I'm already done packing my things. Mabuti na lang at isang maleta lang ang dadalhin ko, I thought it will be 2 knowing na ang dami kong stuffs na palaging dinadala tuwing pupunta kung saan.Madaling araw kami aalis papuntang airport dahil ala una ang flight namin. Kanina pa umalis si Lux para magpaprepare din ng mga dadalhin niya and guess what? Hindi niya binigay sa akin ang flowers na binili niya instead ay binigay niya na lang kay Mommy. Napapairap na lang ako habang naalala yung scene kanina.
***
"Thank you sa paghatid. Yung flowers? Wala kabang balak ibigay sa akin?? Or baka naman ay para kay Gracia yun??" nakataas kilay kong tanong sakaniya.
He just smirked at me and iniwan ako sa may gate. Ok so he's getting the flowers!! Hindi ko mapigilan na mapangiti and at the same time ay medyo naiinis na ako dahil dapat ay kanina niya pa iyon binigay sa akin. Ano bang trip niya sa buhay?? Magsasabi siya na surprised yun tapos hindi niya naman binigay nung una palang. For the clout lang ba yung flowers?? Tsk!
"Honey bakit hindi kapa pumapasok sa loob??" Nagulat ako sa boses ni Mommy.
"Mommy naman, akala ko kung sino eh. Hinihintay ko lang po si Lux. May kinuh—" Hindi kona napagpatuloy ang sasabihin ko dahil dumating na si Lux habang dala dala yung bouquet of white tulips.
Napatingin siya kay Mommy at napakamot sakaniyang ulo. Nagmano siya kay Mommy, ngumiti lang si Mom at tiningnan ako.
"Para sayo po Tita." sabi ni Lux at iniabot ang tulips kay Mommy.
What the hell?!
***
Sinabihan niya ako na ibibili niya na lang daw ako ng bagong flowers. Kailangan niya daw kaseng magpa goodshot sa Mommy ko eh lalo na kay Dad! Wala na akong nagawa kanina at ngumiti na lang ng wala sa loob.
Si Vico naman ay kanina pa tulog, mabuti pa ang bruha at nauna na matulog.
Nahiga na ako sa kama at gusto kona rin matulog dahil mahaba pa ang araw bukas.
Kinabukasan
11:00 PM ay nakaready na kami ni Vico at hinihintay na lang si Lux para sunduin kami. Gusto kopang matulog dahil ilang oras lang ang naging tulog ko, tangina nasaan naba si Lux??
I'm just wearing a hoodie and a shorts habang naka sneakers. Bale sa loob ng hoodie ko ay isang white racerback top, just in case na mainit na ay huhubarin kona lang ang hoodie ko. After a minutes of waiting ay dumating na si Lux, kasama niya si Demi na ikinataka ko dahil akala ko ay sasabay siya kay Red, or baka sa airport na lang sila magkikita.
Sumakay na ako sa tabi ni Lux habang nasa likod sila Demi at Vico. Magkakilala na din naman sila and besides madali lang naman makaclose si Vico.
"Hi!" bati sa akin ni Lux habang tinitingnan ang suot ko. He's just wearing a plain white shirt at isang khaki shorts.
"Sino ka?" tanong ko kay Lux na ikinakunot lang ng noo niya. Hays ako naman ang mang ttrip ngayon.
"Almost 1 hr ang biyahe to airport right?? Magsoundtrip naman kayo diyan para di nakakabored!" request ni Vico. Hindi ko siya sinunod dahil gusto kong matulog, ayaw ko ng ingay eh mamaya na lang magpatugtog!
"Hoy bitch! Hindi moba ako narinig?? Patugtog ka ng mga kanta ni Taylor Swift!" bulyaw niya at pinakyuhan ko lang siya para tumigil na siya.
"Gaga! Sige kung ayaw mo magpatugtog ako na lang ang kakanta dito!" pagbabanta niya pa. Bahala siya diyan basta matutulog ako!!
Maya maya lang ay kumakanta na nga siya na parang nasa concert siya, imbes na makatulog ay naiirita na lang ako sa boses ni Vico dahil hindi naman siya singerist katulad ko. Naglagay na lang ako ng unan sa tenga at sinubukan ulit matulog. Narinig ko na tumawa si Lux na mas lalo ko lang kinainis.
Naalimpungatan ako ng naramdaman kona may humawak sa kamay ko. It was Lux staring at me.
"Nandito na tayo baby. Nakababa na yung dalawa, let's go baka maiwan pa tayo ng flight natin."
Pagkarating sa loob ng airport ay agad kong nakita si Red, Ivan, Santi, Liam, Ford, and Kevin. Wala si Pierre at Louver. Siguro ay mga busy sa kanilang trabaho, saying lang at hindi sila nakasama. Mabuti na lang talaga at hindi kasama ang tanginang Gracia na yun! Hindi nila kami napansin dahil mukhang lahat sila ay inaantok pa, si Red ay may dala dala pang kumot at maliit na unan. Napapailing na lang ako habang tinitingnan sila.
Si Vico ay mabilis na nilapitan si Ford at ngumiti ng sobrang lapad, tsk mabuti na lang at nakatulog ako kanina!!
"Hello Princess!" bati nila ng makita ako.
Pagkasakay sa eroplano ay natulog ulit ako habang nakasandal ang ulo kay Lux. Syempre siya ang katabi ko eh, si Vico ay tumabi kay Ford. Isusumbong ko 'tong si Vico kay Apollo! Masiyadong malandi eh!! Hindi kona napansin yung iba at natulog na. Almost an hour din ang biyahe from Manila to Puerto Princesa International Airport.
Bigla akong nagising ng tinapik ni Lux ang braso ko, shit napasarap ata tulog ko! Tiningnan ko siya at tinanong kung nasa Puero Princesa Aiport naba kami. Tumango lang siya na medyo ikinabigla ko dahil ang haba pala ng tulog ko. I check my phone and it's already 3 AM. Sasakay pa kami ng van papuntang El Nido which is 3-4 hrs ang biyahe.
Inalalayan ako ni Lux na bumaba na ikinangiti ko lang, hindi ko alam kung nakatulog ba siya kanina pero I think naman ay nakatulog siya.
May naghihintay na sa aming van pagkababa namin, tiningnan ko ang mga kasama ko at mukhang hindi pa din sapat yung naging tulog nila. Napansin kona hindi nagpapansinan si Demi at Red. Magkaaway ba sila? Si Demi ay solo lang na naglalakad habang nakaheadphones habang si Red naman ay nakabusangot lang habang dala dala ang kumot niya. Mukha siyang bata jusq.
Si Vico naman ay nakatingin sa akin habang nakangisi na animoy heto na yung pinakamasayang araw na nangyare sakaniya. Pinakyuhan ko lang siya at kumapit na lang sa braso ni Lux. Grabe mas lalong naging broad ang mga muscles niya! Hindi ko tuloy mapigilan na pisilin iyon, hindi naman siya nagreklamo kaya I just continue doing it.
Pagkasakay sa van ay kumain na muna kami, nagdrive thru pala sila kanina habang ang himbing ng tulog ko. Yung iba ay hindi na muna kumain at natulog na lang ulit dahil alas tres palang ng umaga. Uminom na lang ako ng kape at kumain ng chicken sandwich. Si Lux ay hindi kumain, nakatingin lang siya sa akin at nagulat na lang ako ng sumandal siya sa braso ko. Matutulog baa ng isang 'to?? Ang bigat pa naman ng ulo nito dahil hindi naman ito ang first time na sumandal siya sa akin.
"Can I sleep?? Hindi ako nakatulog kanina sa eroplano eh." bulong niya.
Tumango lang ako at hinayaan siya na makatulog. Hindi ko mapigilan na hindi kiligin dahil sobra ko siyang namiss. Akala ko ay tapos na talaga, akala ko ay hindi kona ulit siya makakapiling pa. I'm very happy kase kasama ko siya ngayon, ayoko na muna mag isip ng mga problema ngayon. Bahala na muna sila sa buhay nila, saka kona lang sila haharapin after nito.
Nagkwentuhan lang muna kami dahil hindi na din naman ako dinalaw ng antok dahil siguro sa kape.
"Sasama nga sana ang triplets kaso ay may pasok sila." kwento ni Demi habang kumakain ng fries.
"Sayang naman at hindi sila nakasama. You know what Demi, heto na ata pinaka unexpected kong vacation! As in nagulat talaga ako ng mabasa ko yung message mo. Buti na lang at naasikaso mo agad yung pagpunta natin."
Ngumiti lang siya.
"I have a friend from Palawan, he's the owner of a famous resort there kaya mabilis kong naasikaso lahat. He helped me kaya ayun." aniya habang nakangiti. Mabilis na napawi ang ngiti niya ng biglang sumabat si Red.
"Sus friend pala eh for sure may gusto pa din yun sayo." pagpaparinig ni Red na ikinangisi kona lang. So kaya pala sila hindi nagpapansinan, pft parang mga bata eh.
Hindi naman umimik si Demi sa pagpaparinig ni Red kaya si Red ay mas lalong nainis.
"Bakit paba ako nabuhay hays..." malungkot nitong sabi at natulog na lang ulit.
Tumahimik na din ako dahil gusto kona din ulit matulog, mabuti pa 'tong katabi ko tulog mantika na.
End of Chapter 28~
BINABASA MO ANG
Still In love with the Bad Boy
Teen FictionSabrina felt so bad for leaving Lux but for her it was the best thing to do to protect him. People change. They both changed, but her feelings for him are still the same. At sakaniyang pagbabalik ay may ibang babae na sa buhay ni Lux. Huli na nga...