Chapter 4

5.5K 173 4
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising at nagdesisyon na pumunta ng mall. May mga bibilhin lng ako and gusto ko din gumala today. Kailangan kong makapag isip isip! I should plan for a beach trip! Mas nakakarelax ang ganoon.

And napagtanto ko kagabi na hindi ako basta makakabalik ng New York ng dahil lng sa nalaman kona may girlfriend na si Lux. I will manage our businesses here in the Philippines.

Ako lng ang nag iisang anak so walang ibang magmamana kundi ako. That's why I decided to chose business management as my course when I was in college kahit na culinary talaga ang gusto ko. Hindi alam nila Mom and Dad na I wanted to be a chef. Dahil alam ko sa sarili kona kahit gusto ko ang kursong iyon ay sa kumpanya padin namin ang bagsak ko.

After driving for a minutes ay nandito na ako ngayon sa mall. Bumili lng ako ng mga kailangan sa bahay and some of my stuffs too dahil hindi ko dala lahat ng gamit ko.

Habang naglalakad ako ay napatigil ako ng makita ang isang store na may pa free videoke sa mga tv na binebenta nila.

***

Gumagala kami ni Lux dito sa mall dahil kakatapos lng ng klase namin. Ang boring naman na kasi sa bahay.

May kinikwento ako sakanya ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nakikipag holding hands siya.

Tiningnan ko siya.

"Why? Bawal ba?" tanong niya at umiwas ng tingin. Kikiligin na sana ako eh kaso masyadong PDA ang ganito. Hindi ako sanay sa ganito lalo na sa public places. Hindi naman sa nahihiya ako pero ano kasi hayst. Ok, sige at dahil love ko siya ay payag na ako pero iprank ko muna ang isang to na kunyare ay ayaw ko.

Inalis ko ang kamay ko sakaniya at tiningnan siya. Bigla namang nag iba ang expression ng mukha niya. Is he mad?

"Galit kaba?" tanong ko para makasigurado. Pft! Galit ang gago!

Di niya lng ako sinagot at nauna ng maglakad. Pero bago yun ay may sinabi siya.

"Kinakahiya mo pala ako." sabi niya at binilisan ang paglalakad.

Tangina! Hoy Lux Danielle! Joke lng naman!

Agad akong tumakbo para sundan siya. Nakita ko naman na tumitingin siya sa isang store ng mga Hello kitty na stuffs. Napairap ako! Susuyuin ko na naman to!

Napangisi ako ng makita na may pa free videoke yung katabing store nun. Agad akong lumapit dun at kinausap yung salesman kung pwede ba magtry. Ano bang nakain ko at ginagawa ko 'to?

Naramdaman kong papalapit na si Lux dito. Wala na akong time para maghanap ng kanta kaya naman yung pinili kona na lng kanta ay yung unang lumabas dun.

Ewan by Imago

Hindi ko alam kung bakit ka ganyan
Mahirap kausapin at di pa namamansin
Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Ngunit di bale na basta't malaman mo na...

Kanta ko habang sinasabayan ng action.
Mukha akong tanga dito! Tangina.

Nakatingin lng ako sakaniya habang kumakanta habang siya naman ay nakatingin lng din saakin. Ngumuso lng siya ng kindatan ko siya at umiwas ng tingin.

Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Ngumiti ka man lang sana ako'y nasa langit na
Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Sumagot ka naman 'wag lang ... ewan ...

Nakita kong marami ng tumitingin saamin. Hayst kung di lng kita mahal Lux eh! Nako! Mas nakakahiya pa to kaysa sa pakikipagholding hands eh pero bahala na!

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon