Habang kumakain ay nakatulala lng ako."Hoy princess! Kanina kapa namin kinakausap! Bakit tulala ka diyan?" usisang tanong ni Blake na kinabigla ko dahil kinakausap pala nila ako.
"H-a? Ano bang tanong niyo?"
Tumawa naman sila sa naging tanong ko.
"Oh diba! Halata ngang di nakikinig! Lumilipad ata isip nito eh." tumatawang sabi ni Liam na kinairap ko lng. At sumubo ng pagkain dahil di ko man lng pala nagagalaw ang pagkain ko.
"Baka kasi iniisip na naman si ano!" sabi ni Red habang nakangisi. Napanguso lng ako dahil ako na naman ang trip nila.
"Tumigil nga kayo! Di na ako natutuwa!" sabi ko at di na sila pinansin. Tumawa lng silang lahat pati si Pierre ay nakisali din .
Tangina! Mga bwisit! Aalis na ako dahil nawalan na ako ng ganang kumain. Ewan koba nung sinabi saakin ni Red yung about sa pagpunta ko bukas sa bahay nila ay parang hindi na ako mapakali.
"Uy princess joke lng naman! Di ka naman mabiro." nakapeace sign na sabi ni Red.
"Ewan ko sainyo." sabi ko at nag walk out.
Dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Paano kaya bukas? Kalma lng Sabrina shit! Nakakainis naman! Napasabunot na lng ako sa buhok ko ng biglang may tumawag. Si Vico! Ay sakto ang gaga!
"Bab—" tatawagin ko sanang babe si Vico ng maalala na yun ang tawagan ni Lux at ng babae niya. Napasimangot na lamang ako ng maalala iyon. Minsan talaga natatawag kong babe tong si Vico eh. Kasi wala lng, trip ko lng naman. Pero never ko siyang tinawag na baby! Dahil endearment namin yun ni Lux! Kahit na gamit na gamit na ang endearment na yun ay gustong gusto ko iyon lalo na pag tinatawag akong baby ni Lux.
"Lagi na lng ako ang nauunang tumawag! Bwisit kang babae ka!" naiinis niyang sabi.
Tumawa na lng ako kahit na bigla akong nabadtrip at nagfinger heart sakaniya.
"Sorry naman. Balak sana kitang tawagan eh kaso naunahan mo ako." palusot kong sabi sakanya dahil nawala talaga sa isip ko na tawagan siya dahil marami akong iniisip ngayon hayst.
Pinakyuhan niya lng ako. At ako naman ay kwinento na lng ang nangyare kahit na natatawa pa din ako.
"Omg nakakaexcite naman iyan bitchh!Makikita mo na naman si fafa Lux! Kaso nga lng ay may epal!" kinikilig niyang sabi.
Matutuwa sana ako na makita ulit si Lux bukas kaso tuwing naiisip kona may mahal na siyang iba ay parang ayoko na muna siyang makita dahil masasaktan lng ako. Pero heto naman ang ginusto ko diba?
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng tungkol sa pagiging magkapareho naming pangalan nung bruha ng biglang may biglang kumatok.
"Princess! Labas kana! Sorry na hehehe."
"Omg sino yan? Ang gwapo naman ng boses! Kyahh!"
Napailing na lng ako dahil ang landi talaga nito. Di pa nga pala nila kilala si Vico except kay Pierre! Kasi nung nasa New York ako laging wala tong si Vico dahil busy sa negosyo ng family nila kaya di kona siya napakilala sa mga kaibigan ko. Si Pierre naman ay nakilala ni Vico nung may business trip si Pierre sa New York .
Pumunta ako sa may pintuan at binuksan iyon.
"Sino yang kausap mo princess? Boyfriend moba?" tanong ni Red at hinablot saakin ang cellphone ko. Narinig kong tumili si Vico. Natawa na lng ako dahil pinagkaguluhan siya ng mga kaibigan ko.
"Sino kaba pre? Ay bakla ka siguro noh?" tanong ni Red na nahalata agad na bakla si Vico.
Pumunta ako sakanila at sumilip. Nakita kong nagtakip ng mukha si Vico. Tangina! Laughtrip!
"I'm Vico Constello. Single and a little virgin!"
Napamura lng ang mga kaibigan ko at natawa sa sinabi ni Vico. What the fvck! Pati ako ay natawa na lng din dahil ang kapal talaga ng mukha niya!
Iniwan kona lng sakanila ang cellphone ko at pumunta na muna sa kwarto. Bahala na si Vico diyan! Gustong gusto naman niya yan eh!
Naghanap ako ng damit para bukas. Ay sa bahay lng pala so dapat simple lng. Pero kasi bukas pa naman yun eh. Napasabunot na lng ako sa buhok ko. Nadadamay pa tuloy yung buhok ko dahil sa kagagahan ko.
"Princess!"
Napatingin ako sa may pintuan dahil sa mga sigaw nila. Nagsipasukan sila at nahiga sa kama ko kahit na di naman ako pumayag na pumasok sila.
"Princess ano to?" sabi ni Santi sabay taas ng cellphone kona ang wallpaper ay kaming dalawa ni Lux.
Nagulat ako don at inagaw sakanya ang cellphone. Nakalimutan kona yun pala ang wallpaper ko! Fudge! Tumawa silang lahat dahil sa ginawa ko except kay Pierre na seryoso lng na nakatingin saakin habang nakaupo sa may couch.
"Di kapa ba nakamove on sakanya princess? May jowa na si Lux eh!" sabi ni Red na nagpatahimik saaming lahat.
Syempre hindi. Kahit na apat na taon na ang nakalipas. Hindi pa ako nakakamove on. Dahil hindi ko naman alam na wala na pala akong babalikan.
"Ang daldal mo talaga Red!" bulyaw ni Liam at sinapak si Red.
"Eh kasi naman! Mukhang masaya na si Lux sa girlfriend niya!"
Pinagsasapak ulit si Red nila Santi, Liam at Blake.
Nangingilid ang luha ko ng tumalikod ako sakanila at nagdesisyon na pumasok muna sa C.R, ayaw kong makita nila akong umiiyak na naman.
"Princess!" rinig kong tawag nila saakin.
Umiyak lng ako sa loob ng C.R habang nakatitig sa cellphone ko. Nakahalik ako sa pisngi ni Lux sa picture na iyon habang siya ay nakangiti na labas yung gilagid. It was one of the best moments na kasama ko siya. We went on a beach for a short vacation. Dahil ako ang nagsuggest nun at para na rin mag unwind! Isasama sana namin ang mga kaibigan namin that time pero sabi niya ay wag na daw. Dahil gusto niya akong masolo.
Mas lalo lng akong naiyak habang inaalala ang nakaraan. Move on? Kailangan kona bang gawin talaga iyon? Pero paano? Di kopa siya nakakausap. Kailangan ko lng sabihin sakanya lahat! Para mawala na tong bigat sa dibdib ko. Pero kailangan niya pabang malaman yung rason ko kung bakit ko siya iniwan 4 years ago?
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Lagi na lng akong umiiyak! Ang sakit naman kasi malaman na may iba na siya. Handa akong tanggapin iyon kung saan siya masaya ay dun ako. I'm willing to let go even if it gonna hurt so bad! Sabi nga nila kung mahal mo willing kang ilet go yung tao para sa ikasasaya niya.
Lumabas ako ng C.R at nakitang nandun parin sila habang makikita sa mukha nila na nag aalala sila. Ngumiti ako para naman na wag na silang mag-alala. Ok lng naman ako.
"Di paba kayo uuwi? Gabi na magpahinga na kayo." sabi ko sakanila.
Lumapit lng sila saakin at yinakap ako.
"We're just here for you princess! Handa kaming makinig sayo. Always remember that." saad ni Blake na kinatango lng nilang lahat.
"Thank you! I'm so lucky dahil naging kaibigan ko kayo kahit na puro kayo kabulastugan." sabi ko sakanila at tumawa lng sila.
Maswerte pa din talaga ako at kahit na marami ng nangyare ay may mga kaibigan pa rin talaga akong nandiyan pa rin.
Pagkatapos nilang magpaalam ay umalis na sila habang ako ay natulog na dahil maaga pa ako bukas.
End of Chapter 5~
Sorry for the short chapter. Thank you for reading!
Lovelots<3
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
Teen FictionSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...