Hinatid ako ni Lux pauwi. Habang yung kotse ay ipapakuha na lng daw ni Lux sa tauhan nila. Medyo nakakaguilty lng dahil umalis kami roon ng wala man lng paalam. Sigurado ay hinahanap na kami roon pero bahala sila, ang importante ay kasama ko si Lux.Maghahating gabi na pero nandito pa din kami sa loob ng kotse niya. Tila ay ayaw na namin maghiwalay.
"May trabaho ka bukas?" he asked while he's playing my hands.
"Meron, bakit?" sagot ko at tiningnan ang kamay niyang kanina pa pinaglalaruan ang kamay ko.
"Should we go on a date after your work?" Tiningnan ko siya at nakitang nakangiti na parang sobrang kinikilig.
Hindi ko din mapigilan na hindi kiligin sa idea niya. Feeling ko tuloy ay para kaming bumalik sa pagiging teenager.
"Sure! Siguro ay aalis na lng ako ng maaga sa trabaho. What about you? Wala kang trabaho bukas?"
"First time kong mag day off bukas, I'm a workaholic and kahit na day off dapat ay pumapasok pa din ako." sagot niya na hindi kona pinagtaka.
Puro lng siya trabaho, dapat siguro ay magbakasyon muna siya. Syempre dapat ay kasama ako noh!
Oh what if isama namin siya nila Demi? Tangina ayan kinain mo lng yung sinabi mo na puro lng kayo dapat babae! Hays ok lng naman siguro iyon diba? Isama din ni Demi si Red! Kaso si Vico walang jowa kaya baka ay ma out of place lng siya! Napailing na lng ako at nagdesisyon na hindi na lng isama si Lux. Siguro ay next time na lng tapos kaming dalawa lng.
"What are you thinking?" tanong niya ng mapansin ang pagtahimik ko.
"Gusto moba ay pumunta tayo ng malayo?" excited kong tanong sakaniya.
"Tayong dalawa lng? If tayong dalawa lng then i'll go." aniya.
After I bid say goodbye to him ay nakangiti akong pumasok. Nagulat pa nga ako dahil naabutan kong gising pa din si Vico.
"Hoy gaga! Anong meron ha? Mukhang hindi na ako updated sa lovelife mo!" nagtatampo niyang sabi na kinanguso ko lng. Oo nga pala, ang dami ko ng utang sakaniyang kwento.
"Kami na ulit!" sabi ko at ang bruha ay hinampas ako. Tangina ang sakit pa naman nitong manghampas tuwing kinikilig.
"Omygosh! Totoo ba yan? Or baka naman ay naghahallucinate kana naman?" hindi niya makapaniwalang tanong habang sinuri ako kung nagsasabi ba ako ng totoo.
Magkekwento na sana ako ng biglang may nagtext sa cellphone ko. Tiningnan koi yon at agad akong napangiti ng makita kung kanino iyon galing. It was from Lux! How did he know my number?
From: Uknown number
I miss you already. See you tomorrow my baby.
Pinakita ko ang message ni Lux saakin kay Vico para maniwala siya. Tumaas lng ang kilay niya saakin na kinatawa kona lamang. Akala mo naman talaga ay nagsisinungaling ako eh!
"I'm happy for you!" naiiyak niyang sabi, tangina pati tuloy ako naiiyak din.
Kwinento ko sakaniya lahat at inabot kami ng ilang oras kakakwentuhan. Mabuti na lng at nag aya na si Vico na matulog dahil kung hindi ay baka abutin kami ng umaga kakakwentuhan. May date pa naman ako bukas!
Kinabukasan
Maaga akong nagising at agad kong kinuha ang cellphone ko. Baka ay nananaginip lng ako kagabi! Tangina!
Nung icheck ko ang cellphone ko ay hindi ko mapigilang hindi magpagulong gulong sa kama habang binabasa ang text message ni Lux. Fvk! Muntik na akong mahulog sa sahig dahil sa paggulong gulong ko!
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
JugendliteraturSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...