Napangiti ako ng malapad ng makita ang mga taong excited habang hila-hila ang kanilang mga maleta. It's good to be back! It finally feels home! Nakakamiss din naman pala ang traffic sa Pilipinas!"Miss Sabrina, nakaready na po ang sasakyan." sabi ni manong driver pagkatapos yumuko.
Ngumiti ako at nagsimula ng sundan siya. Masaya na nakabalik ako pero may takot at sakit akong nararamdaman. I tried to move on pero wala, siya parin talaga.
Habang nasa kotse ako ay napatingin ako sa singsing na binigay niya saakin nung graduation ball. Kahit na apat na taon na ang nakalipas ay nandun parin iyon sa daliri ko. Minsan ay inaalis ko iyon at halos siguro mabaliw ako tuwing nawawala iyon sa paningin ko. Ganun iyon kaimportante saakin dahil napakaimportante din ng nagbigay nun. Napangiti ako ng mapait.
Maya maya lng ay dumating na kami sa bahay. Walang tao doon dahil naiwan si Mommy and Daddy sa New York. Si Farrah at Froy ay susunod din.
Bago ako pumasok ay may nakita akong nakaparadang mga kotse sa labas. Alam ba nila? Nako talaga si Mommy! Ang plano kopa naman sana ay isurprise sila sa pag uwi ko.
Pagkapasok ko ay naabutan ko silang nagtatawanan at natigil ng makita ako.
"Omg princesss!" sabay sabay na sabi nila at nag unahan na lapitan ako. Napangiti na lng ako at sinalubong sila ng yakap.
"Shit! We miss you so much!" sabi ni Red na naiiyak pa.
"Me too!" sabi ko sakanila na medyo naluluha din.
"Nasaan si Pierre?" tanong ko ng mapansin na hindi sila kumpleto.
"Busy sa trabaho princess, workhaholic kasi yung gunggong!" sagot ni Red. Tumango lng ako. Marami na talagang nagbago. Yung mga gago mas lalong gwumapo at nagmature yung itsura pero yung mga ugali ewan ko.
"Ang tagal mo namang bumalik!" reklamo ni Liam.
"Sorry naging busy kasi atsaka ngayon lng ako pinayagan ni Daddy eh." pagpapaliwanag ko. Tinitigan lng nila ako dahil sa sinabi ko.
"Short hair kana princess! Pero infairness bagay sayo, mas lalo ka atang gumanda ah! May boyfriend kaba sa New York?" sabi ni Santi.
"Ang haba na kasi ng buhok ko eh kaya naisipan kong magpagupit. And wala akong boyfriend noh!"
Tiningnan lng nila ako ng nakataas kilay na parang hindi sila makapaniwala na kaya ko palang gupitin yung buhok ko. Tangina kung hindi ko ginupitan yung buhok ko matatalo kona si Rapunzel.
"I miss your long hair." sabi ni Blake.
Nagpaalam na muna ako sakanila na magbibihis muna ako pero sabi nila ay babalik na lng daw sila ng gabi dahil alam nilang pagod ako sa biyahe. Pagkapasok ko sa room ko ay agad akong nahiga sa kama ko at nag ikot ikot. I miss my room! I saw my spongebob stuffs at napangiti ako dahil wala pa din namang nagbabago doon kahit na ilang taon na ang lumipas.
Maya maya lng ay nakatulog ako dahil siguro na rin sa pagod sa biyahe.
Pagkagising ko ay hapon na, napahaba yung tulog ko. Nagbihis muna ako at napatingin sa repleksiyon ko sa salamin. Yung dating mahaba kong buhok ay hanggang balikat na lng ngayon. I like it naman kaya ok lng. Sa loob ng apat na taon ay saka lng ako nagpagupit nung pauwi na ako dito sa Pilipinas. Hanggang sa paa ko na yung buhok ko dahil ilang taon akong hindi nagpagupit.
I check my phone and I got shock when I received a lot of calls and messages. Nung tingnan ko kung saan galing ay kila Mom, Farrah, and my friends in New york ang mga iyon. Meron rin akong nareceive na message galing kay Pierre.
Pierre:
Sorry if di ako nakapunta, are you free tonight? I'll fetch you.
Nagtext lng ako ng ok at binasa na yung mga messages nung iba. I read my Mom's message, she miss me na daw. Sa rami ng messages ay hindi kona nabasa yung iba dahil tinamad na ako. Kukuha na sana ako ng susuotin ko para mamaya nung may biglang tumawag.
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
Teen FictionSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...