Chapter 5: CALVIN KLEINT
Ang ganda naman ni Mia sana ako din hehehe chos lang, maganda din si Jane. Sayang lang at di ko manlang nakita ang mukha nang lalaking yun.
Pero diba may Boyfriend na si Mia? Is that mean na nag che cheat sya dun sa boyfriend nya? But i bet hindi din kasi nga ayaw nung lalaki kay Mia so not.
Eh bakit ko nga ba pinoproblema yun? Aba mas kelangan kong problemahin yung way for my next subject huhuhuhu kanina pa ako palakad lakad dito pero heto at hindi ko padin alam kung saan ang next room ko. Huhuhuhu
"Tanga naman kasi self sino bang nag sabing sumunod ka sa mga yun? Ayan tuloy di mo alam kung nasa— AY BUTIKING BABOY NA MAY KULUGO"
"tsk! Mas gwapo naman ako dun" natatawang sabi nang lalaking kumalabit sakin.
"Sino kaba? " Inis na tanong ko. Pano sinira yung pag e emote ko. Kitang nag eemote yung tao gulatin ba naman ako! Aba malay mo multo na pala yun
waaahhh noooo wayyy erase! erase!
"Sabi mo nawawala ka diba? I can help you" naka ngiting sabi nito saka inilahad ang kamay.
"Anyway call me Kleint and you are Jane's friend right? "
"You know her? "
"Yes! And i saw you with her so you must be her friend... Newbie? "
"Uhm yup! " Ay pogi naman nito! Di naman sinabi agad ni Jane na may tropa pala syang hot na hot mainit pa sa panahon.
"So anong room ka? "
"47/A" mabilis na sagot ko sa kanya. Muli kong sinulyapan ang orasan at mukhang 47/A na nga ang mapapasukan ko dahil patapos na ang naunang subject... Bwesit kasi bat naligaw ligaw pa ko ayan tuloy huhuhuhuh
"Same pala! Sakto yan ahahaha Tara this way"
Nakaka mangha ang ngiti nito. Na umaabot pa hanggang tenga isama mo pa ang singkit nyang mata na parang nangiti din sayo. Parang nakita ko na sya? San ko ba nakita ang lalaking to?
"Nga pala pano mo naging kaibigan si Jane? " basag nya sa katahimikan
"We're roommates" oooohhh myyy ghaaadddd Sheeeemeeey ka gurlllllll alam ko na kung saan!
Sya yung nasa picture! Yung nasa book ni Jane at nasa picture frame ni Mia?
"T-teka? Ikaw yung???? Yung Uhmm boyfriend ni Mia? " kinakabahan man ay natanong ko pa din.
Bigla ay nawala ang mga ngiti nya. Shemey paktay ako.
Tumingin sya kung saan saka payak ang ngiting sumagot.
"Yeah ako nga. Kaibigan mo din ba sya? " mabilis na umiling iling ako.
"Ahh ahahah andito na tayo" Sabi nya saka walang sabi sabing pumasok na sa loob.
Nanlalaki ang matang napa dako ang tingin ko sa sa katabi nang inupuan ni kleint. Si Mr. Nega
Halaaa classmates ko din sya? Shemey ka gurl.
Muli akong napa tingin sa lalaking katabi ni klient. Ang sama ng tingin nito sakin na kahit anong oras ay pwede na akong kainin.
He mouthed something na hindi ko naman maintindihan. Kaya naman naupo na lamang ako sa pinaka malapit na upuan.
Maya maya pa ay may kumalabit sa akin at may inabot na cramp fold paper.
Sasamaan ko sana ito nang tingin. Nang ituro nya si Mr. Nega... akala ko... may balak pa akong pasahan ng kalat di naman sakin yan.
Inis na tinanggap ko na lamang ang papel at tiningnan kung may sulat..
"Anong sinabi mo kay Calvin? " Basa ko nang mahina..
Teka nga? Sinong Calvin ba to? Wala naman akong kilalang Calvin. Wait Calvin? Yung lalaking??? Yung lalaking kausap ni Mia? Pero hindi ko naman nakausap yun!
Ang engot din nitong si Mr. Nega haysss bahala sya sa buhay nya.
Ginusot ko na lamang itong muli saka inilagay sa bag ko.
Kaya lang wala pang limang minuto ay may bago na namang papel na iniabot ang babae sa likuran ko.
At ganun padin ang naka sulat nag tatanong kung anong sinabi ko kay Calvin..
"MALAY KO KUNG SINONG CALVIN" Reply ko sa kanya. Saka ibinalik ang sulat.
"Yan caps lock na para dama" Bulong ko pa bago ipasa muki ang papel.
"yung lalaking kasama mo kanina! at katabi ko ngayon. Wag ka ngang mag maang maangan! " balik nya sa sulat.
"Wala akong sinabi " Reply kong muli.
So sya yung Calvin? Sya yung halaaaaaa no doubt naman kung bakit pinag aagawan ang Calvin na yan apaka pogi at cute.. Hot at handsome pa. Pero wapakels ako sila na lang mag nasa dun ahahah
Muli akong naka tanggap nang mensahe
"Meet me at the basketball court"
Naiinis na tiningnan ko sya sa kinauupuan nya kaya lang ay naka ub-ub ito. At mukhang natutulog na. Kaya ibinulsa ko na lamang ang papel. Itinuon ang pansin ko sa pag tuturo ng teacher. Kahit hindi naman sya totally nag tuturo.. Dahil niri recap lamang ang mga natutunan sa naunang taon."HELLO!!! MY MOMO BA DITO??? ECHOS LANG MR. NEGA??? "
"At sinong Mr. nega? "
"AY KABAYONG BUNDAT DAHIL NA BUNTIS MO... Wengya ka naman ohh! Aatakihin ako sayo... Sino pa ba eh di ikaw" Inis na sabi ko saka tumayo. Napa upo kasi ako nang mang gulat ang lalaking nega na mukhang kabute pa ata.
"I will direct to the point. Anong sinabi mo kay Calvin? "
"Haysss ang tigas ng bungo mo wala nga akong sinabi sa kanya. "
"Wala? " Napapantastikohang napaiwas ng tingin ito saka muling nag salita.
"So Ka close mo pala sya? "
"Hindi din... Nakasabay ko lang sya sa daan dahil nawawala ako at iniwan mo ako dun, NEWBIE AKO HELLO!! " sarcastic na sabi ko.
"Paki ko naman sayo? "
"Hmp wala nga MR. Nega at bakit din ba ako pumunta dito" akmang hahakbang na ko paalis ng pumasok si Kleint kasama ang iba pa.
"Oh! Ikaw pala miss??? "
"Bethany "
"may gagawin kaba dito?" Tanong nya saka bumaling kay Mr. nega
"Tol Kein! Kasama mo? "
"HINDI " sabay na sabi naming dalawa ni Mr. Nega
Natatawang Napataas ng kamay si Kleint. Naiinis na umalis na lamang ako.
Apaka lakas ng loob na sabihan akong wala syang paki tapos pinapapunta ako dun sa Court! Hmmp kakausapin ka lang kapag kelangan ka tapos kapag hindi na at wala nang kailangan sayo para kana lang hangin.
Naka ramdam ako ng pag kaawa sa sarili ko. Ha! No Kakayanin ko padin to. Nakaya ko ngang walang kaibigan sa mahigit ilang taon na nag aaral ako. Ngayon pa kaya.
"Oh! Ok ka lang ba Bethany? " tanong ni Jane nang maka uwi ako.
"Oo naman ahahah ikaw? Ayos kana ba? Di kana nag tatae? " pilit na ngiting pinakawalan ko
" Hindi na uminom ako ng gamot. Kaya lang di nako naka pasok" Bored na sabi nito saka shinut ang hawak na basura sa basurahan ko.
Natatawang nilapitan ko ang basurang tinapon nya na di naman nashoot. Saka ko shinut pabalik sa paper bin nya.
"Wow! How did you do that? " Manghang tanong nya
"Do what? " Nag tatakang tanong ko.
"Uhmm the shooting thingy ahahaha"
"I don't know ahahaha anyway i meet the guy in the picture " pag iiba ko ng usapan.
Pero bigla ay natahimik ito. Saka nakarinig na lamang ako ng pag bukas at pag sara ng pinto.
Napapa buntong hiningang tumingin ako sa pinto. Wrong move ata ang pagtatanong ko. Sa susunod na lang siguro.
YOU ARE READING
MY Nega Boyfriend
General FictionBethany "I can't bear to be on his side" "He is the worse man ever" "I can't stand with him even in a single Time" "Hopeless Romantic man i ever meet" Kienpatrick "Machine gun mouth" "Annoying bitch" "I hate loud people " "Girl who always h...