Chapter 34

155 4 2
                                    


I already booked my flight, my flight is scheduled at 4 AM. Paniguradong hindi pa gising ang mga kaibigan ko sa oras na iyon. Wala akong balak na sabihin sa kanila ang nangyare, siguro ay pagbalik na lang nila ng Manila.

But I need to tell about this to Lux kaya naman tinawagan kona siya after packing my things.

"Miss mo ako agad?" pabiro niyang tanong.

"I have something to tell you,"

"Why? May problema ba?" Kung kanina ay nagawa niyang magbiro ngayon ay napalitan na iyon ng pag aalala.

"I'm going back to Manila tomorrow..." Ilang minuto din ang lumipas bago siya nagsalita ulit.

"Can you open your door? I want to see you right now." Nagulat naman ako sa sinabi niya, bakit ang bilis niya naman makapunta sa suite namin. How can I face him if sobrang namamaga ang mata ko kakaiyak?

I look myself first at the mirror at saka lumabas. Naabutan ko siyang nakatayo habang nakasuot ng pangtulog.

"What the hell happened? Are you okay? Bakit namamaga ang mga mata mo? Sinong umaway sayo tangina??" Hindi ko mapigilan na mapangiti sa mga tanong niya. Imbes na sagutin ang kaniyang mga tanong ay niyakap kona lang muna siya dahil kailangan ko ng yakap ngayon.

"Naaksidente si Daddy..." Nagulat siya sa sinabi ko.

"What? Bakit? Sino ang nakabunggo sakaniya? Dapat na magbayad ang nakabunggo sakaniya!" Ramdam ko ang galit niya pero sa ngayon ay hindi kopa alam ang buong kwento kung bakit nangyare iyon sa Daddy ko, Mom said na she also doesn't know kung ano ba talaga ang nangyare. But te Police is already investigating on what happened ba talaga.

"Hindi pa namin alam, kaya kailangan kong makabalik na ng Manila bukas. Hindi ko kayang magpakasaya dito knowing na nasa hospital ang Daddy ko."

Tumango lang siya at yinakap ako ulit. "Sasama ako sayo bukas."

"But I think puno na ang flight bukas ng 4 AM." Ngumisi lang siya at kinuha ang cellphone niya.

"Hello? Can you bring the helicopter here tomorrow?" Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Helicopter? Meron siya nun?

"Ok, thank you! I'll send the address." Pagkatapos niyang ibaba ang kaniyang phone ay tumingin siya sa akin.

"You should cancel your flight tomorrow at sa akin kana sumama." aniya.

"What? Seryoso ka? Paano ka nagkaroon ng helicopter? I can't believe this!" gulantang pa din ako sa mga narinig ko.

"Why? You think that I can't afford to buy it?"

Hindi naman sag anon pero dati kase wala naman siyang helicopter or ang family nila. Fudge 4 years na pala ang nakalipas, syempre may mga bagay pa rin na hindi ko alam tungkol sakaniya.

"Eh di ikaw na!" nasabi ko na lang at kinuha ang phone ko para icancel ang flight ko.

"Pft hindi moba nakikita ang pagmumukha ng gwapo mong boyfriend sa magazines? I don't want to brag it pero I'm very popular around the world." hambog niyang sabi na kinairap ko na lang. Oo nga pala I forgot, how can I not see his face on the magazines eh lagi ba naman siyang laman ng mga iyon. Hindi niya alam na complete ang collections ko ng magazine na nandoon siya. Syempre iyon na lang ang paraan para makita ko ang mukha niya.

Very popular pala huh eh di ibig sabihin ay maraming babae ang nagkakandarapa sakaniya!

"Oh bakit na nakanuot ang noo mo?" tanong niya ng mapansin na nag iba ang facial expression ko.

"Kumakapal na kase ang pagmumukha mo!" biro ko at tumawa. Ngumiti lang siya ng makita na tumatawa ako.

"I'm glad that you're laughing again. Everything will be ok, I'm always here for you, you can tell me everything ok?" Ngumiti lang ako sa sinabi niya. I'm so lucky to have him! The best guy in the universe!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon