Chapter 20

3K 142 15
                                    


"Hoy bitch ang ganda ng gown mo ha!Very bet!"puri ni Vico saaking gown na kanina niya pa tinititigan.

Kulang na lng ay sukatin niya yon eh!

"Mas maganda ang magsusuot syempre." sabi ko habang nag-aayos.

3 P.M na at mamayang 6 P.M yung event kaya nagreready na ako. Ako na ang nag make-up sa sarili ko habang si Vico ay ang mag-aayos ng buhok ko.

Sabi niya na imessy bun na lng daw ang buhok ko dahil kaya naman na iyon ng buhok ko kahit maikli. Hanggang balikat naman na ang buhok ko kaya ok lng kung ganun ang pagkakaayos.

Medyo nalulungkot ako dahil ang dami ko ng utang na chika kay Vico. Masiyado na akong naging busy sa trabaho.

Kinakabahan ako ngayon dahil first time kong umattend sa event na ganito na hindi kasama ang parents ko! For sure marami akong makakasalamuhang mga business tycoons roon.

After I did my make-up ay tiningnan ko muna ang repleksiyon ko sa salamin. I look different!

Tumingin ako kay Vico.

"How do I look?" I asked her.

Tumaas lng ang kilay nya. "

Grabe!Ikaw na ang maganda! Baka mas lalong mabaliw niyan sayo si fafa Lux." maarte niyang sabi na ikinailing kona lng.

I haven't seen him since yesterday. For sure makikita ko iyon mamaya at syempre ay si Gracia ang date niya.

Nagsimula ng ayusin ni Vico ang buhok ko. Medyo humahaba na ulit ang buhok ko ha.

It was already 5:30 P.M nung natapos na akong gawin ang dapat gawin. I'm already wearing my gown at medyo nahihiya ako dahil kitang kita ang likod ko at may mahaba pa iyong slit. Tas medyo kita din ang cleavage ng gown na ito. It's too revealing but it's ok.

Nakaupo lng ako sa may kama ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Napabuga ako ng hangin at ngumiti sa sarili para mawala ang kaba.

I took some pictures of myself at kinunan din ako ni Vico.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Yuri na nakasuot ng tuxedo! What the heck? San pupunta ang isang to? Oh crap pupunta din pala ang isang to.

Napanganga siya ng makita niya ako. Napangisi na lng ako.

"You're so beautiful Sabrina." compliment niya sa'kin sabay lahad ng kamay sa'kin.

I don't remember na may date ako ngayong gabi. I already told him na I don't want him to be my date tsk.

Hindi ko iyon tinanggap at nauna ng maglakad papunta sa kotse.

Pagkarating sa hotel ay huminga muna ako ng maluwag.

Pagkalabas ko sa kotse ay biglang nag init ang dugo ko ng makita si Gracia. Wala akong Lux na nakita, hindi siguro yun pupunta dito. Mabuti kung ganon.

Ano naman ang ginagawa ng babaeng to? Wala akong alam about sakaniya, hindi din naman kasi ako interesado.

Nakataas ang kilay niya habang nakatingin saakin at bigla siyang ngumit ng sobrang lapad habang papalapit saakin. Fvck! Crazy woman!

Papasok na sana ako ng matigilan sa sinabing pangalan ni Gracia.

"Lux! I thought you'll not come eh."

Lilingon sana ako sa likod ng bigla namang dumating si Yuri. What a perfect time Yuri Serrano!

Ngumiti saakin si Yuri at nilahad ang kaniyang kamay. Inirapan ko lng siya at pumasok na sa loob.

Still In love with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon