mga lalaki?  At bakit may punyal sa tabi nito gayong wala naman itong tama?  O kahit saksak. 

It is Clear that lock of air ang kinamatay ng pangalawang biktima.  Nais ko mang tanungin si Calvin tungkol sa palagay nya sa nagyayareng gulo ngayon pero wala naman sya.  Kanina ko pa rin sya inaantay.

Dati rati ay nandirito yun, Lalo pa nga at narito si Mia.  Speaking  of Mia mukhang  matagal pa bago sya maka recover sa pag kaka trauma nya. 

Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyare kay Mia ang lahat ng iyon. Kung sinundan ko lamang sya ng araw na iyon. 

Bilang Best friend  nya.  Hindi mo maaalis saking magalit or mag selos sa tuwing may kasama nang ibang kaibigan ang tinuturing mong isang matalik na kaibigan. 

Umalis syang kasama ang cheering Squad.  Kaya naman nag tataka ako kung bakit napahiwalay si Mia sa mga yun.  Hindi ko parin naman sya natatanonng ukol sa bagay na iyon. 

Isa pang pinag tatakahan ko, Pare parehong Cheering Squad ang mga nawawala.  Kung siguro hindi lang dumating si Bethany  nang araw na iyon malamang na si Mia ang unang nabiktima.

And I can't  forgive  myself if something  really  bad happened to her.  Mia is very important  to me.  Kahit na nga iba na ang tinatahak nyang landas ngayon,  at hindi na ang nauna naming binuong landas.  Gumawa sya ng panibago.

That's  because  of Calvin Kleint Alejo. 

Calvin confess his feelings for me.  And I know, I really know that I feel the same way.  But I need to sacrifice  my own happiness.

Mia asked for my help, At hinding hindi ko sya kelan man tinanggihan.  Kaya nung hilingin nyang bustedin at iwasan ko si Calvin ay ginawa ko. Pero hindi yun naging sapat para kay Mia.  Lumayo sya sakin. At pilit na inilayo si Calvin. 

Naiintindihan ko sya kaya naman sa tuwing mag tataray or mag susungit sya sakin ay Sinusuklian ko na lamang ng kung anong trato nya sakin.  Sa ganong paraan naipapakita kong hindi ako naaapektohan. 

Nasa ganoong pag iisip ako nang biglang dumating si Calvin.

MY Nega BoyfriendWhere stories live. Discover now