Tahimik lamang kaming kumakain habang ako ay kinakabahan deep inside. Wala akong idea na uuwi pala sila, at alam kong pati din to si Vico.Nagkatinginan kami ni Lux at ngumiwi lng ako ng mahuli si Mommy na nakatingin pala samin.
"Nagkabalikan ba kayo?" nakataas kilay na tanong ni Mommy.
Muntikan na akong mabulunan sa tanong ni Mommy. Kaya agad akong inabutan ng tubig ni Vico na katabi ko ngayon.
"Yes po tita." sagot ni Lux na pinanlakihan ko lng ng mata. Ano pa nga bang magagawa ko. Hindi din naman namin to matatago.
Kinakabahan lng ako sa magiging reaksiyon nila dahil sinabi ko sakanila noon na hindi na kami magkakabalikan ni Lux. They had been there nung panahon na hindi ako lumalabas sa kwarto ko dahil sa kakaiyak. At dahil doon ay kinamuhian nila si Lux dahil sa pagiging miserable ko, pero sinabihan ko naman sila noon na ako ang may gustong makipag hiwalay at na walang kasalanan si Lux. I didn't tell them the truth about the threat that I'd received. Alam kong mag aalala lng sila at ang mas malala pa ay hindi na ako pabalikin ng Philippines.
"I'm glad na nagkabalikan kayo! Si Lux lng ang gusto kong lalake para sayo hija, pero sana lng ay hindi na maulit yung dati." Nakangiting sabi ni Mommy na kinangiti ko din. I'm really lucky to have a Mom like her!
Tiningnan ko ang reaksiyon ni Daddy, seryoso lng siyang kumakain habang hindi nagsasalita. Akala ko ay mabubunutan na ako ng tinik dahil akala ko ay ok na. Mukhang hindi ok kay Daddy.
Napabuntong hininga lng ako at nagpaalam na sakanila na aalis na ako para magtrabaho. Tumayo na din si Lux at nagpaalam sa parents ko at kay Vico na nakangisi lamang habang tinitingnan kami.
Nanatili lamang na seryoso si Daddy at hindi ako tiningnan nung umalis na kami. It makes me sad, I know he's just being protective and naiintindihan ko naman. I just hope na he'll be happy for me like Mommy.
Nung nasa kotse na kami ay hindi ko mapigilan na yakapin si Lux.
"Seems like your Daddy doesn't like me anymore." He said at ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"They didn't know the reason why we broke up. Hindi dapat magalit si Daddy sayo dahil wala ka namang kasalanan." I tried to comfort him.
"It's ok, maybe your Dad is just worried that I'll make you cry again."
"It's my fault though." Naiiyak kong sabi.
"Just please don't do that again, ok? I should be the one who'll protect you Sabrina, if they want me then let them chase me. Hindi ako mamamatay, unless kung iwan moko ulit." Sinapak ko lng siya dahil ang oa naman kung mamamatay siya dahil sa pag iwan ko sakaniya ulit, though I will not do it again.
Lumipas na ang ilang araw pero walang paramdam yung stalker ko. I should forget about that stalker and that damn letter. Pero tuwing naiisip ko yung nangyare noon ay hindi ko mapigilan na hindi mag aalala. I still don't have an idea kung sino ang nagpadala saakin noon, but I have a feeling na isa sila sa mga naging alagad ni Kian. Hindi ko sila kilala lahat pero may possibilities na kaya nila ginagawa ito ay para maghiganti.
Pagkahatid saakin ni Lux ay nagpaalam na ako sakaniya at pumasok na ako. The employees greeted me and I greeted them too with a smile on my face.
As usual ay maraming gagawin sa opisina, yung iba ay isinantabi ko muna at inuna ang mga dapat unahin.
Maya maya lng ay sumasakit na ang mata ko dahil sa kakabasa ng mga documents kaya naman nagpahinga na muna ako at tiningnan ang cellphone para icheck kung anong oras na at kung may message ba si Lux.
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
Novela JuvenilSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...